ANG LATHALAING ITO AY RATED SPG. ITO AY NAGLALAMAN NG MASELANG USAPIN AT NAGBIBIGAY NG KUMENTO NA TUNGKOL SA PAMAHALAAN, PANANAMPALATAYA AT PILIPINO. STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY ANG KAILANGAN.
"Ganun na ba talaga kabundok dito sa Lucban?". Ayun na siguro yung pinakawalang kwentang nasabi ko habang gumagawa kami ng nakakamatay na generator at motor sa isang nakakamatay din na subject.
Mag 7pm na siguro nun at hindi pa kami lahat nagdidinner. Well, as I've said, nagawa nga kami ng project --kaming group habang nanunuod ng tv. Alam ko na madami naman na can relate dito sa gawaing ganito. Syempre naman sobrang boring kaya ng todo aral lang. Since hindi naman ako Lucbanin at nakidayo lang ako ng ibang lugar para mag aral, nakipanuod, nakigulo at naki ingay lang ako sa classmate kong tiga Lucban. Guess what kung anung pinapanuod namin? Balita lang naman. Oha. Para may alam naman sa current events kahit papano. Baka biglang makasalubong si Sir Ungriano at matanong tungkol sa news. Mabuti na siguro yun kesa pagresaytin pa ko ng Preamble ng 1987 Freedom Constitution na inamyendahan noong kapanahunan ng aing mahal na pangulong Cory Aquino.
Oo. Genyon yun. Ang galing ko no. Vigilant kasi ako. YES! ang taray ng term ko pero hindi mo naman talaga nagets yung term na yun. Basta ang alam ko lang, kapag you know where you stand in this democratic country without being influenced by abusive authority, you can be called vigilant. And maybe I can say, that I am one.
So like I was saying, nanunuod nga kami ng news. It was mid-year of 2012. Around September - October. At ang sizzling hot topic during that time, Cybercrime Law.
Since walang tv sa tinutuluyan kong apartment, hindi ako updated sa usapang pampulitika o panlabas ng Lucban. Ang alam ko lang gawin ay ipasa ang Enercon ko. Wala pa nga akong kaalam alam kung anung meron at nilalaman ng BILL na yun, bigla na lamang naundayan ng pagpapasa ng naturang bill na ito sa mataas na kapulungan. Agad agad, in a blink of an eye, pasado ang batas.
Sige, himayin nga naman natin ang pros at cons sa LAW na ito. Simulan natin sa PROS. Magkakaroon nga naman ng karapatan ang mga nabubully na gumawa ng karampatang hakbang para ipagtanggol ang sarili niya laban sa mga mapang abuso. Maiiwasan nga naman ang iba't ibang uri ng bullying na madalas na nating makita sa internet. Akalain mo nga naman yun, simpleng pagsasabi lang na nakakatawa ang DP mo sa FB, kahit katawa tawa naman talaga at lokohan lang, uri na pala yun ng bullying. Pang uudyok lang sa mga gawain kahit lokohan, bullying. Gurabe nga naman yun. Lahat na lang ng ikikilos mapaparatangan ka na agad na bully. Bawal na bang magbiruan?
Puntahan naman natin ang CONS, at mukhang mas marami akong masasabi na tungkol dito. Una, sa palagay ko, under na tayo ng sinasabi ng iba na MARTIAL LAW. Ang pinagkaiba lang, we are in ELECTRONIC Martial Law. Hindi na tayo makapag rect sa iba't ibang bagay na gusto natin. Cyberspace is our space. Pero parang tinanggalan tayo ng karapatan sa sarili nating lugar. Wala na tayong freedom. Lalo na kapag masyado pang sensitive yung bibigyan mo ng comment. Baka mamaya mo, may bigla na lang dumating na subpoena sayo. Konting maling sabi at pagrereact lang, di malayong kasuhan ka ng LIBELO. Secondly, lahat na lang ng gagawin mo sa internet ay nangangailangan ng masidhing pag iisip at manners. Sige, sabihin na natin na dapat nga naman lahat tayo may manners. pero diba sa mga totoong kaibigan mo lang nagagawa at nasasbi yung mga bagay na kahit kahayupan eh pagtatawanan niyo lang. Sa panahon ngayon, kahit lokohan lang, mabasa o makita ng ibang tao, bully agad tingin sayo. Wala na ba talagang freedom? Nasa DEMOCRATIC country tayo. Kaya nating gawin at sabihin ang mga bagay na gusto natin as long as alam natin ang limitations natin. Sa palagay ko, kailangan pang amyendahan, katkatin, bigyan ng tamang pang unawa ang mga Pilipino kung ano talaga ang ibig sabihin ng LAW na ito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang bilis nga naman ng panahon ngayon, magPapasko na agad. At hindi lang presyo ng pang noche buena ang mainit na tinatalakay ng mga tao. Nagkaron pa nga ng hatian ng pagdedesiyon ang mga Pilipino. Iba ay panig sa Simbahang Katolika, iba ay panig sa pamahalaan. Alam niyo na ba kung ano ang usapan na ito? *Tadaa!* RH BILL -- na ngayon ay RH LAW na.
Ito na siguro ang pinakanagpainit sa ulo ko nitong nakaraang taon. Ang dami daming Pilipino ang di sumasang ayon sa panukalang batas na ito pero agad agaran pa rin ang pagdedesisyon na ginawa ng pamahalaan para dito. Oo, matagal na nga ang usaping ito sa mababang kapulungan dahil laging nahahati ang pagsang ayon ng Kongreso. Hindi pa ba magandang sign yun na hindi lahat ay sumasang ayon sa nasabing bill?
Isa pang pinagtatakahan ko eh bakit ang mga nangunguna sa pagsulong ng batas na ito ay yung mga wala namang anak. PIA CAYETANO, our HONORABLE PRESIDENT, NOYNOY AQUINO. Isinusulat ko to according sa nararamdaman ko. Hindi para usigin sila. Nagtatanong lang kumbaga.
Nalaman ko din dun sa nursing kong batchmate na matagal na palang free ang condoms at pills sa mga center. Kasama na din ito sa FAMILY PLANNING. Hindi lang pinamigay kaya nabulok. Ngayong may ganitong law, mas malakas na ang loob ng kabataan na gumawa ng bagay na dapat ay ginagawa lang ng mag asawa -- ng pinagbuklod ng Diyos.
I'm Catholic and i stand my faith. Naniniwala ako na dapat hindi pigilan ang pagkakaroon ng GIFT OF GOD. Kung hindi mo kayang buhayin, disiplina ang kailangan. Hindi contraceptives.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
New Year na. At ang bumulaga sa new year ko, DIVORCE BILL. Lahat na lang ng BILL na hindi kaaya aya eh unti unti na atang nagsusulputan.
Okay lang naman na pag usapan at ifeature to sa iba't ibang programa sa telebisyon -- kung pinapakita ang dalawang side nito. Kung ang ipapakita nga lang naman eh yung mga mag asawang nagbubugbugan, nagsasakalan, nagmumurahan, malamang sa malamang, marami ang mahihikayat na payagan ang panukalang ito.
"Walang makakapaghiwalay sa pinagbuklod ng Diyos." At naniniwala ako dun. Dahil kung sinasaktan ka ng asawa mo, baka hindi talaga siya ang para sayo. Bakit kasi hindi muna kinilala? Bakit hindi muna inalam ang kahinaan ng bawat isa? Hindi kaya nagmadali lang din ang mga tao sa pagpapakasal?
Naniniwala din kasi ako sa phrase na lagi kong sinasabi, IN GOD'S PERFECT TIME. Sana hinintay ang tamang pagkakataon para panindigan ang pagpapakasal. Dahil ang marriage ay isang eternal bond. Isipin na rin ang mangyayari sa mga anak na maiiwan nang dahil sa divorce.
Naawa din ako sa mga battered wife, pero iba pa rin ang pinapaniwalaan ko. At tulad ng sinabi ko, i stand my ground.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sana kasi pinapag isipan maigi ang mga batas na isusulong sa bansa natin. Hindi yung maisipang batas na lang. Katulad ng napag aralan ko sa Political Science subject ko, may LAW tayo pero we are still ynder the DIVINE LAW. Kaya sana malighten up yung mga nasa katungkulan.
Bakit di na lang nila ipasa ang FREEDOM OF INFORMATION BILL? Wala akong nakitang pagtutol sa mga Pilipino. Bakit hindi ito ang unang ipinasa? Para hindi malaman ang katiwalian na nakatago sa likod ng mga mabubulaklak na dila nila? Hmm. pag isipan lang sana natin.
Inuulit ko. Ginawa ko ito dahil ito ang nararamdaman ko. Hindi para usigin ang matatamaan.
"BATO BATO SA LANGIT, ANG TAMAAN SIGURADONG GUILTY!"
----aphroditeapprentice
BINABASA MO ANG
Ka-LAW-kohan!
RandomANG LATHALAING ITO AY RATED SPG. ITO AY NAGLALAMAN NG MASELANG USAPIN AT NAGBIBIGAY NG KUMENTO NA TUNGKOL SA PAMAHALAAN, PANANAMPALATAYA AT PILIPINO. STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY ANG KAILANGAN.