Ang Bilanggo

245 3 2
                                    

Chapter1

Kasabay ng pagtilaok ng manok ay bumasag sa katahimikan ng umaga ang pagsipol ng kumukulong tubig ng takure na nakasalang sa kalan nila Cecilia. Pupungas pungas na pinuntahan ni Cecilia ang kalan para awatan ng apoy.

Aling Tingne (ina ni Cecilia): Habang nagtitiklop ng higaan, “Cecilia ! ipagtimpla mona ng kape ang tatay mo at ihanda mona ung almusal na niluto ko”.

Cecilia: “opo nay naghahain na nga po ako “

Mang Bomber (ama ni Cecilia): “Tingne nasan yung sapatos ko, saan moba inilagay wala dto sa dating lagayan ko? Bilisan mo at baka mahuli ako sa pagpasok ko” isang bus driver lamang si Mang Bomber na umeekstra sa isang kaibigan.

Aling Tingne: “Nasa likod ng bahay sa sampayan nilabhan ko kahapon at napakasama na ng amoy, tuyo na un pwede mo ng gamitin”

Lumabas si Mang Bomber at kinuha ung nakasampay na rubber shoes niya at inamuy amoy pa.  Masiglang isinuot ni Mang Bomber ang bagong labang sapatos habang sumisipol pa ng kantang “Only You”

Mang Bomber: “sarap talaga ng pakiramdam kapag bagong laba ang suot mo, malamang suswertehin ako nito”.

Cecilia: “Tay nakahain napo pwede nap o tyong kumain habang mainit ung sinangag”.

Mang Bomber: “Oo cge nene (nene ang tawag ni Mang Bomber kay Cecilia dahil bukod sa panganay ay nag iisang anak  na babae niya ito sa limang anak nila ni Aling Tingne na pulos maliliit pa.) nandiyan na ako”

Aling Tingne: “Cecilia gisingin mona ung mga kaaptid mo at baka mahuli pa yang mga yan sa eskwelahan at para sabay sabay na tyong mag almusal”.

Cecilia: “Opo nay ginigising kona po sila”

20 taon na si Cecilia at dna nakapag patuloy ng pag aaral dahil sa kakapusan ng pera kya minabuti nalang niyang mamasukan sa isang maliit na department store para makatulong sa kanyang ama sa pagsuporta sa knilang pamilya.  Sa kanyang murang edad ay makikitaan mo siya ng kakaibang ganda ng mukha at ng kanyang tindig at pangangatawan kya marami sa kanilang lugar ang may lihim na pagtatangi sa knya.  Isa na sa kanila si Vanguard na sapul pa sa pagkabata ay nag ukol na ng pagtatangi sa dalaga

Sa hapag kainan:

Aling Tingne: “Hoy Cecillia yan bang si Vanguard ay patuloy pa rin sa panliligaw syo? Napaka basagulero niyang taong yan at labas pasok ng kulungan wag na wag kong makikitang nakikipagmabutihan ka sa taong yan. Wala kang magndang kinabukasan sa kanya” may tinig ng pagkagalit ang tono ng pagsasalita ni aling Tinge.

Cecilia: “Lam ko po nay at di nyo napo kailangang ipaalala sa akin yang mga bagay na y an dahil may pangarap po ako para sa inyo ni itay at ng aking mga kapatid .  Hindi hindi po ako kalian man magkakagusto sa knya dahil wala sa kanya ang katuparan ng mga pangarap na iyon” May ngiti at kasiguruhang sinambit ni Cecilia sa ina habang sinusubuan ang pinakabata sa kanyang mga  kapatid.

Aling Tinge at Mang Bomber: “Buti naman kung ganun”halos magkapanabay na nagsalita.

Ang BilanggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon