The Month of June

5 0 0
                                    

Scarlet's POV

June 1 ,2010

Hay naku lapit na pala birthday ko tatlong araw nalang

At ito pala ang magiging huling kaarawan ko na makakasama sila mama. Kasi sa susunod na taon dun na ako Australia mag bibirthday, I'm gonna turn 15 yrs old na.

Nakakalungkot lang parang feel ko matatagalan ako ng balik dito sa Pilipinas.

Paano kaya kung di nag OFW si papa ko edi sana buo pamilya namin, kaso pag hindi naman wala kaming makakain. Pero sana naman makasama mama ko sa amin, hindi sana sila nagkahiwalay edi happy FAMILY sana kami .


Siguro nga may dahilan ang lahat. Di naman magkakaganito kung walang plano ang Diyos sa pamilya ko .

Anyway highway, Ayun nga di man lang ako excited sa birthday ko. Kasi after ng birthday ko 20 days nalang bago ang flight namin, mamimiss ko si mama

"Ah! Alam ko na! Yayain ko nalang si mama lumabas yung kami lang!" bulong ko sa sarili ko. "May 1000 pesos naman akong cash, dalhin ko sya sa paborito nyang pizza house, sa Greenwich!". Puntahan ko muna si mama.

"Ma! Samahan mo naman ako may bibilhin ako tara bilis ma!"

"Saan naman? Naku walang mag aalaga sa mga kapatid mo Let!"

"Edi sama natin problemo?"

Ayun nga tinawag na ni mama mga utol ko at pinaligo agad tapos nagbihis. Magdadala ako extra money baka kasi mashort eh haha.

Sa SM Mall....

Ikot..

Ikot..

Lakad..

Lakad..

"Saan ba tayo pupunta ate?"

"Di naman kasi dapat kayo kasama eh :3 , secret lang muna sshhh lang wait mo lang ok?"

"Hmf sungit mo naman negneg ka."

Amfuuu .. tawagin ba naman akong negneg??! Kutosan ko to si Jay eh! Yan yun utol ko na lagi kong kaaway sa lahat

"Ma gutom kana?."

"Oo, kanina pa, isang oras na tayo paikot ikot dito ni di mo alam san tayo pupunta."

" Haha, ok kain tayo san gusto mo ma?"

"Ma sa Jollibee! " -Jay

"McDo mama!" -Kaye

"Chowking tayo mamaya." -May

"Jollobee ma."- Jeff

"Uy , uy ,uy , tumigil nga kayong apat jan si mama tinatanong ko kayo nag susuggest kalbuhin ko kaya kayo nuh? ... So Ano na ma?"

"Greenwich tayo masarap pizza nila dun."

"Tara!"


Sa Greenwich. ...

"Order ka lang ma kahit ano .. wag lang masyado marami ah hahaha."


"Order daw kahit ano ayaw naman ng marami, nagsalita ka pa haha... matanong ko nga may pera ka ba jan?"

-___- (Ako)

"Ma wala, kaya nga kita niyaya nuh? Kaw magbabayad."


-____-(Mama)


"Wala pala eh bakit andito tayo? Tara uwi nalang."

"Ang slow mo talaga mama hahaha meron ako ano kaba , ibayad natin si Jay taga hugas ng pinggan hahaha."


"Hmf wag nalang uuwi nalang ako, si Kaye nalang ibayad."


"HAHAHAHA." Kami ni mama.

Ayun nag order na kami, kumain nagkwentohana .. hays ang sarap sa feeling ganito nalang kami lagi, di ko maisip kung ano ang magiging kapalaran ko sa ibang bansa at kapalaran ni mama nalulungkot ako ng sobra.

Sa bahay...

"Salamat let-let ah, lapit na pala birthday mo, ano gusto mo mag handa tau?"

"Wag na ma, ipunin nyo nalang pera, diba sabi mo pag wala na kami sa puder mo impossible na padalhan ka ng pera ni papa?"

"Oo, ayus lang anjan naman si Tito nyo (step-dad namin)."

"Kahit na ma di naman malaki kinikita ni tito, sige lang pag ako nagkatrabaho dun tutulungan ko po kayo."

"Salamat anak."


Mahal ko mama ko, kahit dati nung bata pa ako lagi syang wala sa bahay. Simula ng nakipaghiwalay si papa sa kanya nalulung sya sa drugs, until na nakilala nya ung step dad ko, parang bumalik sa dati si mama.

Naisip ko lang, kung nakakabaliw ang pag ibig, at nakakasakit, iisa rin pala ang gamot nyan. Ang PAG-IBIG lang din . Bilib parin ako sa mama ko. Sya parin ang role model ng buhay ko.


Thanks papa God at binigay mo ako sa kanya.

Sana pag laki ko, makahanap ako ng katuwang sa buhay yung di katulad ni papa na manloloko.

Balang araw , gagawa ako ng pamilya na di mabubuwag.


•••••••••••••••


A/N : Salamat sa supporta, pls supporta pa po kayo. Hehe like and comment po .. thank you love you

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When It Comes To LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon