WFML 50
Thalia Ocampo
8:28 AMCedrick:
Thalia Joelle.Mahal nga kita. Kahit anong gawin ko totoo ang nararamdaman ko. Wag ka sanang malito pero hindi ako nagbibiro. Please, kausapin mo na ako, Thalia. Oo, nasabi ko 'yon pero wala na 'yon sa ngayon dahil mahal na kita. Kung iniisip mo na hindi totoo ang nararamdaman ko sa'yo please, wag.
Mahal kita.
Thalia:
Lumayo kana lang.Gusto ka ng pinsan ko, ayokong masaktan siya. Gustong gusto ka niya, Ced. Siya na lang siguro ang mahalin mo at wag ako.
Cedrick:
Tinataboy mo na ako ngayon?Alam ko na gusto niya ako pero hindi ko siya gusto, ikaw ang mahal ko. Hindi ko siya kayang mahalin dahil ikaw lang ang mahal ko. Saang parte ba ang hindi mo maintindahan na ikaw lang ang unang minahal ko ng ganito? Hindi ko pa 'to nararamdaman dati pero nang dumating ka lahat nag iba.
Thalia:
Saang parte din ba ang hindi mo maintindihan na gusto ka ng pinsan ko, ha?Cedrick:
Lahat naiintindihan ko.Ako naman ang intindihin mo. Hindi mo ba ako mahal?
Thalia:
Hindi, hindi kita mahal.Kaya lumayo kana sa'kin.
Cedrick:
Hindi mo ako mahal? Hindi ako naniniwala diyan, Thalia.Thalia:
Ang lakas mo naman? Hindi ka naniniwala? Wala akong pakialam sa'yo. Lumapit lang ako sa'yo dahil gusto ko gamitin ang kasikatan mo.Cedrick:
Kahit gamitin mo pa ang kasikatan ko, kahit di pa ako sikat. O kahit ano pa man, mahal kita. Wala nang magbabago 'don.Thalia:
Ginamit lang kita, ano? Masaya kana? Lumayo kana sa'kin.Cedrick:
Kahit ilang beses mo pa akong gamitin, okay lang basta bumalik ka lang sa'kin, Thalia.Thalia:
Ganiyan ka ba ka-desperado?Cedrick:
Oo, kaya kong ibigay lahat basta bumalik ka lanh sa'kin. Kahit mawala ang pagsusulat ko, wag lang ikaw.Mahal kita.
Seen
YOU ARE READING
Writing for My Love
RomanceCompleted I'amore Dello Scrittore Epistolary Series #4 A writer who was writing for her love. Started: August 9, 2021 Finished: August 30, 2021