Introduction: Heredera A.K.O

25 0 0
                                    

Lagi ka na lang kasing nakatingin sa kanya, hindi mo tuloy alam kung may tumitingin din sa'yo...

Lagi mo na lang siyang hinahabol, ni minsan tuloy hindi mo alam na may tumatakbo rin papalapit sa'yo...

Lagi ka na lang kasing nakatalikod sa akin... Di mo tuloy nalaman na nandito ako para sa'yo.

- - -

Dear Viniel Alecolin,

          Hi Viniel! Gusto ko lang sanang sabihin sa'yo na... ANG MANHID MO! LAGI NA LANG AKONG NAG-AABANG SA MATAMIS MONG NGITI! LAGI NA LANG KITANG SINUSUNDAN! PERO SA KANYA KA PA RIN BUMAGSAK! ANG TANGA MO! MAHAL KITA, AT HINDI KA NIYA MAHAL! AKO NA LANG KASI MAHALIN MO?! PWEDE??

Yours,

Jersey Charlize Soo

"Ahhhhhrrggggh!" napasabunot ako sa buhok ko at tsaka sumubsob sa mesa kung saan ako nagsusulat ng "LOVE LETTER" ko para sa lalaking pinakamamahal ko...

"Viniel naman kasi, ano bang meron siya na wala ako?!" mababaliw na siguro talaga ako dito. Pati sarili ko kasi kinakausap ko eh. Langya, Jersey! Lalaki lang yan. Lalaki lang...

 

Lalaking pinakamamahal mo!

Ay buset, talaga naman! Aba't pati sarili ko kinokontra ko na! :( Nilukot ko 'yung papel na sinulatan ko at tsaka ito inihagis sa trash can na punong puno na ng papel sa gilid ng study table ko. Tinignan ko ang oras sa Iphone5 ko *ehem* yaman eh! XD

 

"Dafuq! 12:17am?! Hala, may pasok pa pala ko ng 7!"

Agad kong iniligpit ang mga gamit ko tsaka sumalampak sa malambot kong kama! Yay! First day of school mamaya tapos puyat ako. A big NO-NO! Kailangang magig maganda ako bukas, at dapat matalbugan ko ang ibang girlalush dyan. At syempre, para na rin mapansin ako ng aking One and Only Mahlabs ko! 

 

"Viniel Alecolin, mapapasakin ka rin. I swear. :D" I said between evil laughs. *cough, cough* Ackkk! Nabarahan yata ang aking throat! Bumara si Viniel eh, pababa sa puso ko! :"> <3 Uy, kilig siya! Hahahaha XD Makatulog na nga para maging maganda ang aking facelalu para mamaya! I need beauty rest :D

zZzZzZzZzZ *Alert, alert! Time to wake up! Hinihintay ka na ni Prince Viniel! Alert, alert!*

 

O?o

 

"Utang na loob!? Umaga na?!!!"

Dali-dali akong tumayo at nagdiretso sa banyo ko. Ganda ng alarm tone ko noh? Mahirap kasi akong magising eh, pero pag naririnig ko ang pangalang VINIEL, agad akong nabubuhayan ng dugo. Sensya naman, PBB Teens lang ampeg! Hug mo ko, hug mo ko! Choss! XD

 

Nag-shower ako for 30mins. Lumabas ng banyo at naglakad papunta sa walk-in closet ko. Hmmmm, ano kayang magandang maisuot? Naghahalungkat lang ako ng damit tapos isunuot ko na ito pagkatapos naglagay din ako ng make-up pero light lang. Ayokong magmukhang cheapangga pag nakaharap ko ang aking Viniel! Buti na lang talaga at noong isang araw nagpagupit na ko ng hair ko. At pina-blonde ko rin ito! Ang ganda mo talaga Jersey! :D

(Si Jersey yung nasa gilid :D)

 

Lumabas na ako ng aking kwarto at nagtuno sa Dining Room to eat my breakfast. Wala pala ngayon sina Mama, nasa business trip eh. You know, workaholic. Mayaman na, nagpapayaman pa! Tsktsk :3

 

After I ate my breakfast, nagpunta ako ng garden para hanapin si Manong Jun, driver namin. Nang makita ko na siya, agad niya akong binati.

 

"Ms. Jersey, hatid ko na po ba kayo?"

"Hindi na po, Manong. Pahanda na lang po nung Ferrari, susunduin ko pa po si Xin."

"Sigurado po kayo, Ms. Jersey?"

"Opo, Manong."

 

Nagpunta na siya ng garage para ihanda yung car. I get my phone then call Xin.

 

*Oh, pretty, pretty boy... I love you...*

 

Taray, may callback ringtone pa si Xin ah? At maganda 'yung song.

"Hello? Jersey?"

"Hello, Xin. Sabihan mo yung tropa. Sabay na tayo pumasok."

"Magdadala ka ng car?"

"Yep. Kayo din ah?"

"Okay."

"Geh."

I hang up the phone at pumasok na sa kotse. Pinaandar ko na ito papunta sa school. Actually, di naman ganun kalayo yung school namin sa bahay. Loob lang din naman yun ng Village. Ayoko lang talagang maglakad. Ayokong maging haggard pagdating sa school kasi, alam mo na... Lalandi nga ako diba? XDXD

 

After 10 minutes, nakarating na ko ng university. At pagbaba ko ng car, whuttt?? Hahaha, all eyes on me. Ang ganda mo talaga, Jersey Charlize Soo. You're the most beautiful creation in the world.

 

"Ang ganda niya talaga no? No wonder, ang daming boys nagkakandarapa sa kanya."

Habang naglalakad ako, di ko maiwasang iligid ang mga mata ko. Syempre, hinahanap ko si Sweetheart Viniel ko no!

"Oo nga eh. Kaso balita ko, wala pa daw yang nagiging boyfriend eh?"

Aish! Nasaan na ba si Sweetheart?? Yohooo, where art tho?

"Paano, hinahabol-habol si Viniel, eh hindi naman siya gusto!"

Ang pinakaayoko sa lahat yung binabanggit yan. Yang sasabihing hindi ako gusto ni Viniel. Oo, alam ko, di naman nun alam na nag-e-exist ako! Pero langya naman, di ba nila alam na nasasaktan din ako!?

"Dears, alam niyo ba na mortal sin ang pagchismisan ang walang kamuang-muang na tao? Kung ako sa inyo, stop gossiping. Kasi di niyo ba alam..." nilapitan ko sila at ibinigay ang aking sweetest but devilish smile. Ibinulong ko sa kanila ang mga salitang...

 

"I can make your days here miserable."

Nasabi ko na ba sa inyo na ang family ko ang nag mamay-ari ng Soo Orientis University? If not so, ngayon alam niyo na.

 

Heredara A.K.O.

 

- - -

Pangit? Maganda? Comment lang para alam ko kung itutuloy ko pa. Thanks :)

Sino mabait dyan? Pagawa ng cover, puhleeeesee?? :)

 

Shalamats :)

 

YeahIt'sRanz^^

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Have You Seen Me? (Jungmal Nomoo Apa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon