072121H

5 1 0
                                    

"TULONG!" Ang tangi ko na lamang na hiyaw kasabay ang pagtakbo para sa aking buhay. Hinahabol ako ng mga taong puno ng dugo, mga zombies.

Sabi-sabi noon na bago magkagulo ay may isang laboratoryo ang nagtangkang gumawa ng lunas sa cancer, nagbakasakali ngunit sa kasamaang palad ay nakapagdulot ng isang nakamamatay na delubyo.

Isa silang bobo. Isa rin akong bobo. Sumigaw sa gitna ng isang zombie apocalypse. What an idiot.

Sa 'di inaasahang pangyayari ay may tumulong sa akin, dala-dala nito ang isang baril na mahaba na tila nagkakagarga ng maraming bala.

"Pasok." Saad nito kasabay ang pagturo sa isang sasakyan na pinalilibutan ng mga matitibay na bakal at matutulis na pangdepensa sa likod.

Matalino ang isang ito.

Agad naman kaming sumakay sa sasakyan at siya ay nagsimula ng magmaneho.

Maya-maya pa ay tumigil kami sa isang malaking building, dito yata nagpapahinga ang mga survivors na katulad NIYA.

Bago pa ito makababa ay sinunggaban ko na ang kaniyang mga leeg upang hindi na ito makagalaw pa.

Ang sarap. Ang linamnam ng kaniyang mga laman.

Isang oras na rin akong hindi nakakakain ng laman ng tao.

Agad ko namang binuksan ang pinto ng kotse upang tawagin ang mga kasama ko. Nabusog na ako kaya ibinigay ko nalang ang mga natira sa kanilang lahat.

Agad naman kaming nag-ayos ng mga kasama ko at nagsimulang maglakad papasok sa gate ng mga survivors.

Agad naman kaming pinalusot ng mga guward'ya.

Hmm. Mabubusog na naman ako nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONESHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon