There's no such thing called "Forever" because everything in the world is just Temporary.
Pano ko nga ba nasabing walang forever? Simple lang kasi hindi naman talaga sya nag-eexist.
Tanong nyo bat may Forever sa Fairy tales, eh kasi nga gawa-gawa lang yun. Wala ngang Fairy tales forever pa kaya? Pagmamahal nga ng mahal mo nagfafade eh. (Anong connect?)
Pero don't you worry wala ngang Forever may Life time naman. :)
Sabi ko nga walang forever lahat ay may hangganan kahit buhay ng tao ay may hangganan. Kaya merong Life time kasi ang meaning nun hanggang nabubuhay ka pa kasi wala namang Forever na nabubuhay diba? Saka wala nga kasing FOREVER!!
-ehem ehem- maiba tayo ng usapan, marami nang kwento ang tungkol sa haters na naging lovers at naging sila sa huli.
Pero hindi pa dun yung Ending kasi magkakaroon lang ng Ending pagnamatay yung isa sainyo or pwedeng both para mas masaya. De joke lang.
Marami tayong maiisip na maaaring mahahantungan ng istorya tungkol sa haters ng naging lovers. Itong storyang ginawa ko ay isa sa maaaring mahantungan ng haters to lovers.
------------------------------------------------------------
Sa isang dako ng Pilipinas, may dalawang taong inis na inis sa isa't isa na halos magpatayan na sila at pagpinagsama mo ang dalawang yun may magaganap na gera.
Pero dati yun. Nung hindi pa sila Nafafall sa isa't isa. Hindi nila namalayan na kaya pala inis na inis sila sa isa't isa noon dahil sadyang nagaalala lang sila sa kapakanan ng bawat isa sakanila.
Nagkaaaminan. Nagligawan. At sinagot na ni Girl si Boy.
Sobrang sweet nila na hindi na sila mapaghiwalay na kahit asin lalanggamin dahil sa kasweetnessan nila.
Pero dahil alam nila na hindi talaga nageexist ang salitang "Forever"
Kumapit sila sa salitang "To infinity and Beyond" yan ang sabi ni boy kay girl.
Kasi nga wala naman talagang forever. Edi yun na, sure na sure na si Girl na si Boy na talaga ang "The One" nya.
Pero dahil sa mahal na mahal ni Girl si boy at ayaw na nyang pakawalan to ay naging selosa si Girl ng husto.
Kaya nagtatalo sila lagi dahil nakakasakal na daw si Girl sabi ni Boy. Pero nagkakaayos din sila.
Meron pa pala tungkol kay Girl. Si Girl kasi nahihirapan syang iexpress yung Love na pakiramdam. Kaya ayun si Boy naghinalang Hindi sya mahal ni Girl. Pero hindi nya pinapaalam na parang hindi pa enough sakanya yung effort and love ni girl.
Graduating silang pareho kaya nawalan na sila ng time sa isa't isa. Pero nakakapag-usap pa rin sila ang kaso nga lang saglit lang.
Isang gabi nag-uusap sila, katulad pa din ng dati sweet. Pero si Girl may naramdamang kakaiba dahil sa tanong ni Boy. Ano nga ba ang tanong ni boy?
"Pwede ba kung umalis ako?" -boy
"Ha? San ka pupunta?" -girl
"Hindi ko alam" -boy
"Ano? Anong hindi mo alam?"
Pero hindi sya sinagot ni Boy at tumingin lang ito sa malayo.
"Bat parang.... geez ano ba to" tanong ni girl kay boy. Sa tono ni Boy parang may gusto itong ipahiwatig.
"Yeah"
Sa sagot ni boy parang tinusok ang puso ni Girl hindi nya maexplain kung gano ito kasakit.Tumalikod si Girl at nagsalita sya :
"Kung para sa ikabubuti mo yan then go hindi kita pipigilan. Basta ba para talaga yan sa ikabubuti mo."
Pagkatapos sabihin ni girl ang salitang yun pilit na bumaba ang mga luha nya na kanyang pinipigilan. Pero mas lalong nagpaluha sakanya ang sinagot ni boy...
"Thank you. Maraming salamat sa lahat lahat. Be Happy Be Strong Live your life that's my wish."
"Naahh. It's Fine. Thank you din sa lahat. Have a nice life and good luck sa studies."
"Things happen for a reason"
"Good bye"
At ang katagang yun ang nagtapos sa love story na nagumpisa sa inisan.
BINABASA MO ANG
.....And ended with goodbyes
RomanceThere's no such thing called "Forever" because everything in the world is just temporary.