LoveApp Unfold: Titled (Chapter 1)

3 0 0
                                    

Chapter 1

"I love you babe, kelan ka ulit pupunta dito?"

"Ihatid ko muna si Yna, babe. Para safe."

"Okay babe, can't wait to see you! I miss you, kainin mo to ha."

Ilan lang yan sa mga nakakadiring nabasa ko usapan ng ex-boyfriend ko at ng other girl nya. I never knew na mangyayari sakin to, ang maloko ng pinakamamahal kong tao. I tried everything to make us work, to make him happy and be his joy, pero sabi nga ng friend ko, 'you can't be his joy, kasi Yna ang name mo!"

"GIIRRL, ano ba nakikinig kaba?! I told you he isn't the one for you, kasi kung mahal ka talaga nya, hindi nya magagawa sayo yan." Oh, I almost forgot na kasama ko nga pala ang bestfriend ko at nasa isang cafe kami para mag-unwind. Siya si Pau, short for Pauleen. We've been best friends for almost 2 decades now, and I must say, sya na ata ang pinaka matagal kong naging kaibigan.

Ngumiti nalang ako ng mapait sa mga sinabi nya, what else can I do? I caught my ex-boyfriend a week ago, he was cheating on me for a while now and I had no idea at all. I thought we could've made it.

"Bes, maganda ka, sexy at matalino! It's not your fault na hindi nya naappreciate yun. Stop being so sad na. He's not worth your time. Yung pinalit nya pa sayo e butanding. Haha! That loser." Dagdag pa nya sabay higop ng kape. Si Pau ang isa sa mga pinaka independent woman na kakilala ko. We are both from FFU-Manila, ang isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas, kaso nga lang di kami magkaklase ni Pau. She's taking HRM course while ako naman ay Medtech. Sa totoo lang, hindi naman kami mayaman, nakapasok lang ako doon dahil sa scholarship. Isa akong dean's lister mula 1st year to 3rd year.

"I know, we cannot force everyone to choose us, pero diko naman ineexpect bes na ganun ang ending namin. Ang sad lang." Wala kaming maayos na break up ni Duane, wala rin siyang binitawan na mga sagot sa tanong ko. Up until now, im still wondering kung minahal ba talaga niya ako, kung bakit nya nagawa iyon at kung ano pa ba ang mangyayari samin.

"You know what bes, why don't you try this app I'm using? Its like a dating site pero I bet you, decent naman mga tao dito!" Biglang wika ni Pau habang ipinapakita sa akin ang mga litrato ng iba't ibang mga lalaki sa app. In fairness, daming cute.

"Nakakaloka ka, bakla! I just went through a break-up, go na agad?" Natatawang sabi ko sakanya, jusko naman. Lord, ayoko na po ulit umiyak!

"Hala sya! It's not like magiging kayo agad, no. Pwede dyan chat lang, usap ganon! OA mo teh. Akin na nga yang phone mo, i-seset up ko na." Dahan dahan na kinuha ni pau ang phone ko na nakalatag lang sa mesa, habang ako naman ay kumakain lang ng cheese cake. Nandito kase kami sa isang coffee shop, nagpapalamig, ika nga, change of pace. Well, hinayaan ko nalang siya na gawin. Sabi nga nya, kesa nagmumukmok ka dyan over some guy na cheater, why don't you try something new?

Tinitignan ko lang ang best friend ko sa ginagawa nya, pindot dito at pindot doon. Hanggang sa nagtanong sya ng mga kung ano anong bagay to describe myself.

"Ilang taon? Syempre 20." She is older than me ng isang taon, Pau is 21.

"Preferences? Syempre gwapo, matangkad at mabango! Hahaha!" Jusko, tanong ba iyan? Ikaw din sumagot e. Bestfriend ko talaga, minsan present pero most of the time? Sabog.

Paubos ko na ang cake ng bigla nanaman syang nagtanong..

"So anong photo mo ang gusto mong ilagay natin dito sa LoveApp?" LoveApp pala ang pangalan ng app na ito?

"Pili ka nalang diyan nang kung ano sa tingin mo maganda." Pabiro kong sagot sakanya. Inubos ko nalang ang cake habang siya ay busy sa pag aayos.

Lumipas ang ilang oras na pagtambay namin sa café, may mga binanggit pa sya kung paano gamitin ang app. Swipe left at swipe right? Ano nga ba ulit yon? Mukhang excited yung best friend ko, sana naman wala siyang ginawang kakaiba sa LoveApp Account ko diba?

Dumating ako sa bahay ng pagod, puyat at heart broken. Halos wala akong gana lumabas ng kwarto at kumain. Ganito siguro talaga kapag malungkot no?

**BZZZZT—BZZZZT**

Tumunog ang phone ko ng sunod sunod. At don ko Nakita sa notifications bar ko ang magkakasunod na LoveApp Message. What?

"Hi Yna. Wanna hang?"

"Hi babe, u from ffu?

"Hi, up for momol?" Momol? Yan ba yung make out-make out lang? Ew!

"Hi, I know you don't know me, but your angelic voice saved me from loneliness." What the hell? Voice????? I was kinda shocked to see this message kase al the messages looked identical but this one is different. But hell no, voice? WHAT THE HELL IS THIS PERSON TALKING ABOUT?!

I didn't bother to check the guy's profile, pumunta muna ako sa profile ko. What the hell did Pauleen do?

Yna, 20

Classy but not so wise in love. Jowain nyo na 'to, masarap to magluto. Plays online games almost every day, dean's lister pero di nangangagat. Can sing you to sleep, has a very cute voice. Half Japanese.

Jusko!! Pano iedit to?? And at the very end sa list ng photos, may isang video! Yung video na kumakanta ako ng Yellow ng Coldplay. Its not a big deal, si Pau din kasi ang kumuha neto. This was from last year's performance ng club sa school namin, ang FFU-Chorale. Isa nga pala ako sa mga soprano.

Sa sobrang bored ko, naalala ko yung sinabi ni Pau. Swipe left? Swipe right? Paano nga ba gamitin to?

"Swipe right kapag gusto mong maka-match ang tao, swipe left kapag naman ayaw mo." Kusang lumabas ang instruction sa LoveApp ko. Hmmm, total bored na rin naman ako, at para maiwasan kong mamiss si ex, let's try this one. Para di naman sayang effort ng bestfriend ko diba?

Swipe right dito, swipe left doon. Im starting to get bored from this app already, so before you can message someone, you have to match! If you swipe right, he needs to swipe right on you too. I see, mayroon palang ganitong option ito, ang bright naman. Haha!

***BZZZT BZZZZT***

Message Notification (LoveAPP)

Alexander, 21: Hey, I know you. Aren't you the girl from IAS? Wag mo kong kagatin, if greet you ha. ;)


What the hell? Who is this? And how did he know my institute? IAS is an institute sa school, where all related course ay nandoon. Should I reply? Or maybe I should stalk his account muna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LoveApp Unfold: TitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon