Prologue

24 5 0
                                    

"Ms. Zamora!" napabalikwas ako nang marinig ang tindig ng boss ko galing sa kabilang office room.


Alas otso pa lamang ng umaga, isa-isa na agad kaming' nasisigawan dito sa opisina.


I work at Workzine's Corporation as their official writer and head of the journalism department. Mahigit dalawang taon narin akong nag t-trabaho rito sa WC, and I've been collecting experiences for me-- to hopefully be accepted sa dream company ko since high school once na mag apply ako ng trabaho sa pilipinas.


Yes, I'll be settling down in the Philippines dahil naroon ang pamilya ko at alam kong' oras na para makasama ko silang' muli pagkatapos ng lahat ng nangyari dati. Hinding-hindi ko mapapatawad ang nagawa nila sa akin noon, ngunit hindi ko rin maaaring takbuhan ang mga problemang iniwan ko doon sa loob ng dalawang taon.


"Yes, Ma'am?" seryosong tanong ko sa boss ko pagkabukas ko ng pinto ng kaniyang opisina. Ano na naman kayang pakulo ang baon ni Ma'am ngayon?


"trabaho ba ang tawag mo dito?" namumulang tanong niya habang dinuduro ang papel na hawak niya sa kaliwang kamay niya.


"trabaho ba 'to?!" pasigaw na tanong niya saakin habang marahan na ibinagsak sa table ang mga bulko ng papel na pinagtrabahuhan namin ng ilang gabi rito sa opisina.


"Excuse me, Ma'am. Apologies, but I believe that you don't have the rights to belittle the work we've done for the past 4 days just to give you a proper report regarding the issue." kunot noo kong sambit sa kaniya.


"Your people, specifically my team, had countless sleepless nights just to give you a proper report to release for this month. So, I believe you don't have the right to say that to my team." tiim-bagang kong pahayag sa kaniya.


Sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay sa amin niya lagi naiisipang ibuhos ang galit niya. The report for this months release is about a congressman's hidden agenda regarding this year's presidential election. Mukhang may balak na mandaya ang congressman na ito matapos niyang malaman ang tambalan ng kaniyang kalaban para sa position. Masyadong delikado na ipinasok namin ang topic na ito ngunit alam naming itong topic lamang ang maaaring ipadala sa main news kung kaya't sinadya talaga namin na gawin itong topic para sa buwan na ito.


"Nevermind that. I'll be giving you a task for our next monthly release." Kalmadong niyang sambit. Minsan napapaisip na lang ako kung may bipolar disorder ba talaga itong boss ko.


"You know the big shot bachelor who owns a clothing line business in the Philippines?" makahulugang tanong niya sa akin. "And I've heard he's also a bigtime lawyer in the Philippines. Have you heard any news about him?" habol na tuon niya.


"No, Ma'am. I don't think I've heard anything about him." diretsong saad ko habang seryosong nakatuon ang atensyon sa kaniya.


Lawyer... that was his dream before. Natupad na kaya niya iyon ngayon?


"Well then perfect! I need an interview of you with him for next month's release, ASAP." masayang saad niya habang pumapalakpak sa saya.


Pasimple akong umirap habang hindi nakatingin ang boss ko. Anong klaseng pasabog na naman ito? Hindi rin nakakatulong ang gutom na ngayon ko lamang napansin. Hindi pa pala ako nakakakain ng almusal.


"What's the catch, Ma'am?" mausisang tanong ko sa kaniya.


"Well he doesn't like media at all and exposure isn't really a big deal for him kaya hindi na niya ito pinagaaksiyahan pa ng oras." Saad niya habang nililigpit ang mga gamit sa kanyang desk.


"But if you'll get an interview with him..."


Imposibleng walang halong kapalit ito dahil alam kong isa to sa magiging patok na statement at headline kapag nagawa kong makuha ang interview na ito kasama ang bachelor na abogadong tinutukoy ng boss ko.


"I'll immediately transfer you and personally apply your resume at the Phillipine Hour Magazine. And I assure you, you'll be transferred and settled immediately." taimtim niyang saad habang nakatingin ng diretso sa akin.


Agad na nanlaki ang mata ko sa narinig.


"W-wait, Im sorry Ma'am? Tama po ba ako ng dinig? P-Philippine Hour Magazine?" nauutal kong tanong sa kaniya.


Tila bang napawi ang lahat ng gutom at inis ko sa aking natuklasan.


My mind pauses for a split-second. That's... that's my dream company! at doon ko balak mag-settle pagkatapos ko dito sa New York. Excitement starts crippling inside my chest. God knows how much I need this and there is no way I'll let this opportunity slide. Kahit sino pa ang ipa-interview sa akin, kung ang kapalit naman nito ay ang pagkatanggap sa akin sa PHM, ay willing akong sumugal.


"Yes, Ms. Zamora. Philippine Hour Magazine. The highest paying magazine company and biggest magazine company in the Philippines." she said while smirking at my reaction. She definetely knows how to get my 'yes'. 


I need this and I'm willing to risk it all. Kahit sino pa ang interviewhin ko, it doesn't matter anymore. If that's what it takes, then I'll do it.


After a few seconds of wishful thinking, feeling the determination flowing through my veins along with the irrational fears of the consequences I might encounter in the near future. I look at my boss straight in the eyes.


"When's my flight back to the Philippines, Ma'am?"

Unshielding the Winds (Street Series #1)Where stories live. Discover now