Capítulo 08

300 36 20
                                    

I'm hurting.

"Bakit mo sinabi yon ah?" Masungit kong sabi kay Cyrus habang sabay kaming nag lalakad pauwi sa apartment ko.

"Your not comfortable at nakita ko yon, kilala ko yon si Eroz alam ko kung pano mag laro ng babae yon." He said at napatingin naman ako sakanya.

"Parang ikaw?" Natatawang sabi ko at nakita ko naman ang pag tigil nya at pag ka titig nya saakin.

"Tsh, wag mokong itulad sakanya," halata ang pag kainis sa boses na mas lalong kinatawa ko.

"Kasi mas malala kapa kesa sakanya?" Pang aasar ko pa at napansin kong wala syang balak umalis sa kinatatayuan nya kaya nauna na akong mag lakad sa kanya at iniwan syang nakatanga.

"Hindi naman ganon!" Pag tatanggol sya sa sarili nya ng makalapit sya saakin.

"So ano nga? Oo gwapo kayo mabilis ma fall sainyo yung mga babae pero ang tanong bakit hindi kayo makuntento sa isa?" Sigaw ko sakanya.

It's comportable I'm comfortable with him, with Cyrus. Ramdam ko na safe ako sakanya-na masaya ako.

"Ganto kasi yon, sa pag kain may isa kang paborito at dahil may nakita ka na sa tingin mo ay masarap kaya pupunta ka don pero pag nag sawa ka ay babalik at babalik ka sa paborito mong pag kain." He seriously said.

So that's mean si Stella yung favorite mo pero nakita mo ako kaya ka nasaakin pero pag nag sawa ka babalik ka kay Stella? How dare you Cyrus.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" Inis na saad ko dito at tinakbuhan sya ng makita kong malapit na ang apartment ko.

Narinig ko ang pag sigaw nya sa pangalan ko pero hindi ko sya nilingon at nag patuloy lang sa pag takbo.

Kung masasaktan man ako sa dulo, susulitin ko na tong mga masasayang araw ko na kasama sya.

Ang sabi ko I just want to see him, not to love him again but look andito nanaman ako minamahal nanaman sya.

Last nato promis.



***

"Zer, Pwede mo batong ibigay kay Sidney?" Pag agaw atensyon ko kay Kaizer.

Tumigil sya sa pag babasa nya ng magazine at tumingin sa akin.

Nilagay ko sa table yung lunch ni Sidney at napatingin naman sya don. May client si Sidney ngayon kaya wala sya dito sa cafe kaya ako ang nandito.

"Lunch bag?" Kunot noong tanong nya at agad naman akong tumango.

Hindi ba obvious na lunch bag ang nasa harapan nya?

"Malapit ng mag lunch naiwan nya kasi yan dito, sige na oh please." Pag mamakaawa ko dito na pumayag sa gusto ko.

Kaming dalawa ni Sidney ang gumawa ng lunch nya para sana mamaya ang kaso dahil sa pag mamadali nya ay nalimutan nya ito.

"Sige, bibigyan kita ng tip dito sa cafe." Saad ko pa dito. "Sampung kape, sige na please."

Kung pwede lang ako, ako nalang sana ang gagawa kaso madami akong gagawin dito sa cafe, at umuulan pa buti sya ay may sarili syang sasakyan.

"Alright, ako na bahala dito." Aniya at kinuha nya yung lunch bag bago tumayo na ikinangiti ko.

"Your the best manliligaw talaga." Masayang saad ko at bahagyang nag thumbs up pa.

The Unending Love (Barcelona series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon