Chapter 69

146 15 6
                                    

Chapter 69

Ares let me stay in the Philippines for six months every year and then I'll go back to Spain after that six months and will stay with them for six months too. He's the boss anyway so I agree. Simula kasi noong bumalik kami ng Spain at doon nanirahan ay hindi ako mapakali, maybe he saw that that's why he let me stay in the Philippines for six months every year. Bumalik lang kami ng Pilipinas na buo noong kasal ni Raze at Eros pero kinabukasan ay umuwi din ng Spain. Sa mga de Montaigne nag-stay silang tatlong magkakapatid kapag nasa Pilipinas ako pero kapag nasa Spain ako ay sa bahay sila umuuwi. So masasabi ko na sa mga de Montaigne talaga sila lumaki kasi kahit nandito ako sa madrid ay iniiwan ko sila kila Abuela kapag may trabaho ako but of course, I always make sure that I still have time with them.

Hindi kasi talaga ako mapapakali sa Spain hangga't wala akong balitang natatanggap tungkol kay Aira. Halos lahat ng mga taong nasa paligid ko ay nawawalan na ng pag-asa. Kahit nga yata si Ares ay nawawalan na ng pag-asa kasi hindi na siya nagtatanong ng balita tungkol sa mama niya. Masakit para sa akin na biglang naging ganoon. Na parang ang bilis naman nila nakalimutan si Aira. 'Yung asawa ko. 'Yung asawa ko na nagsakripisyo para sa katahimikan ng buhay naming pare-pareho. O baka naman nasanay na sila na wala na si Aira sa buhay namin dahil sa tagal na ng panahon? Baka hindi ko lang talaga matanggap hanggang ngayon na wala na siya?

Umuling ako at saka bumuntong hininga. Itinukod ko ang mga siko ko sa railings pagkatapos ay tumingala para tignan ang magandang kalangitan.

"I want to watch the dark sky that has a lot of stars with you, not to watch you alone as one of the stars," I chuckled and drink my liquor on my glass. I placed my glass on the table and got my phone from my pocket. I opened it and saw my wife in my gallery. "You're not one of them, right?" Parang tangang kausap ko sa litrato niyang nasa cellphone ko na tinitignan ko ngayon. "Hanggang ngayon ay umaasa pa din ako na makikita kita kahit sobrang laki ng tiyansang hindi na kita makikita. Hindi pa din ako titigil na hindi umasa at hanapin ka. Wala akong pakialam kung sabihin nila na hindi ko lang matanggap na wala kana kaya hanggang ngayon umaasa pa din ako."

Wala naman sigurong masamang umasa? Nawalan kasi ako. Ang hirap-hirap lang kasing magsimulang muli simula noong nawala siya sa akin. Ang hirap na nga noong nawala ang mga magulang ko paano pa kaya na pati siya ay nawala na din sa akin? Tanging mga anak nalang namin ang nagbibigay buhay sa akin dito.

Accepting that she's gone? No. I'll never do that because I never believed that a person who loses someone they love in this world can accept the fact that they were gone. They just used to live with that after they lose them. The pain, absences, and emptiness. They just used to feel all of that. And it's doesn't mean already an acceptance.

Bumalik ako sa loob ng kwarto ko pagkatapos ay lumabas para magpunta sa kwarto ng mga bata. Arcane and Arin are now asking about their mom and I only said to them that she's far from us. Tinanong pa nila kung kailan siya uuwi dito para makasama namin. I just say soon. Hindi ko alam kung paano sila sasagutin dahil hindi din naman nila maiintindihan ang mga sasabihin ko sa kanila kung bakit wala dito ang mama nila. Masyado pa silang bata para malaman ang tungkol doon.

Binuksan ko ang kweto ni Arcane at pumasok doon. Naabutan ko siya na gising pa at nagbabasa ng libro sa study desk niya. He is now in his grade one at sobrang sipag mag-aral. Kung si Arin ay mas gustong nakikipaglaro sa mga kalaro niya, kumain at manood ng TV. Si Arcane hindi. Hindi siya makakatulog hangga't hindi niya nababasa o naiintindihan ang text books niya.

"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ko pagkasara ko ng pinto niya. He just shook his head as his response to me. I walk towards his bed and sat there while watching him so serious about what he is reading. "May pasok ka pa bukas,"

"Mañana tengo exámenes, papá. Entonces necesito estudiar," (I have exams tomorrow, papa. So I need to study.) He used to speak Spanish than Tagalog and English. Ares is speaking English while Arin is speaking Tagalog. Like her mom. Her mom prefers to speak Tagalog to English and Spanish too.

Caelum Scattered #2 (Las Rozas Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon