Chapter 38

13 0 0
                                    

After everything that happened last night, Lesther still gave me a ride home.

Hindi na rin kami nakapag paalam kahit na kay Ayson man lang na uuwi na kami ni Lesther. Dala na rin siguro ng hiya dahil sa biglang pag-alis ko, at alam na rin siguro nila ang dahilan kung bakit kami umalis.

Napaaga ang pag-alis ni Lesther. Imbis na bukas, ay ngayon na siya umalis kasama si Ash. Hindi kapani-paniwala dahil nagpaalam si Ash kay Camilla.

Naikwento ko na rin sa mga kaibigan ko ang nangyari. Maski sila ay nagulat nang malamang engaged na sila Jan at Rose, at magn navy sila Lesther at Ash.


Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng guilt sa mga sinabi ni Lesther kagabi. Nasasaktan ako sa iba samantalang siya ay nasasaktan sa'kin, at hindi ko man lang napansin iyon. Dahil ang alam ko ay matagal na siyang walang paki sa kung ano mang meron sa'min noon. Pero at the same time, I'm happy dahil naging part din ako ng buhay niya kahit saglit lang, and I hope that if the right time comes at pumabor ang panahon sa'min, mapagbibigyan ko ang nararamdaman ni Lesther Para sa'kin.


Tungkol naman kay Jan? I guess we're never really meant for each other. Talaga sigurong kay Rose na nakalaan ang puso niya.


Iba talaga gumalaw ang tadhana. Hindi mo masusundan, magugulat ka nalang na and'yan na, nasa harapan mo na.


"Ano nang Plano mo?" Tanong ni Camilla habang kumakain ng chips.

Kasalukuyan kaming nasa quarters ngayon para magpahinga bago muling mag duty.

"Plano saan?" Pagpapatay malisya ko.

"Engaged na si Jan, umalis na si Lesther." Sagot naman ni Camilla. Pero, ano nga bang Plano ko?

"Wala, I should live my life. Life goes on. Alangan naman masaktan ako sa kanilang dalawa, 'di ba?" Tama naman eh. Hindi na ako katulad ng dating Mercedes na iiyakan lahat at iisipin ng iisipin ang mga nangyayari. I need to be brave and face the challenges.


"Wala ka man lang bang planong maghanap ng iba?" Muli niyang tanong. Kaagad naman akong umiling.


"Wala muna. Kung sino nalang dumating, siya nalang." Natatawa kong sagot.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng quarters saka hingal hingal na pumasok si Eden.

"Nurse Mercedes, may naghahanap po sainyo." Nagkatingan naman kami ni Camilla.

"Sino raw?" Takang tanong ko bago tumayo at inayos ang uniform.


"Hindi po nagpakilala e." Tumango nalang ako kay Camilla bago sumunod kay Eden palabas.


"Ayan po siya." Turo ni Eden mula sa may parking area sa labas ng hospital. Nakatalikod naman ang lalaki kaya hindi ko masyadong makilala.


"Sige, pasok ka na. Susunod nalang ako." Tumango nalang si Eden bago siya bumalik papasok ng hospital.


Kunot naman ang noo kong lumapit sa lalaki saka kinalabit ito.

"Uhh, are you looking for me—


"Cedes." Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang lalaking kinalabit ko.


"Jan?" Gulat kong banggit sa pangalan niya.


"Let's talk.." May pagka lungkot pa ang tunog ng boses niya.


"A-ano namang pag-uusapan natin?" Luminga-linga ako sa paligid para hindi makatingin sa kaniya. Ayaw ko siyang tignan.



Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now