Mar. 19, 2015 [Part Two]

72 16 2
                                    

March 19, 2015
Thursday

Dear babylove,
Ito yung karugtong .. itinigil ko kanina yung pagtatype dahil hindi ko na kaya. Lumalabo na yung mata ko dahil sa tubig na nanggagaling din sa mata ko at hindi na din ako makahinga. Kapag kasi naaalala ko yun naiiyak na lang ako. Babylove sana pwede kong ibalik yung araw na yun. Yung araw na masaya tayo.. sana may second chance pa. 6 months na din pala yung nakakalipas simula nun no? Maraming nagtakang manligaw sakin pero alam mo ba yung sinasabi ko sa kanila .... sinasabi ko sa kanila na "hindi pwede. May hinihintay kasi ako." At ikaw po yun. Ang daming nagsasabi sakin na wag na daw akong umasang babalikan mo ko. Eh anong bang masama kung umaasa akong babalikan mo? Sila ba ang masasaktan? Diba ako? as if naman talaga na may pake sila sakin. Hindi pa rin ako makamove on dahil nasa "pano kung" stage parin ako. Like, pano kung balikan mo ko? Pano kung mahalin mo ulit ako? Natanong ko na din sa sarili ko kung bakit kita sinusulatan eh hindi mo naman ito mababasa. Siguro para malabas lahat ng sama ng loob ko? Para malaman mong mahal parin kita? Para masabi ko kung ano ang mga hindi ko masabi sa personal? Hayy. I miss the real you. Yung taong isip-bata pero masungit. Yung taong corny.

Ps. Mamaya nalang ulit kapag nakayanan ko na ulit. Hindi na naman kasi ako makahinga eh.

--babaeng namimiss ang babylove nya

--JanRodrine

Dear BabyloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon