Umpisa

5 1 0
                                    



Tumitig ako sa kanyang mga mata, hinihiling na sana mabasa niya ang aking pagsisisi at dalamhati. 


"I'm sorry..." tanging mga salitang lumabas sa aking bibig dahil alam kong walang ibang salita ang makakapag paliwanag ng kasalanang nagawa ko sakanya. 


Tiningnan niya ko gamit ang mga matang lumuluha sabay tumango ng dahan-dahan  "Naiintindihan ko" Ang sakit, napaka sakit. Pakiramdam ko wala 'kong kwentang tao, hindi ko alam kung pa'no ko nagawa ang bagay na 'yon, kung bakit ko ginawa. "...pero masakit" 

Gusto kong sampalin niya 'ko, sigawan at sumbatan, kung 'yon ang makakapag-alis ng sakit na nararamdaman niya tatanggapin ko lahat ngunit tanging katahimikan ang namutawi sa pagitan namin, tanging hikbi niya lang ang aking naririnig. Gusto ko siyang lapitan, yakapin, punasan ang bawat luhang pumapatak pero natatakot ako, natatakot ako na baka lumala ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Siguro tama na muna, itigil muna natin 'to"  walong salita, hindi ko alam na kaya 'kong basagin ng walong salita. Hindi ko alam na kayang maging sobrang sakit ng walong salita. 

Tinitigan ko siyang umalis, tinitigan ko siya hanggang mag laho  sa aking paningin. Tinitigan ko siya, at 'yon ang pangalawang beses ng pag sisisi ko sa araw na 'to.

Our last pageWhere stories live. Discover now