Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon.
Ewan ko ba, ilang beses na naman akong nakapunta sa ganitong mga story conferencing pero hindi pa rin nawawala ang kaba ko kapag may mga ganito.
Simpleng white shirt na may tatak na NEW YORK sa harap ang suot ko na pinartneran ko ng high waist denim pants at white sneakers. Medyo nakakailang dahil mukang ako ang may pinakasimpleng suot sa mga taong narito.
Para bang konti na lang mapagkakamalan na akong isa sa mga staff dahil puting polo shirt naman ang suot nila.
Naglakad ako papasok ng event para na rin makakita na ako ng bakanteng upuan. Maraming tao. Marami rin akong pamilyar na mukha na nakita, mga matagal na sa showbiz pero mangilan-ngilan lang yung sikat na talaga.
Sa isang banda, nakita ko si Miss Dimple. Si Miss Dimple Romana. Shet, si Miss Dimple.
Bahagya akong yumuko at bumati nang mapadaan ako sa harap niya. "Hello po."
"Hello," Bati niya pabalik.
Shit, ang bait niya.
Lumawak ang ngiti ko lalo pagkatalikod ko sa kanya. Para akong ewan na kinikilig ng sobra. Isa kasi siya sa mga hinahangaan ko dito sa showbiz. Sa tuwing may palabas siya, sinisiguro ko na mapapanood ko 'yun. Solid kasi siya umarte, natural na natural yung luha niya lalo sa mga mabibigat na scene.
Biglang nagring ang cellphone ko, nakita ko si mama na tumatawag. "Hello po?"
Medyo maingay kaya tinakpan ko ang isang tenga ko para marinig siya ng maigi. Malas lang dahil may nabunggo pa akong babae na ang sama ng tingin sa akin.
"Sorry." bulong ko na lang dun sa baabe sa siya umalis at inirapan ako. Hindi ko na lang siya gaanong pinansin dahil sanay na anman ako sa ganong mga tao lalo na at pinili ko ang pag-aartista.
"Hello, Chin? 'nak lalabas muna ako ha. Maglalakad-lakad muna ako dito sa labas. Itext mo ako kapag tapos na kayo diyan."
"Okay po, Ma. Ingat po."
Pinatay na ni mama ang tawag. Ilang segundo pa akong natulala sa cellphone ko. Iniisip ko kung sobra kaya ang nahiram na pera ni mama ngayon pamasahe namin para may pangkain man lang siya.
Disi-otso pa lang kasi ngayon ng buwan at malayo pa ang sahod ni papa. Actually, katatapos lang sumahod ni papa at naipambayad na yon sa mga utang ni mama. Tiyempo namang ngayon din gaganapin tng story conference kaya walang nagawa si mama kundi ang mangutang muna para may pamasahe kami.
"Miss, excuse lang po." Awtomatiko akong napatabi nang dumaan ang ilang mga staf na nag-aayos ng projector sa harapan ng venue.
Saka ko narealize na nakaharang pala ako. Agad akong umupo sa pinakamalapit na abakanteng upuan. Nakakapanliit lang kasi parang halos lahat ng narito ang tagal na showbiz. Iyong iba mga bigatin na at ako lang ang wala pang masyadong experience.
Mukhang kilala na rin nila ang isa't-isa. Ako na nga lang ang mag-isa dito at walang kausap.
Maya-maya pa, nagbukas na ang main entrance. Agad na nagtinginan ang mga tao dito hanggang sa mula doon, pumasok si Andrea Brillantes. Malapad ang ngiti at gamit ang matinis at maliit na boses, sinalubong niya ng bati ang mga tao sa loob.
"Nandito na ang star!"
"Congrats, Andrea!"
Puno ng halakhak at pang-aasar kay Andrea ang nagpaingay sa buong kwarto. Isama pa ng walang humpay niyang pasasalamat sa mga congratulations ng mga ito. Pinagmasdan ko lang siya habang nakikipag-asaran siya sa lahat habang nakangiti.
Indeed, she's a star. She made this whole room lit up.
Kelan kaya no? Kelan kaya ako magiging katulad niya?
Gusto ko ring makilala. Gusto ko ring sa bawat kwartong papasukan ko, alam kong maraming tao ang babati at ngingiti sakin. because they know me. And they love me.
Pero mukang malabo pa yon sa ngayon. Sa ngayon, makukuntento na muna ako sa mga blessings na katulad nito na nakukuha ako sa mga castings kahit na sandali lang yung mga role na nakukuha ko. Madalas kasi akong gumanap bilang batang bida sa mga palabas. Ano kayang role ng gaganap na matandang ako?
YOU ARE READING
gold squad OFF SCREEN
Teen FictionA story based on gold squad's vlogs and my wide imagination. Mostly based on my wide imagination. May or in most cases may not be true or happening in real life. I just started supporting Chin so expect a lot of unrealistic things about her in this...