Chapter 1: The Beginning

123 8 2
                                    


Giana, you're here!"

Nagpilit ako ng ngiti kay mommy, dahil na rin siguro sa pagod sa byahe. Malapit lang ang bagong school ko dito sa San Jose, kaya lang ay nahilo pa rin ako sa kalahating oras na biyahe. Minsan ay umaabot pa iyon ng isang oras depende sa traffic. Buti kanina ay walang inilalakad na patay papuntang simbahan.

Tiningnan ko lang ang mga bisita at ibinaba sa kusina ang bag ko at isa pang bag na may mga damit.

"Ayan na naman yung anak niyang bastos."

I smirked. Akala siguro ng mga bisita ni mommy ay hindi ko narinig ang bulong nila. My mother didn't hear them since she went upstair. Tss, kaya lang naman sila pumupunta rito ay para mangutang. Mangungutang na nga lang, manlalait pa.

"Jeremy, where's dad?" tanong ko sa kapatid kong lalaki. Tinignan lang ako nito at kumurap-kurap.

"Ate, I don't know."

"You should know." Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin. Lumapit ako sa kanya at kinurot ang kanyang pisngi kaya napasigaw siya sa sakit. This kid.

"Ate naman, eh!"

"Hindi mo ba 'ko namiss? I'm gone for a week again," mahinang sabi mo. Mamaya kasi ay may ichismiss na naman yung mga bisita ni mommy na kapitbahay namin.

"You're always like that, I got used to it." Ngumuso lang siya at tinitigan ang kung ano man na pinainit niya roon sa microwave. Nagkibit-balikat na lang ko, why would a seven year old kid think like that?

"When will you go back, ate?" tanong ni Jeremy nang hindi tumitingin sa akin. What's with that food inside the microwave?

"Mmm, sa monday nang madaling araw. I really need to go to class early. We'll have a long quiz," sagot ko at naghanap ng makakain sa ref. Natanaw ko si mommy na bumaba na rin mula sa second floor at bumalik sa mga bisita niya.

Bukod sa ilang mga gulay, prutas at mga pambatang pagkain ng kapatid ko ay wala na akong ibang nakita. Saglit akong naligo para mahimasmasan ang hilong nararamdaman ko. They shouldn't open the aircon when it's rainy day like this, I'm freezing to death, it's cold.

"Nagdo-dorm ba ang anak mo? Nako, delikado 'yan. Alam mo naman mga kabataan ngayon, hindi natin nakikita. Baka kung ano-ano na ang ginagawa."

I frowned, tumikhim lang si mommy at tumingin ng makahulugan sa akin.

"Hindi naman ganun si Giana. Alam niyo naman na mataray yan, kahit may magkagusto sa kanya, hindi siya lalapitan. Saka medyo malayo kasi ang Meridian High kung uuwi siya dito araw-araw."

"Nako! Hindi mo rin masasabi yan, mars. Sinasabi ko sayo, makikita mo, kumare."

Kunyari concern.

"Hindi naman po ako katulad ng anak niyong 13 years old pa lang, kinikilig na sa gusgusin niyong kapitbahay. Ayun, oh! Tanawin niyo sa tindahan, may mga batang nag-aasaran," sabat ko sa kanila. Inirapan lang ako ng dalawang kakwentuhan ni mommy.

"Ehem. Tataas na po ako, magre-review saglit bago kumain. Sayang naman, ako ang pinakamatalino dito sa barangay natin."

"Giana, makinig ka nga sa amin. Tingnan mo nga yang nanay mo, pinakamatalino yan sa barangay din namin noon, anong nangyari? Eighteen years old noong ipinanganak ka. Kaya ikaw, mag-ingat ka."

Tuluyan na akong napikon. Ampangit niyo!

Tahimik akong nagbasa ng libro sa library. Sa totoo lang ay nai-intimidate ako. I should have bought someone here with me, how am I supposed to go back? Sana pala ay hinila ko si Serrah, o kaya ay si Yuki para samahan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Oppressor's RefugeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon