Prologue

505 6 0
                                    

"Finally, I found you" napabaling ang aking tingin ng marinig ang baritono at malamig na tinig na iyon mula sa kung saan kaya naman agad na umaangat ang aking paningin mula sa taong nagmamay-ari ng tinig na iyon ngunit agad din akong natigilan sa aking paglalakad ng marehistro ko sa aking isip ang itsura ng lalaking ngayon ay nakatayo na sa aking harapan.

Tila gusto ko na lamang bumagsak bigla mula sa aking kinatatayuan dahil biglaang panghihina ng aking katawan ng makita ang taong kahit sa panaginip ay ayoko ng makita.

Ang kulay abo niyang mga mata, matangos na ilong, itim na buhok, ang kanyang malapad na pangangatawan, at ang kanyang tinding na nagsusumigaw na kung gaano karangya ang kanyang pamumuhay. Tandang tanda ko ang lahat dahil bukod na siya ang lalaking nakasama ko nung gabing iyon, siya din mismo ang nagmamay-ari ng eskwelahan na pinagtatrabahuhan ko. Ang lalaking hindi ko dapat na nakilala.

May ilang buwan na din ang nakalipas nung huling beses ko siyang makita dahil sa may ilang buwan na din akong hindi pumapasok sa trabaho dahil sa sitwasyon ko. Ang totoo ay hindi ko na din gusto pang makita o magpakita pa sa kanya dahil sa kahihiyan kahit na hindi ako sigurado kung nakikilala o naaalala nya pa ako.

Huminga ako ng malalim bago sya ngitian ng maliit. Hangga't maari ay ayokong magpakita ng kahit na anumang emosyon na magpapatunay lang na apektado ako sa kanya.

"Good d-day Sir." maliit ang tinig na bati ko dito. "May kailangan po ba kayo sa'kin?" maang-maangan kong tanong habang may ngiti sa aking labi. Napabaling sa iba't ibang direksyon ang aking paningin ng mapansin hindi pa din nito inaalis sa akin ang kanyang paningin na tila ba pinipilit nyang basahin ang emosyon ko.

"You" biglang nawala ang ngiti sa aking mga labi ng dahil doon. Napakunot ang aking noo at may pagtatakhang tumingin ng diretso sa mga mata nya. "I need you."

Napasighap ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Nababaliw na ba ang taong 'to? Agad na umakyat ang inis sa akin dahil sa walang kwenta nyang sagot. Minsan talaga hindi ko makontrol ang emosyon ko lalo pa't kung ganito ang kaharap ko.

"I'm sorry but I'm not available" masungit na saad ko ngunit mukhang wala na nga ata sa sariling pag-iisip nya ang taong 'to dahil bigla na lamang itong ngumisi bago bumaba ang paningin nito sa aking may kalakihan ng tiyan. Mula sa pagsusungit ay ganoon kabilis na gumapang muli ang kaba sa aking buong sistema ng magtagal doon ang magaganda nyang mga mata na parang bang nakikita nya na ang nasa loob non.

"Of course, you're not" mapang-uyam na saad nito bago muling ibalik ang kanyang paningin sa akin. "But who cares? I'll just take what's mine." unti-unti ay sumilay ang ngisi nito sa akin bago ito humakbang palapit pa sa'kin.

Awtomatikong napahakbang ang aking mga paa paatras hindi dahil sa natatakot ako sa kanya kung hindi dahil masyado lang akong kinakabahan sa mga ikinikilos nya. Alam kong wala syang alam at mas lalong sigurado akong hindi nya ako kilala kaya anong pumasok sa isip nya at ganito sya kung umasta ngayon sa aking harapan.

Malabong makilala nya ko ng dahil lang sa isang beses na nakasama ko siya at ang pagkakantanda ko ay hindi nya ko nakita nung gabing iyon at hindi nya din ako nakita nang sumunod na araw pagkatapos ng pangyayaring iyon dahil tandang tanda ko pa kung gaano kahimbing ang tulog nya ng magising akong katabi sya. Umalis akong hindi nya ako nakikita kaya nakakapagtakang ganito siya kung umasta ngayon sa aking harapan na para bang matagal niya na akong kilala.

"Sorry Sir, kailangan ko ng umalis" tarantang saad ko bago humakbang palayo sa kanya ngunit iilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ng bigla ay hawakan nya ang baiwang ko kaya't napahinto ako sa paglalakad. Sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon ay parang gusto ko na lamang lumuhod sa kanya harapan para lang magmakaawa na hayaan niya na kong makaalis. Hindi ako kumportable magtagal pa dito kasama siya lalo na at hindi ako sigurado kung talaga bang hindi nya ako nakikilala.

Ngunit agad na nanigas ang aking buong katawan ng maramdaman ko ang hininga nya sa aking kaliwang tainga. "Do you think you can escape from me again, my love?" mahinang bulong nito na tuluyang nagpahina sa aking mga tuhod at kung hindi nya lang ako hawak sa baiwang ay siguradong napaupo na ako sa malamig na sahig ng hospital na ito ngayon. "I will give you enough time to think but when that time comes, I will make sure that no matter what happens, I will have you." napakagat ako sa aking ibabang labi ng maramdaman kong lalo pa nitong inilapit sa aking tainga ang kanyang bibig. "As my wife." huling salitang sinabi niya bago ito humalik sa aking sentido at bitawan ako.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa papalayong bulto nito. Paulit-ulit pa akong napailing na para bang mawawala sa utak ko ang mga katagang paulit ulit ko ding naririnig hanggang ngayon kahit na wala na sya sa tabi ko.

Nang makauwi ay hindi pa din mawala sa isip ko ang panyayaring iyon kanina. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano anong mga bagay. Kinakabahan ako, natatakot. Hindi ko sya lubos na kilala at mas lalong hindi ko alam kung ano ang mga kaya niyang gawin. Alam kong masama sa kalagayan ko ngayon ang mastress lalo pa at masyadong maselan ang pagbubuntis ko pero hindi ko maiwasang mag-alala para sa mga mangyayari kinabukasan o sa mga susunod pang mga araw.

Ang pagkakamaling hindi ko kailanman pinagsisihan lalo pa at may naging magandang kapalit. Pero sa ganitong sitwasyon na alam kong walang kasiguraduhan, tama nga bang sabihin ko na hindi ko iyon pinagsisihan? Masaya ako sa kinahinatnan pero dapat nga bang iyon ang mangyari?

Hindi ko na alam, kung noong nakaraan ay kumbinsido akong ayos lang na nangyari iyon, pero ngayon ay hindi ko na ata kaya pang kumbinsihin ang sarili ko na ayos pa din ito.

Ang taong hindi ko inaasahan at ang matagal ko ng iniiwasan na makita. Ang taong yon na nakasama ko nang isang gabing iyon kung saan lugmok ako sa sakit at kalungkutan. Ang nag-iisang Tristan Rusheed De Vera, our school president. The father of my child.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Positively Yours Mr. Billionaire - [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon