Love Romance [chapter 34]

1.1K 11 4
                                    

 Chapter 34: Today was a Fairytale.. 

After ng ilang days, pwede ng pumasok si Tricia.. laging nakabantay sa kanya si Ivan, eto ang nagtuturo at nagaalalay sa kanya! Sabay silang dalawa pumasok, dumiretso na sila sa classroom para turuan ni Ivan itong si Tricia..

"anu ba yan? di ko maintindihan! T.T" sabi ni Tricia na nangangamot ng ulo

"intindihin mo! tignan mo madali lang yan.. kung ako nga nagagawa ko.. ikaw pa!"

"nakakainis naman eh.. ang dami kong namiss! assignments, quizzes! panu kaya ako papasa nito"

"ikaw talaga.. ang tali talino mo eh! dali na makinig ka na sa akin!"

"oh, sige na nga!" sabay tingin sa notebook ni Ivan

Lumapit sila Yen at Ann kanila Tricia at Ivan

"wow, ang swerte naman ni Trish!" sabi ni Yen

"baket naman? ako pa ang swerte? ehh.. ang dami ko ngang namiss!" sagot ni Tricia

"hindi.. ang meaning talaga nun ay ang swerte mo kasi nandyan si Ivan para turuan ka!" satsat ni Ann

"oy, bumalik na kau sa pwesto niyo.. tuturuan ko pa toh!" satsat ni Ivan

"sige na nga, duon na kami Trish!" sabi ni Yen

Bumalik na sina Yen at Ann sa pwesto nila.. 

"ang sungit mo naman!" reklamo ni Tricia

"kailangan mong makapasa.. ayaw mo bang grumaduate?" tanong ni Ivan

"gusto.."

"gusto naman pala edi magfocus ka!" 

"opo!" sabi ni Tricia

Dumating na ang teacher nila.. 

"goodmorning class!" pagbati ng guro nila

"goodmorning mam!"

"oh, Tricia Santos nandito ka na pala.. mabuti naman kung ganun! ang dami mong namiss na quizzes at assignments kaya kailangan mong bumawi! maari ka ding magpaturo kung may mga lessons kang di maintindihan okey!"

"opo mam!" sagot ni Tricia

"okey, maiba ako class.. magkakaroon ng Highschool dance dito sa school!"

"wow!" sigaw ng mga estudyante

"okey pero bago kau magsaya diyan ay mag-aral muna kau dahil sa wednesday and thursday na ang exams niyo.. ayaw kong may babagsak kaya mag-aral kau ng mabuti! tapos sa friday ang Highschool dance! mga 4th year students na kau kaya kailangan maging conscious kau sa grades niyo.. para makakuha kau ng magandang school!"

Love Romance (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon