Chapter Two

733 11 0
                                    

Lumipas ang isang linggo matapos ang breakup ni Kate sa dating nobyo at ang kahihiyan na inabot niya sa bar.Nag pasya siyang tuluyan nang mag resign sa kompanyang pinapasukan at umuwi na lamang sa probinsya ng kaniyang Lolo Oste, sa bayan ng Bulan Sorsogon.

Hiwalay ang mga magulang ni Kate.Pareho din itong nasa ibang bansa kasama ang kani-kanilang pamilya.Kaya naman lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang Lolo Oste at Lola Fe.Matagal na rin itong balo at mag-isang pinatatakbo ang maliit na negosyo sa nasabing lugar.Isang coffee shop.

Halos 12 hours ang inabot ng byahe n'ya dahil bus lamang ang kanyang sinakyan.Hindi naabutan ni Kate ang last trip ng Cebu Pacific patungong Sorsogon ng araw na iyon.

Pagkababa sa terminal ng bus kaagad siyang sinalubong ng kanyang Lolo Oste.Malapad ang ngiti nito ng makita siya, bakas sa mukha nito ang saya dahil sa pagdating ng paboritong apo.Hinahapo man ay panay parin ang kwento nito hanggang sa loob ng sasakyan.

"Bakit mo naisipang dalawin si Lolo ha apo?" Tanong ng matanda kay Kate.

Ngumiti siya bago sumagot at niyakap ang pinakamamahal na Lolo.

"Kasi namiss po kita." Bulong niya dito.Muli na namang ngumiti ang matanda.

Trenta minuto ang lumipas bago sila makarating sa bayan ng Bulan.At mahigit isang oras pa ang gugugulin para marating nila ang maliit na baryo ng Biton, kung saan nakatira ang kanyang Lolo Oste.

Hindi pa gaanong ka-sibilisado ang lugar kaya naman bangkang de-motor pa ang kinailangan nilang sakyan para makarating sa nasabing baryo.

Malawak ang karagatan, sariwang hangin ang nalalanghap at dumadampi sa balat ni Kate.Hindi niya naiwasang mapahanga sa taglay na ganda ng tanawin.Nagtataasang bundok na binabalutan ng mga kulay berdeng puno at iba pang halaman.Alam niya na malaki ang maitutulong ng mismong lugar para makalimutan niya ang dating nobyo.

Nang malapit na sa dalampasigan napansin ni Kate ang malaking bahay sa di kalayuan.Malayo ito ng bahagya sa mismong baryo.

"Lo, kaninong bahay iyon?" Tanong niya sa matanda habang tinuturo ang bahay na kanyang pinagmamasdan.

"Alin apo?" Nahihirapan ang matanda na makaaninag dahil narin sa sikat ng araw.

"Iyong puting bahay po na may glass door sa dulo ng baryo." Paglalarawan niya.

"Ah 'yun ba? Sa pamilyang Benevento ang malaking bahay na iyan apo.Mabait ang may ari ng bahay na iyan.Sila ang bumili ng ilan sa parte ng baryo." Paliwanag ng matanda.

"Ganun po ba." Matipid na sagot ni Kate.

Dumausdos na ang unahang parte ng bangkang de-motor sa pampang.Inalalayan siyang makababa ng isa sa mga mangingisda na kasalukuyang nag tatahi ng lambat na gamit sa pangingisda ng makita siyang hirap na hirap bumaba.

"Salamat po." Nakangiti namang tumangon ang lalake at inalalayan din ang Lolo Oste niya.

Ibinaba ni Kate ang kanyang mga gamit sa lumang kwarto ng kanyang Ina.Maayos pa ang buong bahay ng kanyang Lolo Oste, pati ang mga tanim na orchids ng kanyang Lola Fe ay buhay parin.Kahit papaano masasabi mong maayos ang istado ng buhay nila dito sa probinsya.

Binuksan ni Kate ang bintana sa kanyang silid.Tila magandang gubat ang bumungad sa kanya.Napaka lawak ng likurang bahagi ng bahay.Ibat-ibang klase ng puno ang nakatanim.Tatlong klase ng puno ng mangga, nand'yan ang Indian mangos, star apple at ang kinalabaw na mangga kung tawagin dito sa Pinas.Mayroon din puno ng cacao, mani, malunggay at kung ano-ano pa.

"Kate apo! Pupunta muna ako ng shop.Maiwan na muna kita dito." Pagpapaalam ng matanda.Dali-daling lumabas ng kwarto si Kate para habulin ang Lolo Oste niya.

"Sasama po ako!" Nakangiting sabi niya.

"Os'ya sige halika na.Mabuti na sumama ka para maipakilala na rin kita sa mga ka-baryo natin." Pagsangayon ng matanda.

Ilang kanto lamang mula sa bahay nila ang layo ng maliit na negosyo ng kanyang Lolo.Hindi tulad sa lungsod ang maliit na coffee shop ay bahagyang nakalutang sa asul na tubig ng karagatan.Napapaligiran ng mga puno ng niyog at gawa sa kawayan ang halos kalahati ng kabuohan nito.

'Feliz Coffee Shop' ito ang pangalan na nakalathala sa karatula malapit sa pintuan ng shop.Isinunod ito sa pangalan ng kanyang yumaong Lola Fe.

Pagkapasok nila sa loob ng shop ay kaagad siyang ipinakilala ng kanyang Lolo kay Rico Montalbo ito ang  nakakatulong nito sa coffee shop.

"Hello Rico.Nice to meet you." Matipid na bati niya.

Ngumiti naman ang binata sa kanya at kaagad ding nagpaalam para asikasuhin ang ilang customer.

"Lolo, siguro mas okay kung tatao rin ako dito." Napangiti ang matanda sa sinabi ni Kate.

"Mabuti pa nga apo."

Inilibot ni Kate ang sarili sa maliit na coffee shop ng kanyang Lolo Oste.Mula sa loob ay matatanaw mo ng malapitan ang bahay ng mga Benevento. Bakas sa mukha ni Kate ang pagka interesado sa nasabing bahay.Hindi rin niya alam kung bakit..

Natapos ang buong araw ni Kate sa coffee shop ng kanyang Lolo Oste.Masaya siyang nakisalamuha sa ibang ka-nayon at sa mga kababata na muling nagpakita sa kanya.Ngunit sa kabila ng kasiyahan na kanyang naramdaman hindi parin maitatangi ang pasulpot-sulpot na alala ni Lohan sa kanyang isipan.

Nagpupunas ng lamesa si Kate ng magpaalam na si Rico sa kanila.

"Lolo Oste, aalis na po ako.Natapos ko na po ang mga gawain sa kusina."

"Osige hijo! Salamat.Paki agahan na lang bukas."

"Sige po.Paalam Ate Kate!" Ngumiti ito sa kanya.Tinugunan din naman niya ito ng ngiti.

Matapos mag bilang ng benta ang Lolo Oste niya ay inalok siya nito ng isang tasa ng mainit na kapeng barako.

"Salamat po." Tinanggap niya ang iniaabot na tasa ng matanda.Umupo ito sa kanyang harapan.

"Ano nga palang nangyari sayo sa Manila? Bakit bigla mong naisipang manatili dito sa atin?" Tanong ng matanda habang humihigop ng mainit na kape.

'Dahil brokenhearted ako Lolo!! Gusto kong makalimutan ang hayop na Lohan na iyon!Kasi kung hindi ako lalayo baka makapatay ako!' Naisaloob niya.Ngunit iba ang kanyang isinagot sa tanong ng kanyang Lolo Oste.

"Dahil na miss ko kayo Lo, tayo na nga lang dalawa diba.Papabayaan ko pa ba kayo?" Matamis na ngiti ang ibinigay niya dito.

"Osya sige naniniwala na ako.Dalian muna d'yan para makapag sara na tayo."

Tumango siya bilang sagot.Pumasok naman sa maliit na kusina ang kanyang Lolo para hugasan ang tasang ininuman.Nakarinig si Kate ng tunog ng isang makina.Makina ng isang sasakyan.Kasunod nito ay ang mga yabag ng paa sa hagdan paakyat ng coffee shop.

Matangkad ang lalaki na ngayon ay kumakatok sa pintuan ng coffee shop.Sinilip niya ito.Ngunit dahil narin sa mga palamuting maliliit na sea shell.Hindi niya lubos maaninag ang mukha ng lalaki.

'Alam ko nilagyan ko na ng close sign ang pintuan ah!' Naisaloob niya.

"Lolo! May tao po." Tawag niya sa matanda na mabilis namang lumabas mula sa kusina at s'ya rin nagbukas ng pinto.

Nakangiting binati ng matanda ang lalaki at laking gulat niya ng makilala niya kung sino ito..

Valentines Day with a Stranger (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon