Filmstrip (One Shot)

306 7 10
                                    

*dug* *dug*

Naman oh. Pesteng puso 'to. Tibok ng tibok. Mas lalo pang bumibilis habang unti-unti akong lumalapit papunta sa kanya. Ang sabi nya sakin, magkita kami dahil may importante syang sasabihin.

Hindi naman masamang umasa kung susubukan...

Pero, sana...

Sana...

"Francis." sabi ko ng makarating na ko sa kanya.

Nakaupo lang sya at tahimik na pinagmamasdan yung mga dahon na bumabagsak mula sa puno. Hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan 'tong taong 'to. Nakakainis lang na hanggang ngayon, na magtatapos na ang taon namin sa highschool, hindi ko pa rin maamin.

Ang tanging hiling ko lang naman ay malaman nya na espesyal sya para sa'kin.

"Sey. Mabuti naman at nakarating ka." sabi nya sakin sabay ngiti.

Umupo ako sa tabi nya at nag-isip. Nauutal ako. Naman oh. Ano ba ang dapat kong sabihin? Hindi ako handa. 

"Aaa..."

"Bakit?" sabi nya at tinitigan ako. 

Iniwas ko yung tingin ko para hindi nya maramdamang kinakabahan ako.

Unang beses. Unang beses naming mag-usap ng ganito. Ang serious pa ng atmosphere parang anytime lang, may mangyayaring hindi ko inaasahan.

"Aa.. ano kasi.. kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Tama lang. At tsaka, kaya ko namang maghintay kung matatagalan ka ii." sagot nya.

Napangiti ako dahil dun.

"Tingin mo Sey, may pag-asa kaya ako?" tanong nya sakin.

Kanino kaya? May nagugustuhan na kaya sya? Kay Lyka kaya yun? Nakita ko kasi silang magkasama nung isang beses.

Alam mo Francis, kung sakin mo tinatanong yan, malamang kanina pa nagtatalon ang puso ko sa tuwa kasi sabibihin ko sayong Oo. 100%. Walang duda. Kaso, mukhang hindi.

Lagi lang naman kasi akong napapagbalingan mo ng kung anu-ano kapag wala ka na talagang makausap sa classroom natin.

"K-kanino naman? Sa mga babae dito sa campus? Oo naman nu. Malamang sagutin ka na nila agad kapag tinanong mo sa kanila yun. Tsaka, sa gwapo mong yan tapos gentleman pa at mabait, tingin mo babastedin ka nila. For sure, hindi." sabi ko.

Napasobra ata. Ang haba ng pagkakasagot ko sa isang tanong nya. 

"Haha. Ang cute mo talaga." sabi nya sabay tawa.

*dug* *dug*

Epal na heartbeat 'to. Nabibingi na ko.

 "Totoo naman yun ii." bawi ko sa kanya sabay tingin.

Dun ko namalayan na nakatitig din pala sya sakin.

"Pano Sey kung, sayo ko itanong yun?" sabi nya sabay ngiti.

"H-ha?"

A-ano daw?

"May pag-asa ba ako sayo, Sey?" sabi nya uli.

Lord, si Francis po ba ngayon yung kaharap ko? Pakigising po ako kung nananaginip ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko eh.

Ang ibig sabihin lang ba nun, may gusto rin sya sakin?

"Sey."

"H-ha? Ano uli yun?" sabi ko.

"Namumula ka oh. Tsaka, kanina ka pa kita tinatanong kung okay ka lang."

A-ako!? Namumula. Aysh. Nakakahiya.  Naman oh.

Hinawakan nya bigla yung kamay ko tapos umiba sya ng tingin. Habang ako, nagulat at hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari samin ngayon.

"Fr-Francis."

Kainis na bibig 'to oh. Wala ng masabi kundi pangalan nya.

A-ano bang irereact ko?

Sasabihin ko na ba sa kanya na mahal ko sya dati pa? Na matagal na kong may gusto sa kanya?

Aysh. Bahala na nga.

"A-ang tangi ko lang namang iniisip dati, sana, mapansin mo ko. Sana maramdaman mong matagal na kong may nararamdaman para sayo... na gusto kita. Na matagal na kitang mahal." sabi ko.

"Ako din."sabi nya sakin pagkatapos ay tinitigan nya ko at ngumiti.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Wag nyo na po tapusin Lord. Ang saya sa pakiramdam na nalaman kong mahal din ako ng mahal ko.

"Ang cute mo talaga kapag namumula ka. Haha." Tumawa sya sabay pindot ng ilong ko.

"Mahal kita, Sey." Sabi nya uli.

.

.

.3

.

.2

.

.1

.

"AND CUT!!!"

"Huh? Sino yung sumigaw?" tanong ko kay Francis.

"Cut na Sey. Tapos na yung last scene sa film project natin" sabi ni Francis pagkatapos ay binitawan na nya yung kamay ko.

"Galing mo Pre!" sabi ng mga classmate kong boys.

"Ayus ba? Wala sa script yun! Sadyang matindi lang talaga ako mag-isip. Haha!" sabi ni Francis.

"Dalang-dala nga si Sey eh!" hirit pa nila.

"Ang galing mo Sey! Ang lakas ng chemistry nyo ni Francis!" sabi ng kaibigan kong si Pat sakin.

"Ha-ha.. Ganun ba? T-thank you." pilit kong sabi.

Heto ako...  naiwang nakaupo sa bench kung saan ang huling shooting namin para sa project.

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko...

Tinitigan ko sya.

Gusto kong sumabog...

Higit sa lahat, gusto kong umiyak.

Umasa ako ng sobra na mamahalin nya ko pabalik... na mararamdaman nya yun kahit sa ganitong paraan lang...

Kasalanan ko rin naman...

Masyado akong nadala sa eksena..

Pinakamasakit? ... nakalimutan kong, roleplay lang pala.

Filmstrip (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon