It was Monday Morning when I dragged myself to the classroom.
Nakakasawa nang mag-aral, sa totoo lang.
Wala naman akong natutunan 'tsaka ang binibigyang atensiyon ng mga prof ko ay ang mga matatalino lang. Eh, bobo ako eh.
Pero hindi siya.
Napatingin ako kay Zachary na tumatakbo palapit sa akin na may malaking ngiti sa labi. Ang gwapo niya talaga— moreno, mapula ang labi, maskulado, 'tsaka maganda ang mga mata.
Kababata ko siya at naging matalik kaming magkaibigan hanggang ngayon. Hindi ko nga lang masabi na ano..
May gusto ako sa kanya.
Pero okay lang, thankful na rin ako na naging kaibigan ko siya.
"Eli, huy. Okay ka lang?" Tanong ni Zachary nang mapansin akong nakatulala kaya naiilang akong sumagot.
"O-oo naman."
Mahina siyang napatawa kapagkuwan ay bumulong. "Parang timang."
"Anong timang? Suntukin kita dyan eh!" Banta ko habang ipinakita ang kamao sa kanya pero lihim na akong tumitili sa aking isipan.
"Nakakatakot." He sarcastically said kaya napairap ako nang biglang nagring na ang bell para sa flag ceremony kaya nagsitakbuhan kami papunta sa harap ng stage.
Pupunta pa lang sana ako sa classroom para ibaba ang bag ko pero sigaw nang sigaw ang school officers na dalian namin ang pagkilos.
Ilang minuto na kaming nagsitayuan dito kaya sumasakit na ang likod ko dahil sa bigat ng bag. Pinapadala naman kasi yung mga librong pinapatulog lang naman sa bag. Pinagsasabihan akong ibaba ko raw ang bag pero ayoko— nakakatamad kayang maglaba.
Nakakainis naman, umabot sana ako sa classroom kung hindi ako inistorbo ni Zachary. Pero okay lang, love ko naman.
Tangina self napakatanga mo.
Nabigla ako nang may biglang humablot sa bag ko galing sa likuran pero natigilan ako nang makitang si Zachary iyon.
Para akong kinikiliti sa tiyan sa nararamdaman ko ngayon, ang lapit lang naming dalawa— parang hindi ako makahinga— ang bago niya.
"Akin na bag mo." Aniya pero nagkunwari akong nainis para hindi halatang kinikilig ako.
Hindi naman siguro halata, diba?
"Anong ginagawa mo dito? Pumunta ka nga sa likod, nandoon yung mga—"
"Bitawan mo na yung bag para makabalik nako doon." Diin niya at nagkatinginan kaming dalawa.
Sumasabay na ata sa morning exercise na 'Girl In The Mirror' ang puso ko. Nararamdaman ko ang bawat pintig at pitik nito.
Naaamoy ko ang mabangong hininga ni Zachary——*deep inhale* colgate ata gamit niya 'tsaka listerine. Nagsitayuan ang mga buhok ko sa katawan except sa bulbol, wala pa naman akong nabalitaang bulbol na tumatayo.
"SAYAW!" Sigaw ng P.E. teacher naming malaki ang tiyan kaya kumaripas ng takbo si Zachary dala-dala ang bag ko.
Sumabay na lang din ako sa sayaw dahil baka mapapagalitan ako kapag babawiin ko pa ang bag ko. Matapos ang ilang mga announcements na wala namang nakikinig, pinapunta na kami sa classroom.
Nang napatingin ako sa aking upuan ay nandoon na ang aking bag. Sana hindi na lang ako nag-STEM. Pwede naman siguro akong nag-TVL na lang 'tsaka landiin si Zachary sa kabilang building. Pero too late na.
Napaupo ako sa upuan nang biglang pumasok ang unang guro namin ngayong araw. "Good morning, class. Pass your outputs na." Anito kaya napatigil ako.
May pinapagawa pala?
BINABASA MO ANG
After Infatuation
Short StoryI wonder if things would've been different if I had told you I loved you. Start: 08-18-21 End: 08-25-21