Chapter 2

0 0 0
                                    

Chapter 2

Samantha's POV

Lumipas ang ilang linggo lagi ko nalang nararamdaman na may nakamasid saakin, lalo na sa madaling araw at ngayon naman nararamdaman ko na sya hanggang dito sa may flower shop.

Hindi ko pa nasasabi kay tita itong pagbabago sa pakiramdam ko parang feeling ko nga mas tumalas ang pakikiramdam ko sa paligid at lalong lalo na ang about sa may nakamasid saakin.

Dalawa kami ngayon ni tita ang andito sa shop nag aayos si tita ng mga bulaklak habang ako ay andito sa may counter nakaupo wala pa kasing costumer.

Maya maya pa ay bigla akong nakaramdam ng hilo,kaya napamasahe ako sa sintido ko, nararamdaman ko din na mas lumalakas yung nararamdaman ko pero ngayon parang hindi lang sya nakamasid I feel  something strong energy or kung ano man yun, parang unti unti ay nawawalan ako ng lakas.

Dahil sa unti unting panghihina ko ay natabig ko yung vase na andito sa counter dahilan para magsimula ito ng ingay dahil sa pagkahulog nito, unti unti nadin nanlalabo ang paningin ko ang huli nalang na Makita ko ay si tita nag mamadaling syang lumapit saakin and everything went black.

Steffie's POV

Sa nag daang linggo napapansin ko na ang pagbabago sa kakayahan ni Sam kahit hindi nya Ito sabihin saakin ay alam ko at nararamdaman ko Ito.

Samantha and her power is starting to develop at unti unti na itong lumalabas at nagagamit na nya ito ng hindi nya alam, ang ipinagaalala ko lang ay baka mabigla ang katawan ni sam ng dahil sa kanyang kakayahan dahil hindi sya sanay at hindi nya Alam kung Anong kakayahan ang meron sya.

Netong mga nagdaang araw I feel something strange, para bang may laging nakapaligid saamin si Sam lalo na sa bahay, at alam kung nararamdaman din yun ni sam dahil parehas kami ng kakayahan ni Sam, we can feel someone's presence at kapangyarihan.

Hindi ko masyadong pinapansin ang aking nararamdaman dahil panatag ako dahil may barrier ang bahay hindi ito basta basta mapapasok ng kung sinong may magic without my permission.

Ngayong araw andito kami ni sam ngayon sa may flower shop nasa counter sya at ako naman ay nagaayos ng mga bulaklak

Maya maya pa ay may narinig akong nabasag dahilan para makuha non ang atensyon ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabiglang pagkatumba ni sam! Nahimatay ito, dali dali akong tumakbo papalapit saknya. Kinuha ko ang bag ko na nakasabit sa may pader para gawing unan ni sam at pinipilit ko itong gisingin.

"Sam" sambit ko, hinawakan ko ang kamay nya at naramdaman ko ang pang hihina nya, at bigla akong nakaramdam ng malakas na magic.

Napatingin ako sa paligid palakas ito ng palakas at nararamdaman ko na papunta sila dito saamin si sam.

Hindi pwede to, nahanap na nila kami ng mga taga fallen kong saan kami nag tatago ni sam, posibleng nawalan ng malay si sam dahil sa mahikang nararamdaman nya. Hindi na ako nagdalawang isip na gamitin ang kapangyarihan ko at nag teleport kami ni sam.

Kailangan kong protektahan si sam dahil yun ang bilin ng kanyang ina, hindi ko alam bakit gustong kunin ng mga taga fallen si sam, pero wala namang masabi ang ina nito noong ibinigay nya saakin si sam.

Sa tingin ko ito na ang tamang panahon para malaman ni sam na hindi sya ordinaryong tao lang, kailangan na nyang malaman na isa syang fairy at hindi dito ang totoong tahanan nya.

Hinayaan ko munang nakapagpahinga si sam sa kwarto nya at bumababa na ako para mag handa ng makakain namin ni sam.

Samantha's POV

HERONA UNIVERSITY: The Missing KeyWhere stories live. Discover now