CHAPTER 1

53 6 11
                                    

Nakatulala lang ako at hindi alam ang gagawin. Hindi pa nakakabalik sa room ko si Alezander, I guess he's still talking to the doctor who was talking to me earlier. Napahawak ako sa tiyan ko nang biglang tumunog ang sikmura ko, I'm hungry. Wala bang pagkain dito?


Dahan-dahan akong bumangon, inalis ko ang dextrose na nakalagay sa kamay ko. Umalis ako sa kama at lumapit sa table na may nakalagay na mga prutas. Kinuha ko ang mansanas at umupo sa sofa at saka kinain ito. Gutom na gutom talaga ako, ilang araw ba akong tulog?


"Why did you get off your bed?" Gulat na napalingon ako sa boses ng bagong dating at nagtaka ako dahil ibang tao ang dumating. It's a tall guy with a messy hair, he have dark brown orbs, his jaw is well defined the same with Alezander.


"Who are you?" Sinamaan ko siya ng tingin nang lumapit siya sa akin. Sino ba ang taong 'to? Susulpot na lang bigla, baka masamang tao pa 'to.


"Come on Rina, it's me Vanz." Vanz? Wait, he is Catarina's friend as far I remember. Tangina, ang gwapo ng description sa kaniya sa libro pero mas gwapo pala siya kapag nakita mo na talaga ang mukha niya.


"Sorry, I can't remember you. I don't remember anything." Nakita kong nagulat siya, hindi siya makapagsalita at nakatunganga sa harap ko.


Nasaang chapter na ba ako ng story na 'to? Bakit parang gumulo ang story? Naku naman, kung hindi sana tinapon ni ate ang libro na 'yon, edi sana alam ko ang magiging ending ng story or kung ano ang kasunod ng pagsakay ni Catarina sa barko. Hindi 'yong ganito na para akong tanga. Bakit ba kasi napunta pa ako rito, buhay pa kaya ang katawan ko na nasa kasalukuyan? Baka naman patay na at multo na lang ako na sumanib sa katawan na 'to.


"You must be kidding me, Rina. Baka naman trip mo lang 'to para magantihan si Zander? I know that you are mad towards him, pero kaibigan mo naman ako. You can tell me everything." Huh? Galit? Bwesit na 'to, hindi ko nga alam ang nangyayari sa akin kaya paano ko masasabi ang lahat sa kaniya? Baka kapag sinabi ko na galing ako sa kabilang mundo o ibang panahon, baka isipin na baliw na ako at ipadala pa ako sa mental hospital.


"Sorry but I'm really telling you the truth, I don't even know that you are my friend, gladly you told me. Anyway, wala bang ibang pagkain dito? Nagugutom ako saka ilang araw ba akong tulog?" He sighed but after that he smiled at me and he messed with my hair. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang ako.


"Pizza and spaghetti, you want that? I know they are your favorites." It feels like my eyes turned in to heart shaped after hearing what he said. I love those two, lalo na ang spaghetti.


"Sure, damihan mo. Hindi na kita kaibigan kung hindi mo dadamihan ang spaghetti, I also want Hawaiian pizza." He nodded and he went out of the room. Sumandal ako sa sofa at pinagpatuloy ang kinakain ko.


Pagkatapos kong kainin ang mansanas ay humiga ako sa sofa. Now what? What should I do? Saan ako patutungo para bumalik sa pinanggalingan ko? Hindi ko mapaliwanag nararamdam ko ngayon pero mas nananaig ang kalituhan at pangamba sa buong sistema ko.


Alezander Vasquez is a dangerous and heartless man. He was engaged to Catarina but according to the book, he doesn't like nor love her at first. Pero doon sa huling part ng story na nabasa ko, he finally realized that he likes her. But the question is, what's next? What happened to the two of them that I suddenly entered this shit? Alam kong mahal na mahal ko si Alezander dahil sa story but it creep me it out everytime that I realize that I am now part of their lives, I am now here and I finally saw the fictional character that I love the most.


Pakiramdam ko talaga nababaliw na ako. Fictional characters doesn't exist but what am I seeing right now? Nabagok ba ang ulo ko after that incident and I am now imagining things? I dont't know how can I survive this situation plus the fact that I didn't finish the story so I am totally clueless what will be the end of the story so that I may able to come back to my real life.


Wrecked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon