V :: Relatives

31 24 0
                                    

"BORING naman dito. Kuya, palabasin mo na nga ako!"

Inis na inis akong nagsisisigaw dito sa loob ng kuwarto ko at naka-harap sa CCTV camera na nandito. Nakaka-inis! ayaw akong palabasin! nabubulok na ako rito sa loob at gusto ko nang makalanghap ng sariwang hangin. Please lang Lord, baguhin niyo naman po isipan ni kuya Quest.

Alam ko na pangalan niya ngayon, oh ano, keri niyo 'yon?

It's been what? four years? yeah, four years nga. I'm 12 years old right now. Ang bilis ng panahon 'no? parang noon ay favorite ko pa ang teletubbies tapos ngayon favorite ko pa rin sila.

Of course, a lot of things changed now but I will never replace teletubbies in my heart. Some people are scared of them because they look creepy but for me? they look so, so, so cute!

"Little princess, stop being stubborn."

I stomped my feet when he uttered those words. C'mon! six months na akong nandito lang sa loob ng kuwarto. Kulang nalang ay kumausap na ako ng multo para lang hindi ako ma-bored! I miss ate Plora so much pero wala siya at hindi ko na alam kung saan siya napadpad. A new maid is with me, her name is Cyjarah and she's kind din naman pero hindi lang talaga niya kayang tapatan ang saya ko sa tuwing si ate Plora ang nag-aalaga saakin.

"Don't turn your attitude on me, Xelestia."

I pouted. "Please, kuya? just one time! d'yan lang ako sa labas and I promise it won't take long!" I begged.

"I already told you, little princess. It's dangerous outside, bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

My eyebrow almost meet each other due to my anger. "Bahala ka r'yan! I hate you!" I shouted.

Tumalikod na ako mula sa camera at naupo nalang sa upuan na nasa tapat lang ng bintana. Dito nalang muna ako sisilip dahil wala naman akong choice. Hindi na naman niya ako pinayagan lumabas. May mga araw lang talaga na hindi ko natitiis na mag-stay lang dito sa loob ng kuwarto kaya nagmamakaawa ako na palabasin ako ni kuya pero hindi naman siya pumapayag. Bakit? kasi raw 'it's dangerous'.

What's so dangerous about it? lalabas lang naman ako, he have a lot of body guards para bantayan ako! kuya is hella rich, he can hire as many as he wants!

I also have a screen time and breaktime ko ngayon. Mamayang 3 PM pa ibabalik ang cellphone ko dahil 12 NN na ngayon.

Oo, may curfew pa rin ako kahit na malaki na 'ko. Noon naman ay ginagawa rin namin ito pero ngayon? bakit hanggang ngayon? I'm literally 12 years old! 12 years old na ako pero tinatrato nila ako na parang baby. Pinapakain ako ng mga katulong kahit kaya ko naman kumain mag-isa, yung mga curfews ko, yung kagustuhan kong asikasuhin ang sarili ko ay hindi ko magawa! This is so tiring!

"Are you sulking again, little princess?"

I rolled my eyes. "Little princess mo mukha mo!" I let out a howl of anger.

He's so controlling, he always decides what I need to do. Hindi ko nga alam kung kaninong buhay ba talaga 'tong katawan ko. Kay kuya ba o saakin? I'm just pissed at kuya whenever he controls me what to do but that doesn't mean I don't love him anymore. He is the one who kept me sheltered kaya wala akong karapatan na magalit sakaniya. When my parents died, siya na ang kumupkop saakin and I'm thankful for that.

The Viscount's Captured Heart (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon