Chapter 15

22 2 3
                                    

Luhan Point of view

Sa dalawa linggo ko day off sa pagnanatili ko sa bahay namin hindi ko pa rin nakakausap si Kyungsoo simula nong dumating ako noon ng makapasok ako sa kwarto niya, hindi ko alam kung bakit ayaw ako papasok ni Kyungsoo sa kwarto niya kaibigan naman niya ako.

"Kuya Luhan dumating ka na po pala," sabi ni Lannah habang papatakbo sa akin

"Lannah mamaya mo na ako yakapin may dala pa ako, baka matapon ito dala ko," sabi ko kay Lannah atsaka na niya ako bitawan sa pagkakayakap niya sa akin naglakad ako papunta sa study room niya

"Kuya Luhan bakit parang ang lungkot ng mukha mo po??" tanong ni Lannah sa akin habang nagaalala habang sinusundan niya ako papunta sa study room niya

"Ako malungkot hindi kaya Lannah," sabi ko habang nakasmile sa kanya habang nilalapag ko ang meryenda niya sa table niya

"Pero kanina Kuya Luhan malungkot ka eh," sabi ni Lannah

"Hindi ako malungkot ok." sabi ko kay Lannah habang pilit na ngiti sa kanya

Hindi na ako pinilit pa ni Lannah at umupo na siya sa study table niya

"Lannah nasaan pala ang Tito Chen mo??" tanong ko kay Lannah habang nakatingin sa kanya

"Umalis po Kuya Luhan, pero sabi niya sa akin saglit lang daw siya at babalik din siya." sabi ni Lannah sa akin ng hindi nakatingin sa akin habang nagsasagot sa libro niya

"Kuya Luhan, pwede niyo po ba kunin yung libro ko isa sa kwarto namin ni Daddy," sabi ni Lannah sa akin habang nakatingin sa akin

"O sige, nasaan ba?" tanong ko kay Lannah habang nakangiti

"Nasa may kama po namin ni Daddy." sabi ni Lannah habang nakatingin pa rin sa akin atsaka na niya inikot ang upuan niya nagsagot na ulit ng libro niya

Pagbukas ko ng pintuan sinilip ko kung nandoon ang Daddy ni Lannah pagkakita ko wala pumasok na agad ako at hinanap ang libro sa kama ng hindi ko makita tinignan ko agad sa ilalamin ng kama baka nalaglag, pero wala din doon pagkatayo ko sa pagkakadapa ko ng marinig ko na lang na may nagsalita

"ANO GINAGAWA MO DITO!!!??" pasigaw na tanong ni Boss Sehun sa akin habang nakamatalas na tingin

"May naiwan daw si Lannah dito sa kwarto niyo na libro niya pinapakuha niya sa akin," sabi ko habang nakatingin sa mukha niya napansin ko na basa ang buhok niya dahan-dahan ako napatingin adam's apple pababa sa dibdib, pababa din sa tyan niya

"DIBA ALAM MO ANG SINABI KO NA RULES SA IYO, DIBA PERO BAKIT HINDI KA SUMUSUNOD!!" pasigaw na sabi ni Boss Sehun sa akin

"Ano nangyayari dito??" tanong ni Chen habang kakapasok pa lang sa likod ni Sir Sehun

"ALAM MO CHEN KAUSAP MO YAN!!" pasigaw na sabi ni Sir Sehun sa akin ng paduro atsaka na pumasok sa banyo

Agad naman ako hinila ni Sir Chen palabas ng kwarto nila Lannah at ng Daddy niya

"Luhan ano ginagawa mo doon sa loob??" seryoso na tanong ni Sir Chen sa akin habang nakatingin sa mga mata ko

"May pinapakuhan libro kasi sa akin si Lannah sa kwarto nila ng Daddy niya, tuloy pumasok ako at nakalimutan ko yung rules na sinasabi niyo sa akin pasensya na talaga," sabi ko kay Sir Chen habang nakayuko

"LUHAN YUN LANG YUN ALALAHANIN MO HANGGA'T NAGTRATRABAHO KA DITO MAHIRAP BA YUN!!," pasigaw na sabi ni Sir Chen sa akin

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya, kasi tama naman si Sir Chen sa mga sinabi niya sa akin pero narinig ko na lang nagsalita si Lannah

The Babysitting of the Billionaire (HUNHAN) (BoyXBoy) (Tagalog) (Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon