For the past 3 years, wala akong ginawa kundi ang mahalin ka...
Wala akong ginawa kundi ang iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal...
Pero bakit ganun?
Kahit after 3 years I still don't have the courage to tell you that.
But 3 years akong nagtiis.
Tama nga siguro sila na...
Tama na.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Steph's POV
Nandito kami ngayon ng bestfriend ko sa hallway na palaging dinadaanan nina Treck at mga barkada niya. Si Aileen ang bestfriend ko na nag-suggest na gumawa ng lunch para kay Treck.
Sina Treck ang tinaguriang popular kids ng university and God knows how much girls like me try to gain their attention.
Nang malapit na sila ay agad kong kinuha ang isang lunch box that I prepared just for him.
"Kaya mo yan girl! Go lang ng go! Mauna na ako't may quiz pa ako eh. Aja!" sabi niya at pinatatag ang loob ko. Hoooh. Kaya ko to!
Nang nasa harapan ko na sila Treck ay agad ko siyang tinawag.
"Treck!" then I walked closer to him ang handed the lunch box I made.
Ilang minuto na ang nakalipas, di pa rin niya kinukuha ito sa aking mga kamay. Pinagtatawanan na rin ako ng ibang estudyante at tinatawag na 'attention-seeker'.
Ibinaba ko na lang ito. Nagsimula namang mamuo ang mga luha ko sa gilid ng aking mata.
Tatalikod na sana ako ng may biglang pumigil sa akin.
I expected it would be Treck...
But I was wrong.
It was Blake, one of Treck's best buddies.
I look at him confused but he plastered a genuine smile on his face.
"Akin na lang 'to. Tutal wala namang kakain, akin na lang. Pwede ba?" tanong niya.
Tumango na lang ako bilang sagot at nakayukong umalis sa hallway.
Papaliko na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Steph! Thank you so much for the lunch!" Blake shouted habang kumakaway pa ka akin.