"Anak, tinransfer ka namin ng Papa mo ng ibang school."
Naudlot tuloy ang pagsubo ng kutsara sa bibig ko ng sabihin niya 'yon. Agad akong napalingon kay Mama dahil interesado ako sa sasabihin niya. Hindi naman ako tutol sa ginawa nila. Actually, masaya pa nga ako dahil hindi ko na makikita'yong mga naging kaklase ko na puro pambubully lang ang ginawa sa akin. Hindi naman ako duwag dahil hindi ko sila nilalabanan pero pinapangalagaan ko lang 'yong dignidad at pangalan na meron ako.
May ari kasi ng isang sikat na kumpanya ang mga magulang ko at ayokong mapahiya sila kung gaganti ako kaya hindi na lamang ako umiimik.
"Is it okay to you?" nag-aalalang tanong niya. Ngumiti ako bilang tugon sa sinabi niya. Akala niya siguro ay hindi ako papayag at tututol ako.
"It's okay po, Ma. Alam ko naman pong kapakanan ko naman ang iniisip niyo. Okay lang po sa akin. Actually masaya nga po ako e." ani ko sabay subo ng isang kutsarang kanin.
"That's great!" singit naman ni Papa. "Bukas, maaga kang gumising dahil tomorrow is the start of your class. Ihahatid ka namin ng Mama mo. Pero wait, may nakalimutan pa pala kaming sabihin sa'yo." dagdag pa niya.
"Ano po 'yon?" nagtatakhang tanong ko.
"Pasensiya na anak pero kailangan mong magpanggap na lalaki para papasukin ka sa school niyo."
Halos maibuga ko 'yong kanin na sinubo ko dahil sa sinabi niya. Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko.
"P-pero, paano po nangyari 'yon? Is this real?"
"Pasensiya na talaga anak. Dalawa lang kasi 'yong eskwelahan dito sa probinsiya natin and we're thought na ayaw mo ng bumalik sa dati mong school dahil sa pambubully last week. That's why napilitan kaming ienroll ka sa isang school na exclusive for boys only, because we have no choice kung hindi ka namin ieenroll. Kaysa naman sa mapalayo ka pa e mas pinili na lang namin 'yon para kapag papasok at uuwi ka, maihahatid at masusundo ka namin ng Mama mo." pagpapaliwanag niya.
Nakuha ko naman agad 'yong point niya at alam kong ginagawa nila 'to para sa kinabukasan ko kaya pumayag na lang ako pero nabobother pa rin talaga ako. Ano kaya ang magiging itsura ko bukas? Magmumukhang tao pa rin kaya ako?
Kinabukasan ay maaga akong nagising hindi dahil sa excited ako pero dahil hindi ako makatulog. Okay kaya 'tong gagawin at papasukin ko? Paano kung mabuking nila ako na babae pala talaga ako? Hayst bahala na nga.
Nagpunta na ako sa CR para maghilamos at maligo. Habang nasa CR ako ay nagpapraktis na ako kung paano palakihin ang boses ko kapag nagsasalita ako pero ayaw talagang makicooperate ng boses ko. Kapag nahalata nila, patay na! Pagkatapos ay bumaba na ako para magbreakfast.
"Yung mga susuotin mo, pinagayak ko na kay Manang Esther. Itali mo 'yang buhok mo at magsuot ka ng wig para hindi nila mahalata na babae ka." bilin sa akin ni Mama.
"Palagi kang mag-iingat at palagi mong aayusin ang kilos mo dahil once na mahuli ka nila, need ulit nating maghanap ng ibang school na papasukan mo at siguradong mahihirapan tayo don kaya palagi kang mag iingat." dagdag pa ni Papa.
Actually, nakakastress 'tong pagdidisguise na gagawin ko. Wala pa man ay kinakabahan na ako sa magiging resulta nito. Para akong suspek na may ginawang karumal-dumal na krimen para magdisguise ako kagaya nito. Tama si Papa. Anytime ay pwede akong mahuli kaya dapat ay doble ingat ako. Bahala na nga mamaya.
Lord, please help me na lang po.
Pagbaba ko ng sasakyan ay mas lalo akong nakaramdam ng kaba. First time ko lang gagawin to at wala akong kaide-ideya. Niminsan ay hindi ko pinangarap na maging isang lalaki pero ano pa bang magagawa ko? Nandito na 'ko e. Kailangan ko na lang panindigan.
BINABASA MO ANG
All Boys Academy
RandomSi Jeremy Alcantara ay isang babae na nagtransfer sa isang sikat na Academy pero exclusive lang "for boys" kaya napilitan siyang magpanggap na isang lalaki. Ano kaya ang kahihitnan niya sa paaralang 'to?