Ang gaan sa pakiramdam na alam mong may isang taong nandyan na kahit gaano kahirap mag-stay, magse-stay parin para sayo.
Yung tipong hindi mo alam kung ano bang meron sakanya, kasi sa tuwing titignan mo siya napakaspecial nya sa paningin mo.
Yung minsan ayaw mo nalang matapos yung klase para di niyo mamiss yung isa't isa.
Yung tipong lagi siyang nagtatampo pag di natye-tyempong di ka niya kagrupo. Hahaha!
Yung tipong lahat ata ng kabaliwan niya sa katawan lumalabas pag magkasama kayo.
Higit sa lahat..
Yung taong walang hiyang tatakbo sa kalsada, at sisigaw para lang sabihin na mahal na mahal ka niya.
Ang sarap isiping may ganong tao. Pero minsan sumasagi sa isip ko yung tanong ng mga taong malapit samin.
Ano ba kami?
Kaano ano ba kita?
Ano bang relasyon to?
Meron nga ba?
Meron bang kami? Teka...
May tayo ba?
Tanghali tapat at pinepeste ako ng lintek na term paper na hindi ko alam kung bakit napakomplikado. Kung ako tatanungin, minsan gusto ko nalang di magpasa kaya lang baka masapak ako ng nanay ko pag ginawa ko yon.
Na-iistress na ko. Badtrip. Hindi ko pinansin ang ingay sa paligid ko, at nakatuon ang mga mata ko sa laptop kaya lang..
May nakita akong isang bottled water at palabok sa gilid ng laptop ko. Unti-unti kong iniangat ang paningin ako at hindi na ako nagulat sa nakita ko.
Napangiti nalang ako ng makitang, nandito siya.
"Oh? Ginagawa mo dito? May training kayo ah? Baka pagalitan ka ni Coach, anong oras na oh." panimula ko saka muling tinuon ang mata ko sa laptop.
Ayoko sa lahat ng tinitignan siya sa mata kasi para akong hinihigop ng mga tingin niya. Yung tipong gusto mo nalang ay makipagtitigan sa kanya buong buhay mo. Okay ang OA na.
Nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko at sinimulang mag-sandok ng palabok.
"Ahhh." sambit niya na para akong bata sa lagay na to na pinapakain ng kuya niya.
"Luh? Baliw ka? Sige na iwan mo na yan diyan kakainin ko yan mamaya, tatapusin ko lang to." nakangiting sagot ko at bumalik sa pagta-type.
"Edi hindi muna ako aalis dito."
Napahinto ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa orasan ko.
"Hala?! Mahal naman! May training kayo, mapapagalitan ka ni Coach! Sige na, alis kana." sagot ko.
"Anong sabi mo?"
"Huh?" gulat na tanong ko.
"I mean, anong tawag mo sakin?" nakangising tanong niya.
"Ano..ahh..mahal. Osige na alis na." sabi ko nang di mapigilan ang ngiti ko.
Naramdaman kong tumayo siya saka nilapat ang dalawang palad niya sa pisngi ko at itinuon niya ang mukha ko sakanya.
"Kumain ka ha?" paalala niya.
"Opo." sagot ko.
Nang makaalis siya ay saka ipinagpatuloy ang pakikipagbakbakan sa term paper na to.
Nang matapos ako ay saka ko kinain ang pagkaing dinala niya saka nagligpit ng gamit at dumiretso sa court na pagte-traningan nila.
Pagdating ko don ay agad na nakita ko ang buong barkada.
YOU ARE READING
May tayo ba?
Short StoryAng sarap isiping pag kailangan kita, nandyan ka. Pag napapagod nako, ikaw yung taga- "Ooops! Di pwede, kailangang tapusin mahal ko." Pag busy ako, may magpapaalala sakin na usong ipahinga ang katawan. Pag kinakabahan ako, may hahawak sa kamay ko at...