Epilogue

0 0 0
                                    

" sorry for the wait maam, we have an available suit now ma'am kaka alis lang po ng guest sa room number 108 ngayun kaya pwedi niyo na pong makuha ang room please give us a minute to prepare your suit . You can sit here ma'am while waiting. "


Iginayak niya ako sa mahabang sofa sa gitna ng hallway may ilan ang  naka upo dun ung iba nag aantay din habang may ilan na nag kakape . Pinatong ko ang bag ko sa gilid at ang isang pang bag na may lamang gamit ko. Sa harap ng sofa ay ang salamin na table may mga nakapatong roon na magazine at napag iwanang mug ng kape . Inabot ko ang magazine na ang cover ay ang Gwapong Ceo ng Alijandro si Jian ko.






Binuklat ko ang unang pahina natigilan ako ng makita ang sunod na article tungkol na naman sa kanilang dalawa yun . Ang pag kakaron ng celebration sa company nila para sa engagement announcement na gaganapin .mag me merge ang dalawang kompanya oras na makasal na ang isang Alijandro at ang Nag iisang anak ng mga Hemera. Agad ko yung binitiwan at binalik sa table . Kahit pa hindi na alamin kung sino sa mag kapatid ang ikakasal halata namang si Jian yun . Siya lang Na man ang Gusto ng Ng nag iisang anak ng mga Hemera at isa pa ang Ex Girlfriend ni Jian ... masakit mang tanggapin pero talagang hanggap dito na lang ata yung samin ...



Bumalik din agad yung babae kasama ang isang lalaki na mag dadala ng gamit ko . Nasa likod nila ako pumasok kami sa elevator kasama ng iba pang guest ng resort.  Dumating kami sa tamang palapag sa room 108 kami tumapat pag bukas ng suit ay namangha ako sa ganda nun . Hindi siya ganong kalaki tulad ng laging kunukuhang suit ni Jian tuwing may pupuntahan kaming resort pero sakto ito sakin dahil ako lang ang gagamit . Matapos nilang ibigay ang susi ng kwarto ay nag paalam na sila

umupo ako sa kama at inayos ang dala sa harap ng kama ay ang malaking flatscreen na Tv at sa kaliwa ay ang salamin na sakop ang isang bahagi ng kwarto pag labas dun ay ang balkonahe.  Mula sa kama na kinauupuan ko ay  tanaw ko ang malawak na asul na dagat at ilang mga puno ng tiyog .

Nakaka relax ang resort na yun wala akong ibang ginawa kundi mag tampisaw sa dagat tuwing hapon  pero hindi ako nag tatagal dahil may mga ilang torista na lalaki ang  lumalapit sakin halatang gustong mangaya kung saan tss. Sa gabi ay nasa balkonahe ako ng room at dun nag papahangin habang nag hahanap ng trabaho sa online.  Balak kung mag trabaho habang kaya ko pa nasa tatlong buwan palang naman ang tyan ko hindi pa masyadong halata kung hindi papansinin ng maigi lagi namn maluwang na damit ang sout ko kaya hindi gaanong napapansin .

Ika limang araw ko dun kinaumagahan maaga akong nagising para mag lakad lakad sa buhanginan nakarating pa ako sa dulo nun . May nakita akong two story house na subrang ganda ng  pag kaka disinyo hindi nga lang ako naka lapit dahil may sign na private area kaya bumalik na lang ako sa hotel ....


Nasa hallway ako naglalakad ng mamataan ko ang isang pigura ng lalaki na naka sout ng polo shirt na bulaklakin may kaakbay siyang babae na hanggang balikat lang nito naka sout ng puting summer dress . Tumuloy ako sa pag lapit ng lumingon yung babae sa direction ko ang ganda niya ! Grabe napaka angelic naman ng mukha niya ang sarap titigan . Kumonot ang noo ko ng makitang ang reaction neto sa pagkaka kita sakin parang siyang hindi makapaniwala na ewan . May kung ano siyang sinabi dahilan para lumingon din yung lalaki kaya napatigil ako at parang nanigas sa kina tatayuan ko. Si anton ! Yung pinsan ni Jian nandito . Mabilis akong umalis sa lugar na yun at halos takbohin na ang elevator maka alis lang dun ng ma bilis naka sakay ako ng elevator ng wala sumusunod sakin. Sumandal ako sa gilid at napahawak sa dibdib.  Hindi nila ako namukaan diba? Tama hindi nila ako matandaan dahil matagal na nung huling kita namin ni Anton.



Hindi na ako lumabas ng suit ko takot na baka makita at makasalubong ko sila ulit sa baba o baka nasa tabi lang nitong room ang sa kanila. Nag pa dala na lang ako ng lunch at dinner sa room ko ayaw kong lumabas .

Gusto ko man matulog ng maaga ay hindi nangyari dahil ukupado ng isip ko ang nakita kanina sa hallway.  Iniisip ko kung nakilala ba nila ko base kasi sa reaction nung babae ay parang kilala niya ko.. nakatulugan ko ang pag iisip nun . Kinabukasan maaga akong nagising  dahil sa tunog ng cellphone ko . Nag hilamos lang ako at nag sipilyo pag katapos ay nagpalit ng damit balak kung kumain sa labas siguro na man ay wala sila dun dahil maaga pa .

Malakas na katok sa pinto ang nag pa lingat sakin sa pag tingin sa labas .

Sino ba yun . Wala akong inorder sa baba kaya wala akong inaasahan na pupunta rito. Wala sana akong balak puntahan dahil baka nag kamali yung kumatok sa pinuntahan na room pero mas lalong lumakas yung pagkatok nito .

Pagbukas ko ng pinto ang mukha ni Jian agad ang nakita ko walang emosyung naka tingin sakin pero yung mata niya namumula na parang may tutulo ng luha dun anong mang oras



" J-Jian.."








Next Chapter 1 :)

Island of City Where stories live. Discover now