Breakaway (One Shot)

64 1 1
                                    

Heart POV

Hi readers. Ako nga pala si Heart Yvonne Delos Reyes. Nakakalungkot naman. Andito lang ako sa hospital magdamag. Ang OA kasi nina mama eh kaya ko naman gumala. Kaya ko pang magjogging. Hayy! Ewan ko ba. Alam ko naman na nag-aalala sila sakin dahil nga sa kondisyon kong 'to pero sana naman maintindihan nila na gusto kong makita ang kagandahan ng mundong ito bago ako mawala. Na sana sa mga huling Araw, buwan, taon ko dito ay sana maenjoy ko rin. Hindi yung ganito. Nandito ako sa Kwarto. Nakatingin sa bintana. Naghihintay at nag-iisip kung kailan nga ba ako gagaling o kaya naman gagaling paba ako.

Bata pa ko, marami pa kong gustong gawin sa buhay pero bat andito ako sa hospital? Diba ang mga normal na teenagers nasa labas? O kaya nasa mall tumatambay kasama ang tropa. Hayyy! I miss my old life.

Simula nang magkasakit ako wala nang dumalaw sakin. Sina mama? Ayun nagpapakasubsub sa trabaho para daw sa mga gamot ko. Saka lang naman sila dumadating pag sumisige ang sakit ko o kaya naman tatawagan sila ng doctor.

Tsk! Sawang sawa na ko dito. Gusto kong magpahangin. Lumabas ako ng kwarto ko at tinignan kung may doctor ba. Eh wala naman kaya tumakbo ako papunta sa exit. Doon sa likod. Sa may garden dun muna ako. Hindi naman nila ako pagagalitan eh.

Tahimik lang akong pinagmamasdan ang mga paru-paro sa paligid. Sana paru-paro nalang ako para malaya akong nakakalipad. :3

"Hi" Huh? Sino yun? Eh mag-isa lang naman ako dito. Luminga linga ako pero wala talaga akong makita.

Tas may biglang bumagsak sa tabi ko.

"Boooo!"

"Weh? Nagulat ako oo nagulat ako" sarkastiko kong sabi.

"Taray mo naman. Mukhang malungkot ka ah"

"Hindi naman. Atsaka ano kaba? Feeling Close ka ah? Ano bang pangalan mo?"

"Unang una sa lahat Tao ako. At hindi ako feeling close. It's just that ayaw ko lang na may taong nakasimangot kaya smile kana. Ako nga pala si Keven Chua" sabay lahad ng kamay nya tinanggap ko naman.

"Heart. Heart Yvonne Delos Reyes"

"Ganda naman ng pangalan mo" Bola "So anyways, bat kaba malungkot?"

"Iniisip ko lang kasi kung kailan ba ko magkakaroon ulit ng normal na buhay, yung walang sakit, may barkada, ganun."

"Ano ba sakit mo? At bakit? Iniwan kaba ng mga kaibigan mo?"

"Heart Disease. May tumubong bukol sa puso ko kaya ang ginagawa nalang is medication. At simula din nung nagkasakit ako. Wala nang bumisita sakin na kaibigan ko. Sina mama naman Busy sa Work nila. Mas importante pa yun kesa sa anak nila"

"Hayyy nako Heart. Mag-isip ka nalang ng masasayang ala-ala. Ako nga rin may sakit eh pero nakangiti ako. Pagsubok lang yan Heart. Malalagpasan mo yan. Malalagpasan natin 'to. Tsaka malay mo kaya ganun ang parents mo kasi ginagawa nila lahat para may pampagamot ka. Wag kang mag-alala mahal ka ng mga yun. Kaya smile naman jan"

"Salamat ha? Kasi dumating ka sa buhay ko. Hayaan mo mananatili ka sa isip at puso ko. Ikaw lang ang nakapagpasaya sakin ng ganito. Mawala man ako. Atlis may isa akong kaibigan na kagaya mo"

"Kaibigan agad? May sinabi ba kong ganun?" hinampas ko sya "Haha! Joke lang eto naman. So friends?"

"Friends" nagngitian kami sa isa't isa.

Simula nun lagi na kaming nagkikita sa may garden. Masaya kasama si Keven. Thankful ako kasi dumating sya sa buhay ko. Atlis may memory akong madadala sa kabilang buhay.

Hanggang sa isang araw pumunta ako sa garden pero wala akong nakita ni anino nya.

"San na kaya sya?" tanong ko sa sarili ko. Ilang oras pa akong naghintay doon. Pero dahil umaatake ang sakit ko napagpasyahan ko na rin bumalik sa loob.

"Hi Heart. Sorry ha hindi ako nakapunta. May ginawa pa kasi silang test sakin" oo nga pala hindi ko pa natatanong kung ano sakit nya.

"Ano nga palang sakit mo?" nginitian nya ko.

"Pwedeng wag muna natin yang isipin?" tumango ako. At pumunta kami sa garden. May bench kasi doon.

"Heart?"

"Hmmm?"

"Lumaban ka ha? Sa kahit anong pagsubok. Kaya mo yan. Lumaban ka at ngumiti. Nanjan lang si God sa tabi natin. Hindi man natin makita. Hindi man natin mahawakan pero nararamdaman natin yung pagmamahal nya"

"Opo Keven lalaban ako lalo na't nasa tabi kita. Basta lumaban ka rin ha? Promise mo 'yan"

"Oo lalaban ako hangga't kaya ko"

"Keven alam mo ba nung mga panahon na wala kapa sa buhay ko. Eh takot na takot akong mamatay? At gusto ko nang sumuko? Pero nabago mo yun Keven. Ikaw ang nagbigay sakin ng lakas at pag-asa. Nung dumating ka sa buhay ko. Saka ko lang narealize na dapat hindi ako matakot na mamatay kasi marami na kong memories na nakuha sa mundong ito. Salamat Keven. Salamat" nakangiti kong sabi.

"Walang anuman. Basta lumaban ka ha? Wag mo pababayaan sarili mo."

"Keven? Ano bang pinagsasasabi mo? Diba parehas tayong lalaban? Diba? Sabi mo yun diba?" umiiyak kong sabi. Kumikirot na rin puso ko.

"Parang di ko na kaya Heart" Hindi ako makahinga. Nagblu blurred na rin ang paningin ko dahil naiiyak ako.

"Kaya mo yan. Kaya natin to. Wag ka lang bibitiw" Oo kaya natin 'to kahit may taning na ang buhay ko at ilang oras nalang pwede na kong mawala.

Hindi sya sumagot. Intead ngumiti pa sya. "Wag kang umiyak. Pumapangit ka. Pero kahit na pumangit ka man. Ikaw parin ang pinakamagandang babaeng nakilala ko"

"Keven"

"Hmmm?"

"Pwede bang ganito nalang tayo? Hawakan mo kamay ko" hinawakan nya yung kamay ko. Parehas kaming maputla pero ramdam ko na, ramdam kong may nagmamahal talaga sakin. At hindi na ko natatakot na harapin ang kamatayan.

Ilang oras na ang lumipas.

Pagdilat ko ng mga mata ko. Nakita kong maraming nakasaksak sakin. Si Keven? Asan sya? Tumingin ako sa Gilid at nakita ko sya. Nag aagaw buhay. Inextend ko yung kamay ko na para bang inaabot ko sya. Kahit nanghihina. Kinaya ko parin. Nahawakan ko yung kamay nya at nagkatinginan kami. Ngumiti sya at ngumiti rin ako.

Sabay naming pinikit ang mga mata namin.

Ngayon napatunayan ko na. Na hindi lahat ng lumalaban ay nananalo. At hindi sa lahat ng bagay ay panalo ka. Basta si God ang nagplano. Walang makakapigil. We met Peace.

We Met Angels. Now I can say "I've Spread my Wings And I learn How to fly"

Ako si Heart Yvonne Delos Reyes. At Sya si Keven Chua. Pag pinag sama.

Heart + Keven= Heaven

-----
Okay readers. Yan po muna haha!
Please Do Comment And Vote. Sana po mag react naman po kayo. Sa mga may katanungan wag pong mahiya magtanong. :) salamat sa suporta.

Breakaway (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon