One

223 19 2
                                    

A/N:

Well, maiksi lang 'to. Kung trip mong basahin, ayos. Kung ayaw mo naman, ayus--in mo ang buhay mo. Dejoke. Haha. Bahala ka. Di kita pipilitin.

Inumpisahan ko ito 9:45 PM dahil nangyari ang iba rito kaninang 2:45 PM. Well, sabi nga nila may mga bagay na dadaan sayo para maisulat mo. Heto na nga. Dinaanan ako kaya naisulat ko. Sige. Basahin mo na :)

-----------------------

Do not redistribute or copy without author's consent. Any similarities with the other stories were purely coincidental.

---------------------

Just A Glimpse

"Late na ako. Ano ka ba!" singhal ko sa kuya ko. His name is Tim Lizardo. 6'1 in height and he's freaking annoying. As of right now, he's blocking my way.

"Ano ba yan, ke-aga-aga eh nagsusungit na naman 'tong baby sis ko. " nakangiting sabi niya. I rolled my eyes.

"Kuya, please lang. Tumabi ka na. Late na talaga ako. Wag mo na akong idamay sa mga kalokohan mo, hindi ako mag ii-skip ng klase ko. " seryosong sabi ko sakanya. He's a pain in the ass, iyan ang laging label nila sakanya. But he's more a rebel slash papansin type for me.

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay.

"Okay, okay, okay. I give up. Mag-iingat ka ha. Wag ka sanang malate. " tapos umalis siya sa hamba ng pinto at pinadaan ako.

Agad naman akong lumabas at nagmamadaling pumara ng jeep. Wala naman masiyadong tao kaya prente lang akong nakaupo sa gilid at nakapatong pa ang kaliwang kamay ko sa maluwang na bintana ng jeep.

Medyo umistop yung jeep kaya hindi mapakali ang paa ko. Geez. Malalate na ako.

May papasakay na pasahero kaya nag-overtake na lamang yung isang jeep na nasa likuran ng jeep namin. Mahina ang takbo ng nag-overtake na jeep dahil medyo hindi maluwag ang kalsada. Kaya. .

Napatingin ako sa kabilang jeep, at doon ko nakita ang pares ng matang nakatingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil baka kindatan ako niyan or what. Ganyan kasi yung mga nangyayari kapag tumingin ka sa mga lalake, it's either kikindatan ka or sasabihan ng 'Hi, Miss.'

Oo, lalake siya base na rin sa tindig ng katawan niya, though nakaupo siya. But there's something I've felt that I couldn't explain. Parang bumilis yung tibok ng puso ko. Napagmasdan ko yung mukha niya, but just a glimpse.

Napaisip tuloy ako, is it possible to have an attraction to the guy whom you saw in just a millisecond?

Just A GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon