Chapter 29
All of my what if are clear now but there's still something cannot change between us. Nanay stayed almost one month at sa loob ng isang buwan ay sobra ang saya ko dahil kasama ko siya. Nang umalis siya ay kasama umalis si Yohan kaya napakarami na namang bantay sa bahay na ito. Preso na nga yata ako.
Tumayo ako sa kama ko at bumaba. Balak kong mag-luto dahil simula nang kinuha ako ni Yohan ay hindi ko pa nahahawakan ang mga gamit sa kusina. Nakita ko ang dalawang babae na nag-uusap habang nag aalmusal pero nang makita nila ako ay sabay silang tumayo. Ka-edad ko lang sila kaya hindi ako nahihirapan makisama.
"Ayos lang. Kumain na kayo. Pwede bang ako ang nagluto ngayong araw?"
Nagtinginan muna sila at sabay na umiling. "Hindi pwede, Ria. Bilin kasi ni Sir Yohan."
Nanlumo ako pero ngumiti pa rin sakanila at nag lakad papuntang sala. Labag sa kalooban kong tinawagan si Yohan. Hindi ko maintindihan ang ugali niya noong narito siya. Simula nang magkausap kami ay tila seryosong tao na siya, he doesn't smile and always on the phone.
After a few rings he finally picked up. "Ria."
"Gusto ko magluto." It wasn't a question. Gusto ko lang ipaalam sa kaniya dahil baka mawalan ng trabaho ang dalawang iyon.
I heard him sighed. "Sure. Do you need anything else for dish you want to cook?"
"Wala ka bang grocery?" Imposibleng wala dahil ang laki ng refrigerator niya.
"Wala pa tayong stocks sa bahay. Nakalimutan kong iutos ang grocery. So name what you'll need."
An idea comes to my mind. Kapag ba naging palahingi ako mag babago ang takbo ng utak nito?
"Hindi ba pwedeng ako na lang?"
"Hindi, Ria. Wala ako d'yan."
"I want to cook menudo. I'll just send you the ingredients and can I have a request?"
Sandali siyang natahimik bago sumagot. "Name it."
"Gusto ko ng ice cream yung magnum, chocolates and cake yung galing red ribbon. And Yohan, I want lotion and new clothes."
I heard him chuckle. "Is that all? Do you have specific brand for your clothes and lotions?"
Nalunon ko ang sariling laway sa hamon niya. Gusto ko lang sabihan niya ako na magastos pero tila natutuwa pa siya sa demand ko. Wala akong alam bukod sa Avon at yung mga nakikita ko sa tv.
"Wala. Hintayin kita rito. Nagugutom na ako dapat before ten thirty nandito ka na." Agad kong pinatay ang tawag at nag set ng alarm.
Inikot ko muna ang bahay. It's so simple at halatang hindi siya permanenteng nandito. Kumpara sa bahay niya na kumpleto dito ay simple lang talaga, sa bahay niya kasi ay may pool area, garden, music room, bath tub dito naman ay normal lang at walang pool. Maliban na nalang sa mala maze na wall sa labas.
I gave him 2 hours and half para mabigay lahat ng gusto ko. Nasa syudad siya kaya alam kong matagal-tagal bago siya makarating. Umakyat ako sa kwarto ko at sinukat ang mga damit na nasa walk in closet. Alam kong pinaghandaan niya talaga ang madala ako rito dahil kumpleto ang gamit. Pumili ako ng magagandang damit at sinukat isa-isa at nag picture sa malaking salamin. Pangarap kong mag karoon ng magarang gamit kahit isa noong nag tatrabaho pa ako. Sabi ko kapag nakapag ipon na ako bibilhin ko ang natipuhan kong bag sa isang sikat na boutique na nadaanan namin noon ni Yohan.
I heard something sa labas kaya hindi na ako nag palit at pumunta sa veranda. I saw a helicap na nakababa sa puting buhangin ng isala na ito. Ilang sandali pa ay may mga bumaba na tatlong lalaki at kapwa may hawak na shopping bags. Panghuli ay si Yohan na nakashades. May hawak itong ecobag na tila doon nakalagay ang mga sangkap sa lulutiin ko. Tiningnan ko ang oras sa wall clock dito sa kwarto at maaga siya ng ten minutes.
YOU ARE READING
Chasing Victoria (ACCUSE SERIES #2)
Romance[Accuse Series #2] Victoria Mendez is a secretary of a happy-go-lucky businessman. Her life was simple, she's the breadwinner of her family. Having a boyfriend while working is not her plan lalo na sa boss nito. Bukod sa langit at lupa ang layo ng p...