CHAPTER 4: The Necklace

1 0 0
                                    

Third Person's POV

DALAWANG araw na ang lumipas matapos malaman ni Chaly na hindi namatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya. Hindi siya pinatulog ng mga katanungan niya sa isip ng gabing iyon. Kuryusidad ang ngayo'y bumabalot sa pagkatao niya. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na maaring may dahilan ang kanyang ama kung bakit iyon ang sinabi sa kanya. May dahilan siguro ito kung bakit nagsinungaling. Ngunit, naalala niya ang kanyang Mamita.

"I know Mamita knows something. I need to ask her" tanong ni Chaly sa sarili na kasalukuyang nakaharap sa salamin ng kanyang silid.

Wala mang tulog ay pinilit na pinalakas ang isip upang malaman ang totoo. Namumulang mata, maputlang labi at halatadong itim na bilog sa gilid ng mata ang siyang mapapansin sa kanya. Namamaga rin ang kaniyang mata dulot ng pag-iyak.

Natawa siya sa sarili.

"Look at you Chalysandra. You look like a mess!"

Napagdesisyonan niyang maligo kahit ala singko pa lang ng umaga. Nais niyang maabutan ang kanyang Mamita bago pa man ito umalis katulad ng palaging ginagawa, palaging wala sa mansion. Ito ang kanyang tatanungin tungkol sa kanyang ina.

'Alright Chaly. You have a one goal starting this day, FIND THE TRUTH' sabi niya sa isip.


Sa kabilang dako, kasalukuyang ginigising si Khino ng kaniyang kapatid dahil sa araw ng linggo at magsisimba silang buong pamilya. Ngunit talagang mahirap patayuin si Khino kahit ito'y gising na.

"Kuyaaaaaa wake up naaaaa. Mommy said we will go to church. Kuyaaaa" pangungulit ng bunso niyang kapatid na si Veal. Ngunit hindi pa rin nagpapatinag si Khino at nakadapa pa rin sa kama niya.

"KUUUUUUYYYYYYYAAAAAAAAAAAA" sigaw ng kanyang kapatid malapit sa tenga niya. Kaya naman narindi siya dahil rito.

"Stoooopp it Veal!" saway niya dito. Kaya naman ilang sandali pa'y hindi na niya narinig ang makulit na kapatid. Ngunit bigla na lamang niyang narinig ang ibang boses.

"KHINO OLIVER HAN GET UP RIGHT NOW!" dali-dali siyang napatayo sa sigaw ng kaniyang Mommy na kasalakuyang nakatayo sa paanan ng kanyang kama at nakapamewang pa.

"Mom stop shouting" sabi niya habang kinukusot ang mata.

"Kung hindi ka sasama hindi ka makakalabas ng bahay ngayong araw!" at nanlaki ang mata niya sa narinig.

"Ito na nga po e. Maliligo na" pilit niyang ngiti sa ina.

"Fix your bed first Khino" at tuluyan ng lumabas sa kwarto niya ang ina.

Inayos niya muna ang kama saka pumasok sa banyo upang maligo.

Chaly's POV

Inaasahan kong aabutan ko si Mamita sa dining area ngunit ito ako't mag isang nasa mesa habang nakatayo ang isang maid sa gilid ko. Nakatunganga lang ako sa maraming pagkain. Nakakawalang ganang kumain kapag mag-isa.

"Rona halika samahan mo ako kumain" aya ko sa kasambahay namin na ka edad ko lamang. Apo siya ni Lola Auring kaya medyo close kami niyan.

"Ay naku po Ma'am nakakahiya" nahihiya nga niyang sabi.

Napabuntong hininga ako. "Diba sabi ko sayo ay Chaly na lang pag tayo-tayo labg ang nandito? Wag ka na mahiya, tara kain kana. Dito ka sa tabi ko" utos ko at wala siyang nagawa kundi ang umupo sa tabi ko. Sakto namang lumabas si Yaya Auring mula kusina.

Niyaya ko rin siya. "Kain na tayo Ya"

"Sige at ako't nagugutom na rin"

Sabay-sabay kaming kumain ng agahan at tinawag pa namin ang iba pang limang kasambahay. Nagagawa ko lang to kapag wala si Mamita at Daddy. Ayaw kasi nilang sumasalo ang ibang tao. Pero si Yaya Auring sumasalo minsan. Magkaibigan rin naman sila ni Mamita. At doon ko naalala na baka may alam si Yaya Auring.

The Parallel UniverseWhere stories live. Discover now