Her Pov
Ano ang mararamdaman mo kung may isang taong pinaramdam sayo na napaka-espesyal mong tao? Yung tipong kapantay nyo na ang status ng kathniel? Yung Action speaks louder than words? Yun nga lang sila may label na, pero kami wala. Kasi kahit ako na nakakaramdam di ko rin maexplain kung titignan mo parang kami, maraming nagsasabi na bagay daw kami.
Kaya nga madalas ay lagi kami natutukso ng mga kaibigan naming at mga kaklase namin.
Yun nga lang sa isang taon na yun, di Malabo na di kami magkaroon ng di pagkaka-intindihan. Pareho kaming nagseselos kapag may ibang umaaligid sa amin na kakaiba. Nagtatalo rin kami pero sa huli ay siya itong hihingi ng dispensa.
Minsan nga ay yung kababata ko noon nasapak nya sa sobrang selos, syempre nagalit ako pero ang sabi niya di niya sinasadya kasi akala nya ay binabastos ako. Kung diba naman monggi.
Kaya heto ako naglalakad-lakad sa garden, ang aga ko kasi masyado sa napag-usapan naming oras. Habang hinihintay ko si aiden ay nagretouch muna ako! Hihihi syempre mahirap na maging panget sa harapan ng long time crush mo.
Tapos bigla mo maiisip ang mga pinagsamahan niyo! hays dagdag blooming yon! Maya maya bigla ko nalang naaninag si aiden na dumaan,kaya naman syempre sinundan ko. Buti na lang napatingin ako dun.
"Aiden! Hoy! Andito akoo" sigaw ko habang sinusundan sya patakbo
"ang liit mo kasi kaya di kita nakita hahaha" aba, kasalanan ko ban a dumiretso sya sa picnic area di sa usual spot namin?
"Napakasama mo talagang hambog ka! Teka nga ano ba yong sasabihin mo? At bakit ditto pa sa picnic area ha?"
"Kylie... May tanong ako sayo" may sagot ako hihi joke lang!
"Ano yun?" Nakangiti ko pang saad
"Gusto mo ko diba?" pft. Ano daw nakakagulat naman tong si Aiden
"Hoy ha! Don't me! Wag mo kong paasahin!"
"Oo gusto kita Kylie Alaina Rodriguez, Noon pa man gusto na kita tapos habang tumatagal na realize ko na mahal na ata kita. Hindi na normal ang nararamdam ko sayo, Mahal na mahal kita Kylie sana ganun rin ang nararamdam mo sakin"
" Aiden, a-ano ano kasi. Sige na nga aamin na rin ako. Simula palang alam ko na sa sarili kong gusto kita... sino ba naman di magkakagusto sayo no? kaso ang swerte ko sa kanilang lahat kasi ako ang gusto mo. Mahal rin kita Alex, kahit ganyan ka hahaha tanggap kita kahit napakarami mong flaws haha!
Minahal kita sa paraang alam ko saka kahit na ganyan ka? Napapagalitan lagi, nadadamay sa gulo. Mahal kita kaya aiden wag kang mag-alala kasi mahal rin kita"
Halatang nagulat sya sa ginawa kong pag-coconfess sa feelings ko "Wow! Kylie!!" sabi niya at sabay buhat sakin
"Aiden hu-huy! Baba mo na ako pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito hahaha!"
"Masaya lang ako sa nalaman ko na iisa lang ang nararamdaman natin, so Kylie does it mean na tayo na?" aba! Fast forward? Haha dejk lang
"Hoy! Syempre babae pa rin ako noh! Gusto ko pa rin maranasan ang maligawan!"
"Pwede ko parin naman yon gawin kahit tayo na! Gusto ko na ipagmalaki sa mundo na tayo na kylie" napa-isip naman ako don
"Aiden naisip ko na matagal na rin naman tayong magkasama, ilang taon na rin yon kaya siguro tama rin na maging girlfriend mo na ako. Oo tama isip mo Aiden, sinasagot na kita pero hep! tinapat ko ang kamay ko sa kanya kasi may balak na naming buhatin ako. Gusto ko pa rin ligawan mo ko ha kahit tayo na!"
"oo naman kylie! So tayo na ha? Wala ng bawian yan!" sabay yakap niya sakit ng mahigpit
"hoy sandali di ako makahinga hahaha! oo na ayaw mo ba haha!" at niyakap ko naman siya pabalik
Kinalas nya ang pagyakap nya sakin at hinawakan ang mukha ko at sinabi ang matagal ko ng hinihintay "I love you Kylie, Mahal na mahal kita. No one can ever break us" sabi niya habang nakatingin sa mata ko
" I love you too Aiden, mahal na mahal rin kita. Wag mo kong iiwan ha?"
Naramdaman ko na ang labi niya ay lumapat sa akin noo at sinabi ang bagay na kinakapitan ko " Hinding hindi kita iiwan Kylie, i will never leave you with no apparent reason and there is no reason leave you.
Trust me Kylie"
Bigla naman akong nagising at napa-upo sa kama ng matapos ang aking panaginip. 4 na taon na rin ang nakakalipas pero palagi ko pa rin napapanaginipan ang huling pag-uusap namin. Pagtapos ng pangyayari na iyon ay bigla na lamang sya nawala ng parang bula.
Naalala ko non pinuntahan ko ang bahay nila pero wala na akong nadatnan non ni hindi man lang nya sinabi sa akin na aalis sya. At sa sandali na iyon ay naalala ko ang sinabi niya sa akin na hindi niya ako iiwan, hindi niya ako iiwan hanggat walang dahilan para iwan niya ako at sinabi pa nya na pagkatiwalaan ko sya.
Pero ano ang nangyari Aiden? bat bigla ka nalang nawala? Bakit?
BINABASA MO ANG
Once Again
Teen FictionTRUST is an important thing. But what if the person you trust the most break it? Would you still forgive him? What if he has a reason? Would you still trust him?