Bonus Chapter

73 6 27
                                    

Tanging hikbi ko lang ang namumuno sa kwarto ni Cassius. Mahigpit lang akong nakayakap sa kaniyang braso habang inaalaa ang mga pangyayaring masaya kasama siya.

Bakit ito nangyayari sa akin? Ito na ba ang karma ko? Bakit pa dinamay si Cassius? Hindi ba talaga kami pwede sa isa't-isa? Masyado kang mapanakit, tadhana.

Birthday niya ngayon at hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malungkot dahil sa nangyari sa kaniya. Sobrang sakit lang isipin na wala nang Cassius akong babalikan. Na wala nang Cassius sa buhay ko. Gusto kong bumalik sa mga oras kung saan masaya pa kami. Kung saan pareho naming hinihiling na hindi na matatapos ang oras na kasama namin ang isa't-isa.

"Cassius, bakit naman ganito…" mahinang bulong ko habang hinahalikan ang kaniyang kamay.

"Naomi, inom ka muna ng tubig." Bigla akong napatigil nang narinig ko ang boses ni Humi sabay kalabit sa akin. Meron siyang maliit na ngiti sa labi habng bitbit niya ang isang basong tubig.

"S-salamat," napapaos kong tugon at kinuha ang basong hawak-hawak niya.

Sa gitna ng aking pag-inom ng tubig ay hindi ko binibitawan ang kamay ni Cassius nang naramdaman kong may biglang humawak din pabalik.

Mabilis kong inilayo sa aking mukha ang baso at gulat na napatingin na aking kamay na hawak-hawak ang kamay ni Cass. Nanlalaki ang aking nata nang nakitang gumalaw ang daliri niya.

"Humi! Humi! Nakita mo 'yon? Gumalaw si Cassius, Hum!" Hindi ko napigilang hindi mapasigaw at mabuti na lang dahil hindi ko nabitawan ang basong hawak-hawak ko. Nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo. "Ano? Guni-guni lang 'yan, Naomi. Anong gumalaw?" naguguluhan niyang tanong na parang natatawa.

Guni-guni ko lang ba talaga 'yon? Pero… bakit parang totoo ata?

Nababaliw na ba ako?

Bakit naman kasi ang bilis ng pangyayari? Nakakapanibago at nakakagulat. Ang sakit sa pakiramdam. Ngayon na nga lang kami muling nagkita, ito pa ang sasalubong.

Kung noon ay iniwan ko siyang nasasaktan, ngayon naman ay ako ang naiwan niyang nasasaktan. History repeats itself, huh. Siguro nga, ito na ang karma ko.

Dahil kahit gaano ako kabait sa iba, kung ako man ay naging mabuti sa karamihan pero marami rin naman akong pagkakamali. Marami akong kasalanan sa mata ng Panginoon. Lalo na ang mga salitang nabitawan ko habang galit ako.

"Naomi, sa sala muna tayo."

Kunot-noo akong napatingala sa babaeng nagsalita na nakatayo ngayon sa pintuan. "T-Tita," sambit ko at pinunasan ang mga luha kong hindi ko na namalayang tumulo.

Bakit parang wala lang sa kanila? Bakit parang normal lang ata ang pangyayari?

Kahit sobrang naguguluhan na ako sa kanilang inasta, ay tumayo na lang ako sa aking inuupuan at naglakad papalapit sa kaniya. Wala na rin si Humi sa kwarto, hindi ko man lang namalayang lumabas na pala siya.

Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Tita. "Everything will be fine, Naomi," she said.

Paniguradong mentally ang pinapahiwatig niya. Impossible naman na sinabihan niya akong everything will be fine, na mabubuhay pa si Cassius. Pero wala, eh. Wala na talaga siya.

Naglakad na kami papalabas ng kwarto at tahimik lang kami habang tinatahak ang daan patungo sa sala nila.

Nang kami ay makarating na, ay agad nagdikit ang kilay ko at naguguluhang napatingin sa mga taong nasa harap namin ngayon ni Tita, ang Mama ni Cassius.

"Alam n'yo na kaagad?" naguguluhan kong tanong ngayong nakita ko ang mga kaibigan ko. Nandito rin ang parents ko, ang porma nika ay ayos na ayos. Nakangiti si Mama pero ang ngiting iyon ay hindi malungkot.

An Epistolary: Love, Please Wake Me UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon