CHAPTER 1

0 0 0
                                    

Mellisa POV

Kim Namjoon! Kim Seokjin! Min yoongi! Jeong Hoseok! Park Jimin! Kim Taehyung! Jeon Jungkook! BTS!! (cellphone ringtone)

"Aiisshh! Ang ingay!!" Inis na sabi ko, kaya agad kong ginising tung katabi ko kasi nasa kanyang banda yung cellphone na tumutunog

"Lyza! patayin mo nga yang ringtone mo!" sabi ko sabay hampas sa braso niya nakatagilid kasi siya

"Oo na saglit lang! Fan lang naman ako ng BTS eh, wag kang manakit" sabi niya

"Eh bakit kasi 3am ka nag Alarm pwede naman mamaya nalang, ang aga masyado eh!" tanong ko

"Eh sa gusto ko lang maaga magising eh! Haaays!" panguso niyang sagot

"D bagay sayo magpacute! Hahaha!" tawag sabi ko sa kanya

"Kung hindi lang kita besfrend pinaalis na kita dito sa kwarto ko nakakainis ka!" maktol niyang sabi habang papunta sa banyo nila

Sa kanila kasi ako nag sleep over kasi may ginawa kaming Research Paper haays! Nakakapagod talaga gumawa ng research, nakakastress...

"Tulog ulit ako Lyza ha? Gisingin mo nalang ako kung 8am na" sabi ko sa kanya at inaayos na ang paghiga ko

"Hmpp! Sige, palatulog ka talaga Lissa!" sagot niya

Nagkumot nako ang lamig kasi, naka full ba naman ang aircon, bat hindi nila lamig tung si Lyza, ang kapal na talaga ng balat niya, pwede na siya pumunta sa lugar na may snow! hahaha!

Pinikit ko na mga mata ko para makatulog ulit...

(8am)

"Uy Lissa gising na at alas otso na nang umaga!" narinig kong sabi ni lyza

Napabalikwas ako ng bangon

"Aiish! Napahaba ang tulog ko sheeems!" sabi ko habang tinatalian ang buhok ko

"Tara na sa baba at kakain na"

"Oo sige susunod na" sabi ko sa kanya nangpababa na siya

Sunday ngayon kaya ang sarap matulog ng matagal, pero may gagawin pa kasi kami sa research diba, hindi pa natatapos at kailangan na namin yun matapos para mapasa na namin sa lunes at defense nalang sa Wednesday... Huhu wish me luck sana masagot ko ng tama ang mga tanong ng mga panelists.....

I'm Melissa Nicole Velasco, 18 yrs old, Grade 12 na ako, nag-aaral sa Gondang University. Mama Ingrid ko naman nasa Probinsya namin, may inaasikaso sa mga negosyo namin doon, Papa Nelson naman nandito sa Manila kasama ko at busy din sa company namin (Velasco Inc.) NBSB si aketch! hahaha wala lang, hindi sa pinagbabawalan ng mga parents, ayaw ko lang talagang magkajowa sa ngayon, Books b4 boys ikanga! haha
Pababa na ako sa sala nila Lyza

"Oh hija nandyan kana pala, halika na sumabay kana sa amin" nakangiting sabi ni tita Jen

"Sige po tita, wait lang po hugas muna ako ng kamay, hehe!" sabi ko deretso sa kitchen nila

Kumain lang kami tapos kwentuhan at umakyat na kami ni lyza sa kwarto niya para tapusin ang research namin

"Nakahanap ka naba ng article ly?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot kaya inulit ko siyang tinanong

"Uyyy! Nakahanap ka naba ng article?" nilakasan ko ang pagkakasabi ko

"Oo nahanap ko na ang the one ko! OMG! Ang gwapo bes!" kilig na kilig niyang sabi

Sinasabi ko na nga ba eh, naghuhunting nanaman ng boys ting gagang to!

"D ka parin talaga nag babago LANDING lyza ka talaga!" hahaha diniinan ko talaga ung salitang landi

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perhaps LoveWhere stories live. Discover now