.The not-so-sweet Goodbye.

16 0 0
                                    

DEKDEK'S P.O.V.

"Babye Deki~" -april

"B-b-bye din."-ako

Yan si April, Sya ang Gf ko. Yup! Gf as in "girlfriend". Mahal ko yan, SOBRA! Kaso nga lang malayo ugali ko sa kanya. At higit sa lahat napakamahiyain ko. Dun lang kami nagkapareho e, pareho kaming mahiyain. Pero pag sa text yan, Gasgas na samin ang salitang iloveyou. May isa lang kaming problema e, ayaw sakin ng mama, papa, kaibigan, kaklase at pati ex nya. Ayaw nila sakin kasi mas madalas ko pa daw nilalapitan yung pc kesa sakanya. Well dun ko nalalabas yung pagiging pro gamer ko. "PRO" *huehuehue* Pero kahit ganun kainis na inis sakin yung mga taong nakapaligid sa kanya e, sinagot nya padin ako. Sabi ko na nga lang

"Ayaw mo nun? May thrill? Kung magkasalubong man kami ni papa mo baka ayain pako nun dumayo magdota."

Pero kahit ayaw nila sakin, e mag o-one year na kami ni April. Este bukas na pala anniversary namin! Muntik ko na makalimutan. Pano ko ba magagawang special yung araw na yun.

°kinabukasan°

"Oy DekDek anong plano?"-justin

"Eh?!"

Dahil mahiyain ako, di na ko nakapagprepare. Kasi mas matindi pa kiligin mga kaklase ko kesa sakin.

Mga five minutes siguro akong naghihintay sa room namin, tas biglang dumating si April. Umiiyak. Naging emosyonal ba sya masyado? Wala nga akong kaeffort effort e.

"Lapitan mo Dek!"

Yan ang sigaw sakin ni Justin habang papalayo sya saming dalawa ni April. At gaya ng utos nya, ginawa ko naman. Iniwan nya kami ni April. Di ko alam gagawin ko. Ngayon palang ako nakapagpaiyak ng tao sa tala ng buhay ko. Unti unting pinipigilan ng gf ko ang pagiyak nya.

"Dek. S-s-sorry."

"Ha? Bakit?"

Gulong gulo na ko. At lalo pang lumalakas yung iyak nya. Kaya niyakap ko sya. Trying to comfort her. Pero ayaw padin. Humahagulgol pa din sya e.

"May problema ba?"

"Mahal kita kaso.. Naaawa din ako sa kanya"

Teka. Sinong "kanya" makikipag hiwalay na ba sya sakin?

"I'm sorry"

Inexplain nya sakin ang lahat. Tinimer nya lang pala ako. Dun pa sa ex nyang adik. Nakipagbalikan daw sya kahapon. *sigh* Kawawang deki, binreak ng syota nya, anniversary pa. Hindi naman ako nagagalit kay April. Kasi ang puso naman ng tao ay hindi permanente kaya rerespetuhin ko padin yung desisyon nya. Mabait naman syang tao e. Sabi nga ng mama ko halaman daw ang tinatanim, Hindi galit. Kaya ok lang sakin lahat ng nangyari.

"I'm so so so so sorry Dek."

Patuloy ang pagiyak nya.

"I guess this is it. Goobye April. Masaya ako para sayo. :)"

I'm trying not to cry. Kaya lumabas ako ng room at dumeretso ng uwi kahit first subject palang. Its hard to say goodbye, when you know you can't say hello again.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CoconutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon