My Tissue Girl!

202 4 2
                                    


TIME CHECK:

.......... July 17, 2018 ..........

I used to stay here.

Masarap ang simoy ng hangin.

Tahimik.

Payapa.

Wala akong ibang iniisip kung hindi siya, siya lang.

I used to spend my time here.

Dito kung saan kasama ko SIYA.

............ July 16, 2014 ..........

Zach's POV

"Ma, tama na! Ayoko na. Itigil na natin 'to tutal wala namang kwenta 'eh." I said.

"Anak, you're getting even better. Base sa results mo, maganda ang nagiging takbo ng mga treatment sa kalagayan mo."
- Mama

"Ma, alam kong hindi 'yun ang nangyayari. Itigil na natin 'to. 'Dun na lang ako sa bahay. Umuwi na tayo." I said with a heavy tone.

"Anak, kailangan mong magpagaling. Tulungan mo yung sarili mo. Para sayo rin 'to. Please." - Mama

"Matagal ko ng tinutulungan yung sarili ko. Pagod na pagod na'ko. Ayoko na, Ma." I replied without looking my mom.

"Hindi anak. Kaya mo pa, please. Lalaban ka. Gagaling ka pa. Please, anak." - Mama

Ramdam ko na umiiyak na si mama at ayokong makita 'yon kaya mas minabuti kong tumingin sa labas ng bintana ng kwarto ko. Maya-maya, naramdama ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Ayokong nasasaktan si mama lalo pa't alam kong ako ang dahilan pero totoo yung sinabi ko kanina. Pagod na pagod na'kong lumaban sa bwisit na sakit na 'to.

13 years old nang ma-diagnose na may butas ang puso ko. From that moment, nagbago ang buhay ko. Simula rin ng malaman yung tungkol sa sakit ko, my parents seek every medications they can para lang gumaling ako. At the age of 13, sumasailalim na'ko sa mga treatment pero wala pa ring nangyayari. Sabi nila, gumaganda raw ang lagay ko, pero hindi ako naniniwala dahil sakit ko 'to at ako ang nakakaramdam. Walang nagbabago. Siguro kung may naitutulong man, 'yon ay ang pahabain ang buhay ko. Gustong-gusto kong gumaling noon kasi gusto kong maranasan ang mga nararanasan ng mga kasing-edad ko kaya I participated in all medications. Natatandaan ko pa nga yung mga araw na sobra akong eager kapag araw ng gamutan kasi umaasa ako na sa bawat treatments na 'yon 'eh gagaling ako, pero hindi. Hindi nangyari.

Until now, I am already 19 years old. Siguro, ayoko ng magpagaling kasi narealize ko na hindi na talaga ko gagaling. Kumbaga, natanggap ko na at tuluyan ko ng binitawan ang mga pag-asang binuo ko nung bata pa'ko.

Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ako natutulog pero mas komportable ako.

............... July 17, 2014 ................

Kinabukasan,

8:23 a.m.

Wala si mama ngayong araw. Sabi niya may pupuntahan siya, malamang para na naman iyon sa sakit ko. Naupo ako sa kama at nagsimulang kumain ng ubas.

(Door opens)

Hinihintay ko kung sino yung pumasok, malamang nurse para mag-check.

But . . .

"Good Morning! Hi! Ahhhhhmmmmm..... Pano ba'to??? Ahhh, pwede ba 'kong makahingi ng tissue??? Hehehe!!! ^_^" ~?????

I was wrong.

MY TISSUE GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon