Chapter Seventeen

109K 4.2K 2.2K
                                    

“Naririnig n'yo ba ang sinasabi n'yo?!”

Hindi kaagad nakasagot sina Gina sa tanong ko. Napaiwas sila ng tingin sa 'kin na tila ba maski sa sarili nila, hindi nila alam ang sagot.

“Wala na tayong ibang pagpipilian, Naths. Wala na tayong oras para mag-isip. Alam naming ganyan ang magiging reaksyon mo... tumulong ka man sa 'min o hindi, pupunta kami sa mansyon n'ya mamayang gabi,” sabi ni Chinu saka napabuga ng hangin.

“P-Papatayin kayo ni Ashteroh kapag nahuli n'ya kayo. Binalaan n'ya na kayo nu'ng huling beses, diba? Seryoso siya... k-kaya n'yang pumatay ng tao. Nakita ko 'yon noon, sa mismong harapan ko pa. B-Baka hindi ko siya makumbinsi kapag nahuli n'ya kayo. M-Makinig kayo sa 'kin, tutulungan ko kayong magnakaw sa iba. Kaya ko nga kahit mag-isa, e. H'wag naman kayong magpadalos-dalos. Lalo ka na, Chinu, matalino kang tao. Marami tayong pwedeng pagpilian. H'wag si Ashteroh,” pangungumbinsi ko sa kanila.

Seryosong tumingin sila sa akin. Alam kong nahahalata na nila na may malalim kaming ugnayan ni Ashteroh. Mahal ko si Ashteroh... pero mahal ko rin sila. Ayokong may mangyaring masama sa kanila... Ayoko na kailangan kong mamili sa kanila.

“Mas mahalaga ba sa 'yo ang lalaking 'yon kaysa sa amin? Kaysa sa mga taong kasama na natin lumaki? 'Yung nararamdaman mo ngayon para sa kanya, mawawala rin 'yan, Naths. Mas mahala ang mga taong kailangan ng tulong natin ngayon,” saad ni Gina saka hinawakan ang kamay ko. “Nathalie, ayokong may mangyaring masama sa mga taong 'yon. Pamilya ko na sila kagaya mo. Wala na tayong ibang pagpipilian.”

“K-Kayo lang naman ang iniisip ko kaya ko kayo pinipigilan... mahal ko kayo kaya ko kayo pinipigilan. Marami naman tayo pwedeng pagpilian. B-Bakit si Ashteroh pa? Hindi n'yo rin sila matutulungan kung mahuhuli kayo at mapapatay ni Ashteroh. Kumalma muna kayo. Bigyan n'yo 'ko ng oras,” pangungumbinsi ko pa sa kanila.

Napaiwas sila ng tingin sa 'kin. Pakiramdam ko kahit anong paliwanag ang gawin ko sa kanila, hindi sila makikinig sa akin.

“Nathalie... papasukin namin ang mansyon ni Ashteroh Alexeev mamayang gabi sa ayaw o sa gusto mo. Hindi ka naman namin pipilitin kung ayaw mo kami tulungan. Kung doon na kami mamamatay, wala na kaming magagawa. Hirap na hirap na rin naamn kami,” sabi ni Chinu saka napahilamos sa mukha n'ya.

“S-Sinasabi mo 'yan dahil alam mong hindi ko kayang gawin na pabayaan kayo... Pag-isipan n'yo naman munang maigi. Hindi na kayo makakawala sa oras na pasukin n'yo ang mansyon lalo pa't wala sina Kuyu. H'wag kayong pupunta ro'n, please naman. Makinig kayo sa akin,” nauutal na pakiusap ko sa kanila.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, nanginginig din ang mga kamay ko ngayon. Ayoko na pati sa kanilang dalawa may mangyaring masamq rin... Gagawin ko ang lahat para pigilan sila sa plano nilang gawin.

“Gaya ng sabi namin, nasa sa 'yo kung gusto mo kaming tulungan. Pupunta kami mamayang 11 pm do'n. Bahala na kung ano'ng mangyari, desperado na rin kami,” sabi na lang ni Gina saka tinapik ang balikat ko bago umalis.

Ang daming tumatakbk sa isip ko hanggang sa makauwi ako. Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa sitwasyon ko ngayon. Kapag ba nahuli ni Ashteroh sina Chinu... hindi n'ya sila papatayin?

Mahal ko si Ashteroh pero hindi ko pa siya gaanong kilala. Hindi ko alam kung makikinig siya sa 'kin kapag pinakiusapan ko siya. Hindi ko alam kung palalagpasin n'ya ang gagawin ng mga kaibigan ko... Natatakot akong magsabi sa kanya, natatakot ako na baka hindi n'ya santuhin sina Chinu kahit pa kaibigan ko sila.

Pinagdududahan ko ang gagawin ni Ashteroh kung sakali... natatakot ako sa pwedeng mangyari sa mga kaibigan ko.

Napahilamos ako sa mukha ko at nanghihinang humiga sa kama ni Ashteroh. Kumuha ako ng isang unan at niyakap 'yon habang nakatulala.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon