03

103 3 0
                                    

I really don't know kung paano at bakit ko siya naging close nang sobra.


Nung nag transfer siya, hindi ko siya pinapansin kahit anong kulit niya pero last month naging close kami nang sobra kaya naman akala ng lahat boyfriend ko na siya.


But no at hindi pwede dahil may nililigawan siya sa kabilang section.


Tyler is just my close friend. Isa siya sa mga close ko sa lalaki, lagi rin siyang nagpapatulong sa akin about sa acads o kali man kung paano mapapasagot ng oo yung babae na nililigawan niya.


"Huy, tara na mag rereport ka pa," bungad sa akin ni Yuki pagkalabas niya ng kwarto niya.


I just nodded and smile. Ramdam ko na yung kaba ko dahil ito na naman, reporting na naman. Ilang beses naman na kami nag report pero wala pa rin bago, kinakabahan pa rin ako but I learned how to manage myself kapag nasa harap na ako. Hindi na ako tumitingin kila Yuki dahil for sure mawawala sa isip ko yung sasabihin ko.


"Group 4, magsimula na kayo," tumayo na kami ng mga kagroup ko, pangalawa ako sa magsasalita kaya nag focus na agad ako.


"Go babe, Gia!" sigaw ni Tyler, inirapan ko na lang siya dahil mawawala ako sa focus.


Tuwing mag rereport ako lagi nalang siyang sisigaw ng ganyan kaya akala ng iba kami na talaga pero hindi talaga, puro kalokahan lang yung ginagawa namin. Sweet at caring lang kami sa isa't isa pero iba ang gusto niya.


Masayang natapos yung reporting namin pero bago mag break ay may announcement daw yung adviser namin kaya biglang tahimik namin.


"Next week start ng mini intrams niyo, mini dahil kayong buong senior high school lang ang mayroon bukod ang college and junior high school sa inyo, may sari-sarili kayong intramurals. Lahat kayo ay required na magpalista sa kung anumang sports ang gusto niyo."


May sinasabi pa si Ma'am pero yung isip ko naglalakbay na kung anong sports ang sasalihan ko at pinagdarasal ko na kagroup ko si Yuki or kahit sila Seah dahil hahatiin daw sa 7 groups yung lahat ng shs students. Halo halo kaming grade 11 and grade 12 kaya kinakabahan na talaga ako.


"Wala kayong klase sa hapon dahil busy na ang mga teachers niyo para sa intramurals niyo kaya pwede na kayo umuwi after ng last subject niyo ngayong umaga."


Syempre masaya kaming lahat dahil maaga kami makakauwi.


Habang naguusap yung iba, biglang nag-vibrate yung phone ko, pagkakita ko si ate nag text sa akin.


Ate Gianna:
Gia, umuwi ka dito sa bahay mamaya after class mo, sila mame mukang maghihiwalay na talaga..


Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nabasa ko, wala akong naririnig na kahit ano, parang gusto ko na lang umuwi agad ngayon. Baka sakaling maayos pa nila.  Baka pwede pang pag usapan. Baka pwede pa.


20 years na pagsasama nila itatapon lang nila nang ganon ganon? Kung kailan may mga anak na sila tsaka nila maiisipan mag hiwalay? Bakit? Paano? Anong dahilan?


"Huy Gia, okay ka lang ba?" Napalingon ako sa humawak sa braso ko at nakita ko si Yuki. si Yuki na masaya ang pamilya simula bata. Si Yuki na close sa family niya.


"Payakap lang kahit saglit lang," mas hinigpitan ko yung yakap ko kay Yuki at mas lumakas ang hikbi ko. Buti nalang busy yung iba at hindi nila napansin na umiiyak ako.


"Gia, okay ka lang?" Tanong ni Tyler nang mapansin niya ako.


"Oo naman," hindi Tyler, hindi ako okay at hindi ko alam kung magiging okay pa ba ko, kung magiging okay pa ba yung pamilya namin.


Hinawakan lang niya ang tuktok ng buhok ko. Parang sinasabi niya na magiging okay ka rin. Hindi ngayon pero darating din ang panahon.


Matagal na namin napapansin ni Ate na hindi okay sila mame. Almost 1 year or 2 years na rin namin napapansin na parang may nagbago pero hindi kami nagtatanong dahil sa kanilang dalawa lang naman may nagbago pero yung pakikitungo nila sa amin ay walang nagbago.


Natatakot ako sa mga possibleng mangyari dahil alam ko mismo sa sarili ko na hindi na masaya yung pamilya namin at alam ko na once na maghiwalay yung parents namin, alam ko na ako na lang mag isa.


Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko. Kailangan kong maging malakas para mabuhay ako. Kailangan kong mabuhay para sa sarili ko dahil una pa lang alam ko ng hindi nila ako isasama kung sakaling mag hiwalay sila.


Gusto ni mame na isa lang yung magiging anak nila ni dade at ganon rin naman si dade pero hindi nila inaasahan na mabubuo ako after ng binyag nila kay Ate Gianna.


Sa una masaya naman, ramdam ko naman na mahal nila ako pero nung nag high school ako unti unti ko nang naramdaman na parang mali, parang hindi ako belong sa pamilyang 'to.


To: Ate Gianna
Pa-uwi na ako ate.


After one hour na byahe, nakarating na ako sa bahay. Tahimik pa sa sala pero pag dating ko sa taas sa kwarto nila mame ay nakita kong nag eempake na silang dalawa, ganon rin si ate Gianna.


"Mag-empake ka na rin, Gia."


Bakit? Isasama niyo ba ako? Kung saan kayo pupunta? Kasi alam ko namang hindi.


"Mag empake ka na, Francesca. Kunin mo na lahat nang gamit mo, wala kang iiwan kahit na ano dahil ibebenta na rin naman 'tong lintik na bahay na 'to," my mom said.


"Ma, kanino sasamsa si Gia?" Tanong ng ate ko kay mame.


Tahimik lang ako na hinihintay yung sagot ni mame.. na sana isama niya ako sa kanya kahit na alam kong hindi naman mangyayari iyon.


Dahan dahan ko rin tiningnan si dade at agad siyang umiwas ng tingin sa akin.


I knew it, mabubuhay ako nang ako lang. I need to.


"Kaya na niya sarili niya, malaki naman na siya. Magpapadala na lang ako ng pera sa kanya kung kailangan niya man," my dad said.


"Bahala ka sa buhay mo, basta sa akin si Gianna," my mom replied.


Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang mag empake ng mga damit ko. Hindi ko alam ano uunahin ko.


"Hoy, Francesca, wag ka ng mag inarte diyan tapusin mo na yan, pagkatapos mo diyan ikaw na bahalang magsara ng pinto at ng gate!" Sigaw ng mama ko galing sa baba.


Mukhang tapos na silang lahat mag empake ng mga damit at gamit nila.


Mukhang masaya naman sila na iwanan akong mag isa at mag kanya kanya na sila.


Unti-unting nag flashback lahat ng masasayang alaala na nabuo namin dito sa bahay na ito.


Sabay kami uuwi ni ate galing school, sabay sabay kami kumakain ng agahan hanggang hapunan. Sa garden kung saan kami palagi naglalaro ni ate at doon rin ginaganap yung mga special days namin. Kapag birthdays, pasko, bagong taon at iba pa.


Ang daming memories na hanggang alaala nalang dahil hindi naman na mauulit muli.


To: Yuki
Bes, sunduin mo 'ko sa bahay namin...

The Art Of Letting GoWhere stories live. Discover now