ANGELICA (ay ANGELO pala)'S POV
Yan na,
Umaga na,
First day of school ko sa St. Francis High. Nako kinakabahan na ako.
Joke! Hindi ako kinakabahan. Na-aano lang ako. Naaano nung ano. Hehe.
OPS! Bawal palang umastang babae sa all-boy school! Sabi sakin yun ng
girlfriend ko (pero fake). Peke lang haha. Baka kasi pagdudahan ako at
mabuking.
O'siya pasok na ulit ako. Dating gawi.
(yung pic po sa side si Angelo)
***
Ako lang ang nagda-drive. Oh diba? solo ko lahat.
Nakarating na rin sa wakas. Pinark ko na yung kotse ko at dumeretso na
sa room. Room IV-I (4-1) ako.
Wow~~ Ang ganda naman ng school na to! Puro lalaki nga. Eh bakit may
ibang babae dito? Sino sila?
(baka yung mga students sa St. Francis na all-girls? Oo meron non. Kaso sa
ibang daigdig este city pa. May BF siguro sila dito? Ayiiieee)
Bakit nga ba hindi nalang ako sa all-girls na St. Francis High?
Common sense naman, syempre hindi ko makikita at malalaman ugali nung
Zander.
Tingin-tingin muna sandali
Ang sosyal talaga! Sino ba may-ari ng school na to?
"HOY! Tumabi kayo. Si Young Master andito na."
Ay! Nagulat naman ako! Nagsitabihan yung mga students kaya tumabi naman
ako. (Maka-sigaw kuya wagas ah.)
May dumaang Apat na lalaki. Sila ba yung 'masters'??
Si----Si Si Zander yon diba???
Hindi ako nagkakamali, si Prince Zander nga!
***
Andito na ako sa classroom at malapit ng magsimula ang klase.
"Class before I forgot, may bago kayong classmate. Halika dito at mag
pakilala ka." -Mr.Reyes
Tumayo nga ako at pumunta sa harap.
Anong tinitingin-tingin niyo dyan? Pinagtitinginan nila ako! HALA
"Good Morning, I'm Angelo Ian Sy. Nice to meet you." yung tono ng boses
ko? Syempre panlalake.
Wait yung seat ko nga pala? Seatmate ko si Zander swerte ano?
(boy1 | boy2 | boy3 | Zander | ako | boy6)
Yung boy1 boy2 boy3 kasama ni Zander kanina. Tropa ata?
"Hey Angelo. I'm Andrei" sabay kaway
"Ako naman si Miko" kumaway din
"Jake here." at tinuro sarili niya
"And I'm Zander." kumaway din
Yan ba ang Zander?
Hindi muna dapat ako nagpapaniwala.
BINABASA MO ANG
Campus Princess to Campus Prince
Short StoryPwede bang mag transform ang Campus Princess to Campus Prince? Pwede diba?