Oneshot

1 0 0
                                    

Nagkakilala sila dahil sa Sunset.

Nagkabungguan na para bang itinadhana sa isa't isa.

Nariyan na ang titig sa isa't isa na animo'y hindi natatapos, Na para bang sinisisid ang kanilang mga mata.

Saksi ang papalubog na araw sa pagiibigang nabuo. Sakanya nagsimula ang istorya nila.

Nagtanungan ng pangalan, Di kalaunan ay naging magkaibigan.

Naging malapit sa isa't isa. Bumuo ng matibay na pundasyon. Tiwala. Respeto. Pangunawa.

Ang pagkakaibigan ng dalawa ay mas matatag pa kaysa Nokia 3310 na cellphone ng tita mo.

Nagtuloy tuloy ito na umabot ng tatlong taon. Hanggang sa may umamin sa kanilang dalawa.

"Sunny, Gusto kita" Pagamin ni Jason.

Nagulat, Nabahala. Lumayo ang babae. Ngunit niligawan parin siya ng kaibigan.

Napaka pursigido, Araw-Araw walang palya.

Di rin nagtagal ay sinagot nya ito.

Nagmahalan sila. Tumatag. At kampante sila na kahit na anong problema na ibato sakanila alam nilang kaya nila.

Nasubok sila ng dahil sa tutol ang magulang ni Jason kay Sunny dahil sa magulang nito.

Pero nakaya nila...

Kahit noong nag-away sila at nagkasakit ang tatay ni Sunny ay sinuyo siya ni Jason. Sinundan siya sa ospital at nagpaliwanag.

Nakaya nila...

Kaya noong nagpakasal na sila. Isang taon ang nakararaan, Akala nila kaya na nila ang pagsubok.

Hindi pala...

Akala nila sapat na ang pagmamahal nila. Na meron silang tiwala at Respeto. Akala nila okay na yun para sa kanilang dalawa.

Pero hindi pa pala...

Umiiyak si Sunny sa isang gilid. Nakahiga at pilit tinatakpan ang katawan nya. Pero hindi nya magawa dahil mas malakas ang Dalawang lalake sakanya.

Umalis kasi si Jason dahil meron itong gagawin sa site kung saan ito ang Head Engineer.

Nasa kwarto sila. Sa kama. Kasama niya ang dalawang kapatid ng asawa. Alam niyang tutol ang mga ito sa relasyon nila noon.

Pilit siyang nagpupumiglas pero wala siyang nagawa. Tuluyan na siyang nababoy ng dalawa.

Yakap yakap ang sarili habang humihikbi at takot. Ganun siya nadatnan ng asawa.

Sinubukan niyang magsumbong. Sinubukang sabihin ang lahat. Pero tinignan lang siya nito ng matalim. May panghuhusga. May pandidiri.

Hindi ito naniwala sakanya dahil mas naniwala ito sa sinabi ng mga kapatid na nahuli itong may kasiping na iba.

Iniwan si Sunny ng lalake habang tumatak sa isipan nya ang binitawan nitong salita

"Nakakadiri ka Sunny, May asawa ka na pero nakuha mo pa rin tumikim ng iba, Ang landi landi mo,Sana di nalang kita pinakasalan"

Paulit ulit ito sa utak niya. Pati ang kababuyan ng kapatid nito sa kanya. Pakiramdam niya ang dumi dumi nya.

At dahil na rin sa padalos dalos na desisyon at sakit na nakuha mula sa salitang narinig sa mismong asawa niya.

Pumunta siya sa kusina at kinuha ang pinakamatulis na kutsilyo at diretsong isinaksak sa sarili.

Sa puso niya, Na nasasaktan.

At saksi ang papalubog na araw kung paano niya winakasan ang sarili, Ganoon narin ang kwento nila.

The sunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon