One shot: "A note."

298 11 8
                                    

Ako nga pala si Miah Dela Cruz, isang 3rd year high school student sa Eiffel University. Papasok na ko kaya naligo na ko ng maaga at baba para kumain. ^_^

*bumaba*

"Hi Mama! Good Morning!" sabay halik ko sa cheeks ni mama.

"Hello. Good Morning din. Kain ka na." 

 "Sige po ma! ^_^" 

Kumain na ko agad para makapasok na sa school. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Ayun! Nakadating na ko sa aking school after 73974397429437 years. De joke. Nandito ako sa locker room para kunin ang mga libro ko nang may mahulog na note.

"Ano kaya to?" nasabi ko na lang. Binasa ko ito..

 Dear Miah,

Ang ganda mo talaga. Crush kita simula nung 1st year pa tayo. Kaso nahihiya pa din ako aminin sayo. Baka kasi sabihin mo na torpe ako pero eto inamin ko na, hindi mo nga lang alam kung sino ako. Malalaman mo din, promise. :)

- Secret admirer

Naflattered na lang ako kasi may nagkakagusto pala sakin. Alam ko naman na maganda ako, sabi kasi ng Mama ko. *u* chos. Hahaha!

Nagulat na lang ako ng may lumapit na batang babae sakin, 1st year siguro? 

"Ate, may nagpapabigay po nitong chocolates. Ang ganda mo daw po." tapos ngumiti siya. Ang cute lang! :">

"Thankyou!" tapos nginitian ko siya. :)

*pumunta na ng classroom* 

 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

*tapos na klase*

Uwian na! Favorite subject ko. Hahaha! ^_^

Pumunta na ko ng locker room para ibalik yung iba kong gamit. Nang may mahulog na naman note..

"Color green na paper? Eto din yung kulay ng papel kanina ah." kausap ko sarili ko. Binasa ko ulit.

Dear Miah,

Hello Miah! Ang ganda mo pa din kahit gulo gulo na buhok mo dahil natulog ka sa klase niyo, ang ganda ng eyelashes mo. Nga pala, kiniss kita sa cheeks, ang kinis ng mukha mo, mahal na ata kita. Ay, hindi pala 'ata', sure na ko. Mahal na kita! :) mamaya nga pala, lalapit ako sayo, magpapakilala na ko...

Naaaninag ko, may papalapit na lalaki sakin, nung malapit na siya sakin; ANG GWAPOOOO! >/////< siya yung... yung escort dati at muse naman akoo!! Crush ko siya eh. :D :">

"Hello Miah." sabay ngiti niya. Ang cute niya, swear. 

"Uhm, h-hello!" tapos ngumiti ako.

"Pwede ba kita kausapin? Dun na lang sa garden, medyo malapit lang dito sa locker room." pagkatapos niyang sabihin yun ay tumango ako.

*lumakad kami*

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

*naupo kami sa isang bench*

"Ako nga pala si Michael, remember? Ako yung escort mo dati, tapos ikaw naman yung muse ko. Ako yung naglalagay ng green paper sa locker mo. Gusto ko lang sabihin na mahal kita. Ang ganda mo tapos ang bait mo, ngayon lang ako humarap sayo kasi ngayon lang ako nagkaroon ng tapang na harapin ka."

"Uhmm, thankyouu Michael.. Sa totoo lang, crush kita eh." napangiti ako sa sinabi ko, at nakita ko naman na nakangiti din siya.

"Talaga? Salamat Miah! Natuwa naman ako sa sinabi mo. Sa totoo lang, tingin ko hindi na ko magtatagal dito, kaya ko sinabi to sayo. May sakit ako sa puso, Miah. Kaya ngayon, nasasabi ko to, mahal kita Miah." ngumiti siya.

Naiyak ako sa sinabi niya, 2 years ko din tinago sa kanya na crush ko siya. At ngayon, tingin ko mahal ko na siya.

*niyakap ko siya*

"Michael, mahal din kita. 2 years ko ng tinatago na crush kita, at ngayon mahal na kita. Yung effort mo na-appreciate ko. Mahal kita Michael." tinanggal ko na yung pagkakayakap ko sa kanya. 

 Dahil parang maga na yung mata ko, naisipan ko ng umuwi. Tumayo ako ng bigla siyang nagsalita.

"Ooperahan na ako bukas, di ko alam kung makakasurvive ako o hindi." 

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at dumampi ang labi niya sa kamay ko..

"Salamat kasi nakipag-usap ka sakin. Hindi ko malilimutan tong araw na to kahit mamatay na ko. Gusto kong sabihin na, mahal na mahal na mahal kita Miah. Kapag may letter na nahulog sa locker mo, ibig sabihin ay buhay pa ko. Pero kung wala, wala na din ako. " 

"Salamat Michael, mahal din kita.." 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Nandito na ko sa bahay, kasalukuyang nandito ako sa kwarto ko, umiiyak. Sana maging okay na si Michael. Mahal na mahal ko siya... :(

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Papasok na ako ng school na namamaga ang mata, wala kong pakielam kung pagchismisan nila ko. Pero bakit parang kinakabahan ako? :( parang may masamang mangyayari. Papunta ako ng locker, naalala ko yung sinabi ni Michael about sa letter...

Kinakabahan akong buksan ang locker ko. May papel kayang mahuhulog o wala? Unti-unti kong pinasok ang susi ng aking locker at pinihit iyon...

Walang nahulog na papel, hinanap ko pero wala pa din.. Naiyak ako, patay na si Michael. :"( 

"Michael, kung nasaan ka man ngayon, mag-iingat ka. Mahal na mahal kita Michael, salamat sa efforts mo. Mamimiss kita..."

Yun na lang ang nasabi ko, ng biglang humangin. Alam kong si Michael yun. I love you Michael, hindi kita makakalimutan...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Musta po ba story ko? Okay lang ba? Sa totoo lang, habang ginagawa ko to, naiiyak na ko. Haha. Any suggestions? Di pa kasi ako magaling eh. :D

Written by: Catherine Mica ❤

Vote. Comment. Be a fan! :)

One shot: &quot;A note.&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon