Mysterious Eyes

386 10 4
                                    

June 13,2015

"Aly? Tara na, hinihintay ka na nila sa baba." bungad sakin ni Cez nang pagbuksan ko siya ng pinto. Ngumiti ako at sumunod na sa kanya. Tama nga siya, hinihintay nila akong lahat. Ang mga ka-trabaho ni Xerun, mga kaibigan namin at pamilya ay matiyaga akong hinihintay.

"Iha, handa ka na ba? Kaya mo na?" Tanong ni Mama Remy, ang ina ni Xerun. Tango at ngiti ang ibinigay ko bilang sagot ngunit hindi sya kumbinsido kaya naman niyakap nya ako.

"Tara na po. Marami na raw pong tao sa sementeryo." Ani Tina, isa sa mga co-writer at kaibigan ni Xerun kaya isa-isa na kaming lumabas ng bahay.

"Mauna na po kayo sa sasakyan, Ma. May kukunin lang po ako sa kwarto." paalam ko kay mama saka muling bumalik sa loob ng bahay.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay dumeretso agad ako sa pinakaibabang drawer ng aking tukador at inilabas ang isang kahon na kulay asul. Naglalaman ito ng Photo Album naming magkasintahan, kopya ng I Know Who Killed Me, at ng isa pang maliit na box. Binuksan ko ang pulang box na iyon at matamang pinagmasdan ang kumikinang na bagay na nasa loob nito. Muling nangilid ang mga luha saking mga mata dahil dito.

Nang gabing mapanaginipan ko sya, gusto ko nang sumama sa kanya pero hinigop na lang sya basta ng puting usok kaya naiwan akong mag-isa sa harap ng kwarto ko. Sa realidad, umungol ako ng malakas na syang nagpagising kay mama na nasa kabilang kwarto lang kaya nailigtas ako sa tiyak na kamatayan. Marahil yun din ang gusto nyang mangyari, ang manatili akong mabuhay. Tuluyang dumaloy ang masaganang luha saking mga mata dahil doon.

"Hayaan mo muna akong maging ganito, Mahal. Hindi madali ang kalimutan ka at ang mga alaala natin. Miss na miss na kita, Xerun ko. Mahal na mahal kita" Ani ko sa pagitan ng mga mahihinang hikbi habang yakap ko ang box na yun. Tila yakap ko na rin si Xerun.

"Tara na Aly. Sa sementeryo mo na ibuhos yan." Ani Cez habang hawak-hawak ang balikat ko. Hindi ko namalayan ang pagdating niya kaya agad akong nagpunas ng luha at nakangiting hinarap sya.

"Ayos lang ako, Cez. Huwag mo akong alalahanin."

"Naku naman! Hindi mo na kailangang itago ang nararamdaman mo sakin. Kahit sino naman na malagay sa sitwasyon mo siguradong gagawin din ang ginawa mo." Aniya at niyakap ako ng mahigpit.

Sabay-sabay kaming tumungo sa Loyola Memorial Park sa Parañaque upang alalahanin ang 1st Death Anniversary ng pinakamamahal ko. Kung sa akin lang, ayoko nang balikan pa ang araw na ito. Ayoko nang alalahanin ang sakit na idinulot ng June 13 sa akin. Pero, kailangan kong magpakita ng katatagan kahit na sa bawat araw na lumilipas ay unti-unting dinudurog ng pagkawala nya ang puso ko.

'Andyan na si Aly.'

'Buti nakaya nya ano? Kung ako yun, baka sumunod na ko kay Xerun.'

'Sayang sila 'no? Ang sweet sweet pa naman nila sa isa't-isa tapos bigla na lang mawawala si Xerun. Haaay.'

Ilan lang yun sa mga bulungang narinig ko habang papunta sa puntod ni Xerun. Dagsa ang mga tao. Mga taong sumusuporta at naniniwala sakanya sa kabila ng eskandalong kinasangkutan ng librong isinulat nya. May mga media mens din na naroon upang magcover ng live.

"Miss Aly, maaari po bang malaman kung saan kayo nagpunta at kung bakit ngayon lang po kayo nagpakita?" Harang ng isang reporter sakin habang itinutok ang kanyang mikropono.

"Paano niyo po dinalamhati ang pagkamatay ng fiancé niyo?" Sabat naman ng isa.

"Handa na po ba kayo sa pagharap ng buhay nang wala siya?" Anang isa pa.

Mysterious Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon