Misteryosong kabataan

1 0 0
                                    

"Love never dies of starvation, but often of indigestion." 

~ Ninon de L'Enclos

Hindi maintindihan ni Fernan ang nangyayari, kahit sa labas ay may nagsisigawan at humihingi ng tulong ngunit hindi niya na ito pinansin, sa halip itinuon niya ang atensyon sa asawa.

"Hindi na siya si Helda, hindi na siya ang asawa ko." Bulong ko sa sarili. Papalapit siya sakin at nakangisi habang sina sambit ang "pagkain, pagkain, pagkain!!!!"


"Helda, tumigil ka na!"  niyakap ko siya ng napakahigpit habang namumuo ang mga luha sa aking mga mata, sandaling kumalma si Helda sa mga bisig ko. Yumakap din siya sakin at  ikinalma ko na maging aking sarili.

"Asawa ko....ahhhh!"  napasigaw ako ng maramdaman kong may kirot matapos niyang ibaon ang mga ngipin nito sa aking dibdib. Sandaling tumigil sa pag tibok ang aking puso at halos mahirapan ako sa paghinga, ang malalaki kong braso ay tila ba naparalisa. Hindi ako makagalaw, ang tuhod ko ay nanlalambot. 

Mababakas sa mga mata ng asawa ang pagkagutom at pagka halimaw nito.  Sa pagdaan ng isang minuto ay nagawang maibalik ni Fernan ang lakas nito at buong lakas nitong itinulak ang asawa. Pa-bilis ng pa-bilis ang tibok ni Fernan habang pinipigilan ang pagdurugo sa dibdib.  Halos mamilipit siya sa sakit ngunit mas lalo pa siyang natakot para sa sarili ng makita niyang sarap na sarap ang asawa sa natikman niyang dugo mula sa kanya.

"Helda, ano bang nangyayari sayo?" Sigaw nito habang dumadaloy ang mga luha sa pisngi nito. Mistulang bingi naman si Helda na nakangiti habang papalapit na sa kanya.  

"Bakit ba nangyari sa aking pamilya ang ganito, tuluyan mo na ba kaming pinabayaan Diyos ko? Ano bang nagawa ko? Bakit sa pamilya ko pa, bakit ang pamilya ko pa!" Sa totoo lang kasalanan ko kung bakit naging ganito ang pamilya ko, hindi ako naging mabuting ama at asawa, wala akong kuwenta, wala akong karapatan para sisihin ang Panginoon sa nangyayari sa akin. 

Nang niyaya kong maging asawa si Helda ay nangako akong bibigyan ng magandang buhay kasama ang mga anak namin. Ngunit malayo sa ipinangako ko ang matamasa mo, asawa ko. "Patawad asawa ko, patawad mga anak ko. Mas mabuti na ang ganito, ang maging pagkain, ako rin naman ang dahilan kung bakit siya nagkaganito. Huwag ka lang matulad sa mga anak natin na namatay sa gutom." Binuka niya ang kaniyang mga braso at pinikit ang mga mata, naririnig niya ang mga yapak ng mga paa ni Helda, papalapit ng papalapit, pa-lakas ng pa-lakas tulad ng tibok ng kanyang dibdib.

Biglang tumigil ang mga yapak nito at pagtangis ni Helda ang tanging narinig ni Fernan, dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata at nakitang umiiyak at natatakot ang asawa.

"Fernan, anong nangyari sakin? Natatakot ako Fernan." Tinangka niyang lapitan siya ngunit pinigilan niya ito.

"Huwag mong gawin to, Fernan... wag mo akong gawing halimaw." Sigaw niya,  pinipigil niya ang sarili at pilit na umaatras.

"Umalis ka na, iligtas mo sarili mo...Takbo!." may mga luhang pumatak mula sa mapupulang  nitong mga mata.

Sinunod niya ang sinabi ng asawa, tumakbo siya at sa paglabas ni Fernan sa bahay ay naririnig niya ang mga kapitbahay na nanghihingi ng tulong, sumisigaw sa sakit at nagkalat ang dugo  at mga parte ng katawan sa kalsada. May batang babae siyang nakasalubong sa gitna ng kalsada, nakabestidang puti at may hawak na teddy bear na may mantsa ng dugo.  Humihingi ito ng tulong at takot na takot, naalala niya ang kanyang anak na babae. Habang papalapit dito ay may mga larawan na lumilitaw sa kanyang utak. Ang nakangiti niyang anak, ang masaya niyang anak kalaro ang kaniyang kapatid at sinundan ito ng larawang may nakahilatang mga bangkay na nagpatigil sa paglalakad nito. Naalala niya ang nangyari sa mga bangkay nito at ang pagkain sa mga ito ng asawa.

Narinig niya ang tinuran kanina ng asawa "Umalis ka na, iligtas mo sarili mo...Takbo!." at walang habas siyang tumakbo. Naiwang mag isa sa gitna ng kalsada ang kawawang bata.  

Nakalock ang nag-iisang labasan ng baranggay kaya ginawa niya ang lahat upang ma-akyat ang barbed wire na kasing taas ng bahay ngunit di siya nawalan ng pag asa. Kahit na napupunit at nasusugatan ang katawan ay patuloy parin ito. Napapasigaw ito sa sakit, tuwing may putol na bakal na bumabaon sa katawan.  Ang hindi niya alam ay gumagawa siya ng ingay na umaaagaw sa atensyon ng mga taong kumakain ng mga nagkalat na parte ng katawan sa kalsada.

Mabilis na tumakbo ang mga ito sa kinaroroonan ni Fernan. Nakabitaw sa hawak ang kaliwa nitong kamay at muntik nang malaglag ngunit mabilis naman itong nakahawak. Nakita niyang sandaling na-sabik ang mga ito ng malapit na akong mahulog. Nagtaka siya bakit nakatingin lang mula sa baba ang mga iyon at inaantay ang kanyang pagkahulog upang maging pagkain. Doon niya napagtanto na katulad sila ng mga zombie sa napapanood niyang palabas na hindi nag-iisip at tanging pagkain lang ang nasaisip nito.

Nagdahan-dahan siya sa pag-akyat at nang marating nito ang taas ay natanaw nito ang araw ay papalubog na, ang liwanag ay kinakain ng kadiliman at nag-iiwan ng kulay dugong kalangitan. May nabuong larawan sa utak ni Fernan, habang tinitignan ito. Ang asawa niyang kumakain ng parte ng tao, ang anak niyang walang braso, ang batang babaeng naka bestidang puti, ang kalsada at lahat ng iyon ay nabalot ng malapot na dugo. Hindi ito kinaya ni Fernan nang makabitaw ito at malaglag mula sa taas.

Nag sigawan ang mga nag aabang dito at nag unahan na makuha ang katawan  ngunit di nila nagawa dahil sa kabilang banda siya nahulog. Hindi makagalaw si Fernan dahil sa pagkabali ng kanang kamay , wala rin siyang marinig dahil ulo ang napuruhan.  Wala na  siyang ibang nakita kung hindi ang kadiliman. 

Suwerte paring maituturing si Fernan dahil hindi siya na tulad sa mga ka baranggay nitong  naging demonyong kumain ng tao o naging pagkain at pataba sa lupa. 

Ilang sandali pa'y may dumating na grupo ng kabataan, lulan ng humaharurot na kotse.

"Mukhang nahuli na naman tayo ng dating, Gabriella." ang usal ng binatang may pagkachubby at ang encharge sa pagmamaneho.  

"Shit...Dapat binilisan mo pa ang takbo." Inis na usal ni Gabriella sa binata.  Isinuot niya ang mask at inilapag niya ang  hawak na lumang katana.  

 Isa isa silang bumaba sa kotse, mistulang mga bida sa action movie ang datingan.

 "Ang baho wala ba kayong naaamoy?" pag iinarte ng babaing nakalugay ang buhok. 

"Isuot mo kasi yang mask mo! Nag iinarte ka nanaman, mag ingat ka, itong mga kamay ko ay nangangati nang pumatay, baka ikaw unahin ko." Seryosong tugon ng binata sa dalaga.



Ano nga ba ang mga bunga ng kagutuman?

Will people end up of death or being a murderer? If they run out of food, will they become vegan, who eats green leaves in the yard? Or will they turn into cannibals, who end up eating human flesh?

The new era is near, wherein in order to be alive, you must kill or live like a demon.

The question is, are you ready for this new era?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CANNIBALISM ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon