#13

0 0 0
                                    

mabuti pang mabingi
sa taglay na ingay ng tabi - tabi
sa dagundong ng
kapaligiran at ng reyalidad
na nagdaraan

maigi pang marahuyo sa panandaliang kasiyahan
sa mga bagay na pansamantala
kaysa lingunin ang kalooban

pagkat taglay ko'y patay na kapayapaan
sa aking puso't isipan
naroon ang tunay na ingay,
naroon ang tunay na kaguluhan.

_Badjao

Joshua Oirada ❤️Where stories live. Discover now