04• Cheater - JeongChan

23 3 0
                                    

YAGI

Kanina pa ako dito kakahintay kay levi sa park tapos hanggang ngayon wala parin hmpt!

pumunta ako sa isang computer shop para mag chat kay levi kung nasan na siya pero hindi siya online kaya nag log out nalang ako! ampt nagsayang pa ako ng piso— sasapakin ko talaga yun pag 'di sumipot yun

dumaan ako sa isang coffee shop dahil maraming tao baka bibili sila ng munchkin ko— pumasok ako dun at nakita ko si Cris Xion malapit sa counter na may kasamang dalwang mga nasa middle 30's na lalaki

kumaway ako pero di niya ako napansin kaya  dumiretso nalang muna ako sa counter para magpa-alam na magbebenta ako dito sa loob

" ate, ako ulit—

" uy yagi! ba't wala ka kahapon ? " - tanong ni ateng nasa counter

" gumawa po kami ng brownies " - nakangiti kong sabi at pinakita ko sa kanya yung brownies

" saglit lang ha " - pag papa-alam niya dahil may costumer na lumapit—yung kasama  ni cris

tumingin ako kay cris na naka-ngiti pero blanko lang yung mukha niya— napansin ko ring tinanong siya ng lalaking katabi niya pero umiling lang siya. ano kaya yun

" Ice americano —

" joha joha~ " - wala sa sariling kanta ko na ikinatingin ni ate at nung lalaki

" For wife, sir? " - tanong ni ate at umiling naman si sir( sir daw e )

" no. nasa bahay yung asawa ko, for girlfriend. " - napatakip ako sa bibig ko at lumapit sa kanya ng konte

" Cheater ka!? " - tanong ko at kumunot ang noo niya. mahina lang yung pagkasabi ko pero narinig yun ng mga costumer— yung iba napaso pa sa kape nila

" what are you selling ? " - tanong nito at dinukot ang pitaka— wow,rich

" Brownie po tsaka munchkin. 'wag na po kayo mag kape, may benta akong tubig nasa labas—

" Yagi! " - tawag sa'kin ni ate at nag thumbs up ako

" Yagi? what's your surname? " - biglang tanong niya na ikinayuko ko

biglang gumaan yung loob ko nung narinig ang malamig na boses ni Cris

" Tito, please excuse us " - sabi niya at hinawakan ang braso ko

" i see, your new FRIEND? " - tanong nito at diniinan ang FrIeND

lumingon naman si cris sa likuran niya kung nasaan ang isang lalaki at sinabing " Levi's friend "

tumango naman si tito sir at lumabas kami ni cris

" Hindi mo'ko kaibigan? " - tanong ko pagka-labas namin

" You don't know my father —

"hindi ako interesado sa tatay mo —

"but, he is. " - malamig niyang tugon at lumingon na naman sa loob

" you should be careful sa lahat ng sasabihin mo. lalo na sa tatay ni levi " - hindi ko alam kung nag-aalala siya o nananakot siya

CLOSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon