VI :: Wrong

28 23 0
                                    

HINDI ko alam kung ano na ba ang mararamdaman ko ngayon. Masaya ba ako dahil nakalabas ako at nakasama ang tita at mga pinsan ko o malungkot dahil iniwan ko si kuya at sinuway ko ang kagustuhan niyang manatili ako sa bahay niya.

Nasa sasakyan kami ngayon. Mga nasa isang oras na rin simula nang umalis kami sa bahay. Kanina pa rin si tita nagd-drive at sumasakit na ang puwetan ko sa matagal na pag-upo. Nabo-bored din ako dahil wala naman akong ginagawa. Ang dalawa kong pinsan ay nagce-cellphone lang. Lowbat kasi ang cellphone ko kaya naman hindi ko magamit.

"Ang putla mo, Xelestia. Ayos ka lang ba ro'n?"

Tinignan ko ang taong nag-tanong saakin. Si kuya Clyrien.

Ngumiti ako sa kaniya. "Opo, ayos lang. Maputi lang po talaga ako, hindi po ako maputla." dahil hindi naman ako nakakalabas ng bahay kaya sobrang puti ko.

"Para kang manika, alam mo 'yon? ang sarap mo ibenta," sabat naman ni tita Angel at tumawa pa.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil sa sinabi niya. Biro lang 'yon dahil tumawa siya at ang mga pinsan ko pero hindi ko maiwasang matakot. Hindi ko rin alam kung bakit pero natatakot ako sa kanila.

"T-thank you po," ang tangi kong nasabi dahil wala naman akong ibang alam na sabihin sa sitwasyon na 'to. She still complimented me, sinabihan niya akong mukhang manika.

"Kumusta si Quest? nakakatakot ba siya? himala nga't buhay ka pa hanggang ngayon. Pa'no nangyari 'yon?" tila namamanghang tanong ni tita.

Kumunot naman ang noo ko dala ng pagtataka. Ano'ng sinasabi niya? siyempre naman at mabubuhay ako dahil hindi naman ako pinapabayaan doon at lalong-lalo na't kasama ko si kuya, siguradong ligtas ako kapag siya ang kasama ko. Ramdam ko 'yon sa tuwing nandiyan siya, hindi katulad ngayon na medyo kinakabahan ako.

Three days lang ako kila tita, 'yon ang usapan. Hindi kasi pumayag si kuya Quest na magtatagal ako roon. Alam ko na galit siya kanina pero hindi naman niya ako sinaktan, kalmado lang siya. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?

"Mabait po si kuya. He always take care of me naman po," sagot ko. "Medyo mahigpit lang po siya saakin pero naiintindihan ko naman po."

"Mabait?" natatawang pag-uulit ni tita Angel sa sinabi ko.

May mali ba?

Tumango naman ako. "Opo, mabait po siya. Pinapatahan niya po ako sa tuwing umiiyak ako, palagi niya po akong sinusubuan kapag inaayawan ko yung pagkain, siya rin po minsan ang nagtuturo saakin kapag may spare time siya." kuwento ko.

Totoo 'yon. Ganoon ang ginagawa niya saakin noong mga nag daang taon. Ngayong taon ay hindi na masiyado dahil busy na siya. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya pero hindi ko naman na 'yon problema.

"Wow... pakitang tao pala siya sa'yo," tugon ni tita na mas lalong nagdagdag ng kyuryosidad at mga katanungan sa isip ko.

"Alam mo ba kung ano'ng klaseng tao si Quest? hmm?"

"Huh? may types po ba ang mga tao? ano po kaya yung saakin?"

***

"Wala pa po bang pagkain?" I asked while eyeing the table.

Tita's house isn't big as kuya's but it was okay for me. Hindi ko naman dapat husgahan si tita dahil dito sa bahay nila. Siguro ay hindi lang ako sanay dahil ang bahay namin noon ay malawak at maraming kagamitan, pati na rin yung kay kuya. Pero itong kay tita ay simple lang, medyo maliit at mabibilang mo ang dami ng mga gamit. Minsan nga ay napa-isip ako na baka hindi talaga ito ang bahay nila tita. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit may kaya ang angkan namin. Siguro sadyang trip lang ni tita ang tumira sa ganito kaliit na bahay.

The Viscount's Captured Heart (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon