Sana nakinig ka sa akin! Sana pinakinggan mo ang mga sinasabi ko sa'yo Yrea! Ilang beses ba kailangan ipaulit ulit bago mo maintindihan? Hindi ka na niya Mahal Yrea! Makinig ka naman.
Halos hindi na ako makahinga kakaiyak habang pinagsasabihan ni Lola.
Yakap yakap ko ang mga tuhod at halos sariling iyak ko na lamang ang naririnig ko. Sobrang sakit. Napakahirap.
Is it possible ba na magising na lang hindi mo na mahal ang isang tao pero wala kang maisip na dahilan kung bakit?
Naalala ko na naman ang nangyari kanina sa plaza. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko habang iniisip.
----
Biglang yumakap sa akin si Shion ng makita niya ako na papalapit sa kanya.
Bitbit ko ang birthday gift ko kay Shion.
Halos isang linggo kami na madalang magusap. Sabi niya busy siya sa school.
Ganoon rin naman ako. Pero humahanap parin ako ng paraan para makausap ko siya.
"I miss you" I uttered.
Naupo kami sa usual bench na inuupuan namin kapag nagpupunta ng plaza.
Ilang minuto na kaming nakaupo ngunit hindi man lamang siya nagsasalita.
Nakatingin lang ako sa kanya hindi na nakaw tingin, tingin na diretso at sa kanya lang nakatuon.
Habang siya nakatingin sa malayo. Mukhang malalim ang iniisip, nakakalunod.
Kung ano man sana yuon, makaahon siya dahil ayoko siyang makitang ganoon na naman.
"Yrea" sa pagbanggit niya pa lamang ng pangalan ko ay matindi na ang aking kaba.
He always calling me on our endearment Jo but now he's calling me by my name.
"Hmm?" Nagaalangan man ay sumagot ako.
Hinawakan niya ako sa mga kamay. At hinarap.
"I'm sorry for ghosting you for almost a week. Hindi ko kasi maintindihan sarili ko" paliwanag niya sa akin.
Okay lang naman sa akin iyon. Okay lang sa akin ang maghintay basta siya ang hihintayin ko.
"Okay lang 'yon" I uttered with sincerety.
"Hindi ko kasi alam kung paano ka haharapin. Yrea, hindi ko alam pero pasensiya ka na." Nagumpisa na siyang umiyak.
Hindi ko alam kung bakit. Wala naman siyang nagawang kasalanan.
Dahil okay lang naman talaga sa akin.
"Shhhh that's okay love" Pagpapatahan ko sa kanya.
Niyakap ko siya at hinaplos ang buhok.
"That's not okay Yrea. Kasi hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mahanap yung dahilan kung bakit nagising na lang ako na hindi ka na mahal" pagkatapos ng narinig ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Bakit?
"Yrea I'm sorry" nagunaunahan ang mga luha ko sa pagpatak.
"Joke ba 'yon? Birthday natin tapos kakaiba ka mag joke" pagbibiro ko sa kanya habang nagpupunas ng luha.
"Sana nga Yrea biro lang" hinayaan ko na lang na pumatak ang mga luha.
"A week ago. Hindi na kita kinakausap dahil ayoko magpanggap. Pero Yrea hindi na ako nakakaramdam ng pagmamahal" tahimik lang ako na nakikinig sa kanya.
Tahimik na pinakikinggan ang bawat detalye ng kanyang sinasabi. Pilit iniintindi dahil alam ko sa sarili ko, na mayroon siyang dahilan hindi lang niya maisip dahil imposible.
"Pero wala akong iba Yrea, seven years na ikaw lang Yrea at minahal kita. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ganito" iyak siya ng iyak habang nagsasalita.
Hindi ko alam paano siya patatahanin.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinahid ang agos ng kanyang mga luha.
Nababasa ko na nasasaktan rin siya. At naguguluhan. Pero hindi ko siya pipilitin na isipin kung ano ang dahilan. Masakit para sa akin, pero mas lalong mas masakit sa kanya dahil alam niya sa sarili niya na siya ang nawalan ng pakiramdam at nakasakit.
"Naiintindihan kita Shion" sabi ko sa kanya. Salitang lagi niyang naririnig sa akin.
"At iintindihin pa kita lalo. Hindi ko alam ano ang sasabihin ko sa'yo kasi sa totoo lang nasasaktan ako. Huwag mo sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan. Hindi kasalanan ang nawalan na ng pagmamahal Shion. Ang kasalanan ay iyong pipilitin mo akong mahalin kahit hindi mo na kaya" niyakap ko siya ng mahigpit.
Sa huling pagkakataon, kailangan niyang maramdaman na mahal ko siya at hindi ako galit. Sa huling pagkakataon gusto kong iparamdam sa kanya na naiintinidihan ko siya.
"Salamat Yrea. Thank you for being understanding. Thank you for seven years that we spent together."
Hinalikan niya ako sa noo.
At niyakap ko naman siya sa bewang.
"Happy birthday to us Shion" salita ko sa kanya habang nakayakap pa rin.
"Happy birthday Yrea"
Pagkatapos ng gabi na iyon ay madalas ko parin makita si Shion.
Nagngingitian at nagkakwentuhan minsan. But we talk like we're strangers but in good term.
Maayos na iyon. Dahil nakikita ko na maayos si Shion. At maluwag ang aming kalooban dahil wala kaming galit na tinatago.
Tama nga sila once you understand someone you always understand what the situation is. Palagi mong maiintindihan kahit magulo.
YOU ARE READING
Anagapesis
General FictionHow can be someone who truly loves can fall out of love. Is it possible?