𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭

2 0 0
                                    

Kapit
Song by Armi Millare

Sa gabing kay dilim
Hinahanap ko ang kahulugan ng mga
Panahong lumipas lang
Nang walang pasintabi, ako ay iniwan

Mga matang noon ay
May kislap pa ngayon ay
Mugtong-mugto sanay sa luha
Sadyang ganito nga ba ang
Mabuhay dito sa lupa

Kaya't
Hihigpitan ko ang kapit sa mga kamay ng oras
Nang 'di 'to lumipas lang
Sana ay aking sinulit ang panahon na
tayo'y mga bata pa

Ilang araw na rin
Na tuloy tuloy lang ang ulan
Hindi ma wari kung ito ba'y malalagpasan

Pilit sa putik aking pupulutin nang isa-isa
Mga pangarap kong nabasag tila bubog sa paa
Ang bahaghari ba'y nagpapakita lang talaga

Kaya't
Hihigpitan ko ang yakap sayo't
Alam ko na hindi 'to magtatagal
Sana ako'y maalala mo ng ganito

Hihigpitan ko ang kapit sa mga kamay ng oras
Nang 'di na maiwan pa
Nais ko lamang masilip ang nakaraan

Hihigpitan ko ang kapit sa Diyos
Paliwanag na rin
Ito na't parating
Matatapos ang lahat ng pagsubok na 'to

🎧🎶

Listen To My MusicWhere stories live. Discover now